SAITii *** Chapter 7

987 39 22
                                    

----------

SAITii *** Chapter 7

3rd Person's POV



Pare-parehas na nagkagulatan ang blackwidow ng bigla nalang sumuntok sa pader si Louie. Galit na galit ang mukha nito na kahit sino sakanila ay walang nakaimik.



Tumingin si Nixon na may pagtatanong kay Phynx pero tulala lang ito sa kawalan ngunit mababakasan din ng galit. Kakatapos lang nila kausapin ang doktor at halos magiba ang daan dahil sa bigat ng bawat hakbang ni Louie kanina.



Tumulo ang dugo sa kamao ni Louie pero ni hindi niya ininda iyon. Maya maya ay sabay silang napatayo ng bigla nalang lumakad palayo sa kanila si Louie.



Agad na tinapik ni Cassandra si Phynx dahilan para bumalik ang atensyon ni Phynx sa kanila.. Akmang susunod pa ito kay Louie nang masamang tingin ang iginawad sakaniya ng babae.



"You're not coming with me."



"Anong pinaplano mo?"



"Pagbayarin ang dapat magbayad."



"Wag kang padalos dalos ng desisyon, Louie."



Isang nakakatakot na pagngisi ang ginawa ni Louie kay Phynx pero hindi nagpatinag ang lalaki. Alam kasi nito kung anong nararamdaman niya dahil ganun din ang pakiramdam niya.



"Matagal na akong nakapagdesisyon sa kanila, Alexander."



"Louie.."



"The two girls will keep my company.. Maiwan ka dito at bantayan siya."



Naglabanan ang kanilang tingin hanggang sa si Phynx na din ang unang nagiwas. Naglakad na din naman palapit si Patricia kay Louie na tipong nagtataka ngunit natutuwa habang si Cassandra ay may maangas na ekspresyon, dahil ito ang unang pagkakataon na makakasama niya sa laban si Louie ng sila lang..



Kung laban nga ang sadya nila, dahil naguguluhan din siya sa nangyayari.



Sakay ang tatlong bigbike ay parehas na humarurot at nagingay sa daan sila Louie. Lahat halos ng tao ay napapatingin at namamangha sa kanila dahil bukod sa kagandahang taglay ay napakaangas nilang tingnan.

She's Always In Trouble [Season II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon