I kept on walking and not minding the people around me. If they are looking at me I don’t really care. I am used to it, by the way. Immune na ako. Immune sa pang mamaliit, immune sa pang huhusga. Wala akong kaibigan dahil walang nagtatatangkang lumapit saakin.. dahil diring-diri sila saakin.
Parang dinaig ko pa ang may bulutong o kung sino pang may malalalang skin disease sa pag-iwas nila. Dinaig ko pa ang taong may sumpa kung iwasan nila ako. ‘yung tipong kapag dumikit saakin eh, ikamamatay mo.
Mas binilisan ko pa ang lakad para hindi ako malate sa next class ko. Pagbukas na pagbukas ko ng pinto, akala mo may anghel na dumaan dahil biglang tumahimik ang paligid.
“tsk, malas. Classmate pala natin yan si Lily,”
“Ay! Aya, may naalala ako. Alam mo ba, ang meaning ng name niya ay ‘purity’?”
“Dinudumihan niya ang meaning ng name niya. Kadiri talaga! Ang balita ko bukod kay Mayor madami pa daw ang gumamit sa kanya.”
“edi kapag ikinasal na siya itim na ang kulay ng gown niya? Sobrang duming babae talaga niyan. Bakit ba kasi tinanggap yan dito?”
“Kasal? Kung may papatol sa kanya. Tingin mo ba may siseryoso sa kanya? Bed warmer lang sya. Hanggang doon lang.”
Natigil ang pag-uusap dahil biglang dumating ‘yung prof namin sa Philo.
Dito ako nakaupo sa pinaka dulo ng room para walang istorbo. Kung sa bagay, walang manggugulo saakin kahit saan ako umupo. Dahil walang may lakas ng loob na tabihan ako.
“Sorry, sir I’m late.”
“It’s okay, Mr. Yadao.”
“Hi! I’m Jared,” sabi ng lalaking katabi ko. Nilingon ko ‘to at nakitang ngiting-ngiti. I glance at his perfect set of white teeth. Aakalain mong endorser ng toothpaste sa sobrang alaga ng ipin niya.
“Okay,” sabi ko at ibinalik ulit ang buong atensyon sa prof na nasa unahan.
“Okay, so you’ll have a research paper. Ipapasa niyo saakin next meeting. By partners para hin naman kayo masyadong mahirapan. At hindi kayo ang mamimili ng partners niyo. Kundi ako. Maliwanag ba?”
“Yes sir!” sabay sabay nilang sinabi pero hindi nakalagpas sa pandinig ko ang sinasabi nilang ‘sana hindi ko kapartner si Lily!’
“Sino ‘yung sinasabi nilang Lily?” tanong ng katabi ko. I just shrugged my shoulder. Sign na hindi ko kilala kung sino ang tinutukoy nila.
“Lim and Reyes.”
“WHAT?!”
“Is there any problem Ms. Lim?”
“Pwede bang magpalit ng ng partner? Ayoko sa kanya!”
“No. Siya ang partner mo sa ayaw at gusto mo Ms. Lim.”
Tapos na ang class kay Sir Dumlao. Inaayos ko na ang gamit ko para makapunta sa next class ko ng biglang may nagbagsak ng libro sa harap ko kaya biglang nabaling sa taong nakatayo ang buong atensyon ko.
“Bastos ka rin, ano?” sabi ko sa kanya.
“Unang-una, ayoko sayo. Pangalawa, hindi ako pabor na partners tayo. Pangatlo, hindi tayo hindi tayo gagawa ng research paper ng sabay. I’ll do mine at ibibigay ko na lang sa’yo. Ayokong maidikit ang pangalan mo sa pangalan ko at baka madumihan pa kagaya mo.” Sabi ni Samantha bago tuluyang umalis sa harapan ko.
**
University week namin ngayon. Kaliwa’t kanan ang mga booths. Masaya ang mga tao at may ibang hindi malaman kung anong gagawin. Gustong-gusto kong nakikita ang mga tao. I love observing them. Seeing their reactions, doings, and such gives me happiness. Weird I know. But I don’t care.
Ang pinunta ko talaga dito ay yung fashion show. May fashion show kasing gaganapin at yung damit ng models eh gawa ng mga taga fine arts class.
“Hooo~! Buti na lang at nakita kita dito!” sabi ng babaeng biglang sumulpot sa harap ko.
Nagulat ako dahil bigla akong hinila ng babae patungo kung saan.
“Ano ba! Saan mo ba ko dadalhin? Let me go!” sabi ko habang nagpupumiglas.
“Dadalhin kita sa pangarap mo! Trust me,” then she gave me an assuring smile. Yung ngiti na sinasabing ‘wala akong gagawing masama sayo! Promise!!’
Right after that smile, may bigla akong naalala.
‘Lahat ng taong lumalapit sayo, may kailangan. Lalo na kung ang taong lumapit sayo ay ayaw naman talaga sayo. Napipilitan lang itong lumapit dahil alam niyang may pakinabang ka sa kanya. Pagkatapos no’n, kapag alam niyang wala ka ng silbi, basta-basta ka na lang nilang iiwan. Tandaan mo yan.’
Pwersahan kong hinatak pabalik ang kamay kong hila-hila ng babaeng hindi ko naman kilala kung sino.
“Ano ba talagang kailangan mo?” tanong ko sa kanya.
“Kinulang kasi kami ng model. Please pumayag ka na. may bayad naman, eh. 5k. ano, deal?” nakangiting sabi ng babae.
Naningkit muna ang mga mata ko habang tinitignan siya bago ako sumagot, “Okay.”
“Yon! Tara!” at dali-dali naman niya akong hinatak ulit.
“Guys! May nakita na akong kapalit nung nagback out na model!” sabi ng babaeng may hawak saakin.
Lahat naman sila napatingin. May biglang humatak sa kanya at lumayo sila saakin ng konti. Pero rinig ko parin ang usapan nila.
Tila nagtatalo silang dalawa. Bakit daw ako ang kinuha niya? Sa dami ng babae bakit isang maduming babae gaya ko ang kinuha niya?
“Hindi mo ba alam? She’s a slut. SHE’S A WHORE!”
Hindi ko alam pero pagkarinig ko nun eh bigla akong tumakbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hanggang dinala ako ng mga paa ko sa roof top. Nakakatawang isipin na sobrang cliché ng nangyayari.
A girl with a broken heart run away and went to the roof top of her school and scream the hell out of her just to ease the pain she feels.
The hell! I don’t care kung ganyan ang nararanasan ko ngayon. Punong-puno na ako. I can’t handle it anymore. Bigla na lang akong napaupo at umiyak ng umiyak. Everybody sees me as a slut—a whore.
When the truth is, I was raped.
**
“ang buong akala ko malakas ka talaga. Balat-kayo lang pala.” Nagulat ako nang marinig ang boses niya.
“J-jared..”
“Normal ka lang palang babae. Akala ko iba ka. Pangkaraniwan ka lang pala. Masabihan lang ng malandi iiyak na.” nagpanting ang tainga ko sa narinig ko. How dare he? Alam ba niya ang lahat ng pinag-daanan ko para pagsalitaan niya ang ng ganyan?
“I’m a girl. And I am human, Jared. I feel happiness, I feel sadness, I feel pain and I get hurt. Hindi masamang umiyak. And besides, you know nothing. Ang alam mo lang ay kung ano ang kumakalat sa Campus. Wala kang ibang alam kaya wag kang magsalita na akala mo kilalang-kilala mo ako at alam mo ang dinanas ko.”
With that umalis na ako. Iniwan ko siyang nagtataka. Gusto kong linisin ang pangalan ko sa kanya pero ayokong gawin.. ayokong gawin dahil alam kong maaalala ko na naman ang mga kahayupang dinanas ko sa tito ko—kay mayor at kung paano binaliwala ng ina ko ang ginawa saakin ng kapatid niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/8793916-288-k988426.jpg)
BINABASA MO ANG
Campus Slut's Story
Short StoryPuro pang huhusga ang natatanggap ni Lily sa araw-araw na pagpasok niya sa school. Pero she just ignored them all. 'Kahit kailan walang maniniwala saakin' -- yan ang mga katagang laging pumapasok sa isip niya kaya tinatatagan niya na lang ang loob n...