"Congratulations, lahat kayo makaka-graduate," nakangiting wika ng Principal kay Topher na nakatayo sa harapan nya.
"Talaga, sir?!" Tuwang tuwang saad ni Topher. Wala pa si Hailey kaya sya ang pinatawag ng principal para iannounce na ga-graduate silang lahat.
Samantalang napatakbo naman kaagad si Kane patungong classroom. Kanina pa ito nagi-eavesdrop simula ng pumasok si Topher sa office.
"Guys!! Lahat tayo ga-graduate!"
Umalingawngaw ang sigaw ni Kane sa buong classroom. Napatigil ang lahat sa kanya kanya nilang ginagawa at lumapit sa kanya.
"Is it real?!" Natutuwang tanong ni Candy.
"Real na real!" Kane.
"Guys!" Napatingin ang lahat ng pumasok si Topher sa pinto na hingal na hingal.
"Nakapasa---"
"Alam na namin!" Sigaw nila.
"Pano?!"
"Syempre dahil sakin!" Proud nanamang saad ni Kane.
Nagsibalikan ang iba sa kanya kanya nilang ginagawa.
"Hulog ka ng universe, grabe" sarkastikong sabi ni Topher.
"Naman! Gwapo e!"
"Hinulog ng universe sa sobrang panget! Lul!" Sabay alis nito.
~
"Alam nyo ba kung bakit tayo nakapasa?" Sigaw ni Ayana.
"Bakit?" Tracy.
"Kasi ang score natin sa exam nakadepende sa nagc-check!"
Nagtawanan ang mga ito. Kahit si Candy at Jared na busy sa pagk-kwentuhan ay natawa.
Bumalik ang mga ito sa kanya kanyang ginagawa. Nagtatawanan ang iba habang ang iba naman ay pinagpatuloy ang paglalaro ng uno na natigil dahil sa masayang balita ni Kane.
Si Jared at si Candy ay nanatiling nakatingin at pinagmamasdan si Anika na maya't mayang sumusulyap kay Blake.
"Di ka ba talaga nagkagusto kay Anika?" Tanong ni Candy.
Nagulat si Jared sa biglang tanong ni Candy ngunit hindi nya ito pinahalata.
"Diba ikaw ang nagpapanggap na Blake kapag di nya magampanan ang trabaho nya bilang boyfriend. Ano? Di ka ba nagkagusto sa kanya?"
Biglang bumalik sa ala ala nya ang lahat ng pinagsamahan nila ni Anika ng hindi naman alam nito.
"I love you, babe!" Sabay halik ni Anika sa pisngi nya.
"I... I love you ... too," sagot nya ng hindi makatingin sa dalaga.
"Aminin mo? Di man lang ba bumilis ang tibok ng puso mo kapag kasama mo sya?"
Kakatapos lang nilang mamili ng damit para sa Acquintance. Sa sobrang pagod dumeretso sila sa mcdo para kumain.
Habang kumakain hindi nya maiwasang tumitig kay Anika. Nahuli sya nitong nakatingin kaya ngumiti ito ng napakatamis.
Bigla syang napahawak sa dibdib nya ng makaramdam sya ng pagbilis ng tibok ng puso nya.
"Kahit kailan ba di ka nag alala kay Anika na baka mapahamak sya?"
Naalala nya yung araw na sabay sabay silang nagcutting. Nagtakbuhan sila ng makita ang pamangkin ng Principal na kasalukuyang nagtatrabaho.
Bago sya tumakbo ay hinanap nya muna si Anika ngunit pagtingin nya ay tumatakbo na ito kasama ang kapatid.