~A GIRLFRIEND FOR HIRE
(DAWN's POV)"Zeus!" Tawag ko kay Zeus pero hindi siya lumilingon.
"Ui ano bang nangyayari sayo?!"
"Wala! Tapos na ba? Pwede na tayong umuwi?" Sabi niya. Mababakas sa mata niya na bigla siyang nawala sa mood.
"PMS ka ba? Bakit ang sungit mo na naman?"
Pero hindi siya sumasagot. Niyugyog ko siya pero wala pa din. Nakakainis! Nafefed up na ako sa kanya.
"Oh sige. Umuwi ka na. Sasama na lang ako kay Cam kung ayaw mo akong pansinin." Tumalikod na ako pero hinila niya ako at niyakap patalikod. Sandaling parang naparalisa ang katawan ko.
"Masama bang magselos ako Dawn? Sabihin mo. Kasalanan ba yun?"
Nabigla ako sa sinabi nya. Parang nabingi yata ako?
SIYA? Nagseselos? Talaga ba?
"Ha? B-bakit..?"Yun lang ang lumabas sa bibig ko. Inilayo niya ang katawan niya saakin
"Joke lang! Pisyow! Hahaha!" Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba yun. Hinampas ko siya.
"Tado ka! Kung anu-anong sinasabi mo!!!"
"AHAHAHA! Akala mo totoo na 'noh? Asa ka naman ampanget mo kaya!"
Tss. Nakakainis. Bakit ba siya nagbiro ng ganun? Paano na lang kung naniwala ako? Grabe siya. Agad akong umalis sa harap niya at sasakay na sana ako sa kotse ko pero hinila niya ako.
"Sumama ka sakin.."
"Saan ba tayo pupunta? Saka tapos na diba? Ayos na, tapos na kami ni Cam, umuwi ka na."
"Ayos mukha ka rin 'noh? Matapos mo ako gawing hired fiancee hindi mo ako babayaran?"
Ha? ACK~ oo nga pala ano? Since okay naman ang ginawa niya dapat talaga may token siya.
"Magkano ba?" Tanong ko at dudukot na ko ng tseke sa pouch ko.
"Be my girlfriend. Just for tonight."
"What?!"
"Seryoso ako. Magdate tayo. Gusto ko maging girlfriend ka ngayong gabi." Natawa ako. Napakainsane ng idea niya.
"Ano ba talagang plano mo ha? Hindi kita magets."
"Basta. Magiging girlfriend kita ngayon at gagawin natin lahat ng ginagawa ng magboyfriend at girlfriend." Mariin niyang sabi at hinila na ko papasok sa kotse niya. Pilit akong nagpupumiglas pero malakas siya. Nababaliw na 'tong si Zeus. Atsaka siya pumasok rin sa kotse at nagdrive.
"Pwede ba pakipatay mo yung aircon?" Sabi ko sa kanya. Nangagatog na ang mga tuhod ko. Sobrang lamig naman ngayon.
"Tss.. Bakit kasi ganyan ang suot mo? Siguro ay inaakit mo ako 'noh?" Sabi niya kasabay ng malawak niyang ngiti. Hinampas ko siya, takte ang yabang niya!
"Oo na! Sige na papatayin ko na!" Sabi niya habang hinihimas yung mga parteng hinampas ko.
__________________________________________________________________________________
Dinala ako ni Zeus sa isang bar na parang pamilyar sakin. Napakaingay naman dito. Nagsasayawan yung mga kabataan sa dance floor sa saliw ng isang modern music.
"What're we doing here?" Pasigaw kong tanong kay Zeus dahil napakaingay talaga.
"Magpapakalasing tayo. Magpapakasaya!" Sabi niya.
BINABASA MO ANG
Breaking His Dark Secrets
RomanceFanfiction of Zeus Collins and Dawn Chang. Enjoy reading guys. :) And oh BTW it's Fifty Shades Of Grey inspired din pala guys. Full of mysteries 'tong story na 'to.