(Nakaraan)
Trent Michael POV
"Ayoko na! Tapos na tayo." Pagtataboy sa akin ng lalaking unang minahal ko.
"No babe! please wag mo naman gawin sa akin to! Hindi ko kaya. Wag mo akong iwan please…" Nakaluhod kong pagmamakaawa sa lalaking minahal ko sa loob ng Dalawang taon.
"Ano ba?! Nandidiri ako sayo tigilan mona ako! tapos na tayo ayoko na sayo!! " ito ang sigaw na kailan mang hindi mawawala sa puso't isipan ko. Umaalingawngaw at tumutusok sa mga oras nayun.
"Ano ba ang nagawa ko sayo huh?! sabihin mo? bkit mo ako sinasaktan ng ganito?! bakit? dahil ba sa diko maibigay ang gusto mo?! Ang sakit sakit na." Hagulgol kong iyak habang nakatungo. Ramdam ko ang pagtibok at bilis ng puso ko dahil hindi ko kaya ang mga nagyayari lalo na ang mga masasakit na salita nya sakin.
Hindi ko akalaing dahil sa isang bagay ay iiwan na nya ako at ipagtatabuyan.
"Sige, siguro nga tama ka, nakakadiri ako. Pero wag kang magalala di ako galit sayo" unang salita ko. "Mula ngayon malaya kana, sana maging masaya kana at pasensya kung naging madamot man ako sayo. Sorry at salamat sa lahat lahat ng mga masasayang araw. Ilove you, goodbye" Mga salitang binitawan ko habang ako'y dahan dahang tumayo ay tumalikod na. Tumayo ako mula sa pagkakaluhod at tumakbo paalis sa lugar na iyon at di na lumingon pa.
Siya si Mac Leamsi ang lalaking unang nagpatibok ng puso ko at unang nanakit nito. Natatawa ako sa twing naaalala ko pa ang mga masasayang araw na magkasama kami. At kung paano ako umiyak sa panahon na yun. Ngunit wala eh, hindi naging maganda ang istorya namin.
(Kasalukuyan)
Ako si Trent Michael Sanchez, 18 years old na po, 4rth year college na sasusunod na pasukan. 5'7Ang taas ko at medyo payat ako. Hindi ako payat talaga, slim nga kung tawagin eh. Matangos ang ilong ko at may mapupungay na mata. Sabi nga nila kung di ako malambot eh madami siguro akong girlfriend. Dala sguro ng genes ng aking ina na pure american at tatay ko na pilipino pero gwapo. Sorry sila pinanganak akong may palda na agad hahaha. That's the reality. Isa po akong bading na walang inisip kundi magaral at magbasa ng libro dahil kundi sayang ang scholarship na binibigay sakin ng gobyerno. May kapatid pa akong dalawang lalake sina kuya matt, at ivan.
Si kuya matt ang pinakamatanda sa amin at ang kinatatakutan ko sa aming magkakapatid dahil sa sobra itong strikto at maalagain. Gwapo si kuya matt at kilala sa kanilang eskwelahan dahil matalino ito at habulin ng mga babae at bading.
Si kuya ivan na walang alam kundi magpaiyak ng mga babae dahil isa itong casanova sa kapareho kong pinapasukang paaralan. Mabait din naman si kuya ngunit masungit at moody.
Ako? Ewan haha, Kilala ako sa isang paaralan kung saan ako nag high school dahil grumaduate ako bilang valedictorian at naging presidente ng ssg org. Dahil nadin ata sa takot sa aming ama. Lumaki akong walang ina at ang sabi sakin ay iniwan nito kmi nung isang taong gulang plng ako. Mapait pero di ako galit sa knya siguro may rason sya kung bkit ngawa nya kaming iwan.
Habang kinakalikot ko ang aking cp ay aksidenteng nabasa ko ang mga plano at rules na ginawa namin ni Mac nung kami pa 2years ago na ang nakakalipas. At hanggang ngayon ay wala na akong balita sa kanya dahil nasa state na ito nag aaral at wala na akong balak balikan pa ang nakaraan.

BINABASA MO ANG
His Neighbor Love Affair
Teen FictionHi readers, ito po yung unang story ko suportahan nyo sana guys. SALAMAT!!! COMMENT IS A MUST!!! Prologue Minsan sa buhay natin ang magkaroon ng malikong prinsipyo at maling paniniwala tungkol sa tunay na pag-ibig lalo na't hindi na bago sayo ang...