"Best, help me naman may liligawan kasi ako."sabi ng aking bestfriend pero para saakin hindi lang siya basta bestfriend ko kasi may feelings ako para sakanya pero napakamanhid niya."Hindi mo naman na kailangan tulong ko kasi sasagutin ka na nun agad."sabi ko sakanya, totoo naman eh! Lahat ng nililigawan niya sinasagot siya.
"Talaga? Sana nga pero kasi iba siya sa mga niligawan ko eh! Baka hindi niya ako gusto."he said with a sad tone, naawa naman daw ako!
"Sasagutin ka niyan ipakita mo lang na mahal mo siya, kaya best cheer up!."sabi ko at binigyan siya ng isang ngiti pero it's a fake smile i thought?
Kung ako na lang kasi yung mahalin mo edi sana hindi ka na mahihirapan, kung natuturuan sana yung puso tuturuan ko talaga yung iyo para mahalin mo ako.
"Thank you sa pagpalalakas ng loob ko, mauna na ako paalam Best."sabi niya at binigyan ako ng isang ngiti, kikiligin na sana ako pero dahil sa "Best" word napalitan ng lungkot ang aking mukha siguro nga hanggang bestfriend lang ako.
Haysss! Nakalimutan ko pala magpakilala.Ako nga pala si Lovely Martinez, Love ang tawag nila saakin and the guy who always hurt me is Ken Ramos.(Wait Lovely! Hindi ka niya sinasaktan! Ikaw yung nananakit sa sarili mo kasi minahal mo siya!)
Pinukpok ko nalang ang ulo ko ng aking kamay feeling ko talaga nababaliw na ako.Maka-uwi na nga lang.
Pagkarating ko sa bahay lalo lang ako nalungkot sa pinapatugtog ng ate ko feel na feel niya pa ang pagsabay sa kanta hindi niya ba alam may nasasaktan na dito? Ang title lang naman ay "Di na kita Mahal" oo ayan yung kanta! Kainis lang -_-
"Hi Sis, kararating mo lang?"sabi ni ate at lumapit sa akin.
"Hindi ate kakaalis ko lang."pag ganitong wala ako sa mood ayaw ko ng kinakausap ako -_-
"Ito naman badtrip ka na naman siguro."sabi ni ate at nagpatugtog na ng kanta yung pang broken hearted.Oo! Yung pang broken hearted now i know lalo lang niya ako aasarin kaya mas mabuti pa umakyat na lang ako sa aking kwarto.
Pagkaakyat ko humiga na agad ako siguro mag-e-emote na naman ako dito sa aking kama.
Arrrggghh!! I want to be alone.
Ngunit nabigla ako ng tumunog yung phone ko may nagtext, natigilan naman ako ng ito'y mabasa.
Bestfriend ♥♥
Best, tama ka nga! Thank you pala sa advice mo dahil sa iyo sinagot niya na ako.
Huhuhu! Wala na talaga akong pag-asa hindi niya talaga ako gusto! Uumpisahan ko na siguro magmove-on para hindi ako nahihirapan ng ganito at para mawala itong feelings ko para sakanya.
Una kong ginawa ay binura yung heart. Oo! Yung heart kasi aanhin ko pa yung heart na yun kung hindi naman ako ang laman nun! Haysss! Grabe ka talaga Lovely magdrama daw ba?
Sunod kong ginawa binura ko yung picture namin together.Nakangiti nga siya sa picture pero hindi naman ako ang nakakapagpangiti sa kanya.Saklap!
Alam kong masaya kayo dahil broken hearted ako dahil hindi ako gusto ng gusto ko magpaparty na kayo kung gusto niyo! Huhuhu! (A/N: nababaliw lang po siya don't mind her alam niyo naman kung bakit hindi ba? BROKEN HEARTED kasi siya -.-)
Makatulog na nga lang baka pagkagising ko mawala na feelings ko sakanya. Lovely as if naman na mawawala agad.
Huhuhu! I need friend pero alam ko naman na aasarin lang ako nung mga yun.
Makapagyoutube na nga lang, nananadya ba talaga yung tadhana? Kanina pa siya eh! Paano yung pinatugtog ni ate yung una kong nakita pero parang bagay sa akin yung kantang iyon.