#Fear 19: The Crooked

3.5K 116 3
                                    

#Fear 19: The Crooked


__〆( ̄ー ̄ )

Isang estudyanteng babae ang naglalakad papasok sa room niya. Nasa dorm na siya.

Karaniwan siyang masigla at pala-salita.

Kabilang siya sa mga tinatawag na 'gangsters' na kasalukuyang kumakalat na sa buong Serlande University.

Babae nga siya pero matapang din siya't palaban gaya ng mga lalaki niyang kasama.


"Maye!" Tawag sa kanya ng roommate niyang nakasilip mula sa loob ng room 12-05 kung saan siya napapabilang.

"Oh?" Nagsalubong ang mga kilay niya nang mapansin niya ang kakaibang ekspresiyon ng mukha nito.

"Nandiyan na naman." Bulong ni Elaiza, ang roommate at bestfriend niya.


Natahimik siya at saglit na huminto sa tapat ng pinto.


Isang mahinang iyak ang narinig niya mula sa room 12-06.


"Hello dad? Opo, okay naman po ako." Isang boses ang umepal kaya nawala sa pandinig niya yung iyak ng bata.

Nilingon niya ang babaeng papasok naman sa room 12-07. Lagi niyang nakikita ang babaeng 'yon pero hindi niya kilala ang pangalan nun.

"Opo. Mabait naman po si Olivia, yung roommate ko. Tsaka sina Nem at Celine nga po pala yung mga bestfriends ko. Hindi naman nila ako pinapabayaan kahit na baguhan ako." Sabi ng babae sa phone nito at tuluyan na itong nakapasok sa kwarto nito.

"Roommate? May roommate siya?" Nagtatakang imik ni Elaiza sabay hila sa kanya papasok sa kwarto nila.

"Siguro. Yun yung sabi niya eh." Nagkibit-balikat na lamang siya at inilagay na niya sa gilid ng kwarto yung mga dala niya. "Kumain ka na ba?"

"Oo, tapos na. Anung oras na kaya."

"Ako rin." Ngumiti siya hinubad niya yung uniporme niya tsaka siya tumungo sa banyo.


Habang nagsha-shower siya ay may naririnig na naman siyang hikbi.


"Ate..." Humihikbing imik ng batang nasa kabilang kwarto. "Please..."


Pinatay niya yung shower at dahan-dahan niyang idinikit yung kaliwang tainga niya sa pader na nasa pagitan ng kwarto nila at kwarto ng batang umiiyak.


"Shhh..." Isang kakaibang boses ang sumagot sa bata. "Shhh..." Pag-ulit nung boses. Iyon yata ang kapatid ng bata.

"Hindi pwede...ate..." Sumisingot na sabi nung bata at isang kalabog ang sumunod doon kaya napaatras siya.

"Shhh!"

"Tama na, ate! Tama na—"

"W-Walang...l-lalabas..." Isang mabilog na boses ng babae ang tumugon at dalawang magkasunod na kalabog na naman ang narinig niya.

"Maye? Matagal ka pa ba diyan?" Tanong ni Elaiza mula sa labas ng banyo.


Agad siyang nagpunas at nagbihis tsaka siya lumabas.

Ghosts and GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon