Chapter 20

366 32 9
                                    

Irish's Point of View


Natapos na kaming kumain pagkatapos nung naglutuan kami. Niproceed na kami dun sa mini gym na ginawa ng mga teachers para sa special activity.


Balita ko daw na meron dawng special guest na dadating kaya medyo akong naexcite. Umupo na kaming anim na magkagrupo sa mga upuan. Kahit asan ako pupunta, tatabi talaga si Kurt sa akin. Palagi nalang akong naiilang -_-


"Good morning students! I am Reisha Lopez from Quezon City and here, I am going to be your host in your activity. Let's all greet our special guest for this activity, Sarah Geronimo!", sigaw ng isang babae at naghiwayan nanaman yung mga tao nung lumabas si Sarah Geronimo.


Grabe, bongga! Para lang sa isang activity na camping na 'to, may artista na agad? Wow ah. Napatitig nalang ako kay Sarah na nagkaway-kaway sa amin. Ang ganda niya talaga at mas lalo na sa personal.


"Magandang umaga sa ating lahat!", sigaw ni Sarah habang nakamic. Tumayo naman yung ibang estudyante. Grabe, ang hyper nila. Parang excite na excite talaga sila sa mga pakulo na ito.


"Magandang umaga ate Sarah G!", sabay-sabay na sigaw ng mga tao. Nakita kong ngumiti si Sarah sa amin.


"To start our activity, let's make a pair. Isang babae at isang lalake. Nakahanda na ako ng dalawang boxes na may laman na numbers. Bumunot yung taga-isang babae sa pink na box na 'to at yung mga lalaki naman ay sa blue na box. Pagparehas kayo ng numbers, kayo yung pares", mas lalong naexcite yung mga tao dahil sa sinabi ni Sarah G.


"Oh may gasssh! This would be my chance! Kyaaaah!"


"I want to paired up with Kurt! Chance ko 'to!"


"Yeah right! Dapat lang"


May narinig akong mga tilian sa likuran ko at nagdadasal na makapares nila si Kurt. Heh, wala na akong pake. Ano bang na activity ba 'to? At kailangan na pares?


Naglinya na kaming tatlo nina Reign at Zeira sa line ng mga girls at yung tatlong lalake naman na kasama namin ay luminya naman sa linya ng lalake. Ugh, malamang.


Habang naglilinya ako, napatingin ako sa kinatatayuan nila Kurt at laking gulat ko ay nakatingin din siya sa akin. Agad naman akong umiwas ng tingin habang naalala ko yung sinabi niya sa akin kagabi.


Hindi mo naman kailangan magmove-on.


Namula agad yung mukha ko habang inaalala ko yung sinabi niya sa akin kagabi. Ano bang ibig niyang sabihin sa mga sinasabi niya? Ito pa rin ako umaasa. Pero ayokong mag-assume.


Hay naku utak, tumigil ka na nga. Hindi na kita gets.


Nung kumuha na si Reign ng papel galing sa box, napalingon ako agad sa likuran ko dahil sa narinig ko. "Oh my gossh! Ang number ni Kurt ay 15! Let's go for number 15!", tili ng babaeng nasa likuran ko.

My Fangirl: My MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon