JAYZEN
*After 2 weeks*
"So ano na dre? Diba nililigawan ko ulit si Lizzy?"
"Yup, Ico!" Hindi ko maiwasan ang mapangiti sa thought na iyon. Pumayag siya.
Nalaman ko ang lahat ng nangyari nung wala ako. Wala pa raw siyang naging boy friend sabi ng napagtanungan ko. Kaya naman last week, hinarana ko ulit siya.
"Oo nga pala, nakita mo naba si Khin?"
"Nah, ilang weeks na namin siyang hinahanap eh"
Sana mahanap na yon! Loko talaga yun, saan kaya pumunta?
"Sige text mo nalang ako kapag may balita na ah! Puntahan ko lang si Lizzy"
***
Nandito na ako ngayon kina Lizzy. Hindi niya alam na pupunta ako pero alam ko na nasa bahay siya. Of course, ano pang silbi ni Opti?
"Akyatin mo nalang sa taas hijo"
"Ah sige po tita.." Sagot ko.
Pumanhik na ako at aakamng kakatok sa kwarto niya ng may narinig ako.
"I love you too Axzine! Hahahahah wag ayoko--hahahaha-uy tama n-hahahaha"
What? What the hell? Akala ko ba best friend lang sila? Tinry kong buksan ang pintuan pero naka-lock. What? Hindi naman siya nagla-lock ah.
Tumakbo na ako palabas ng bahay peor syempre nagpaalam muna. Sabi ko may emergency lang.
Agad kong tinawagan si Ico at nasa bar daw sila. Kasama na niya si Khin kaya pumunta sila dito.
"Jayzen pare!!!" Sigaw ni Ico. "Ang bilis mo yata? Nasan si Lizzy?"
"Putangina dude. Sila na ni Axzine eh. Nasa loob sila ng kwarto tapos naka-lock pa. Punyeta!" Tumawa ako. "Pero wala naman akong karapatan diba?! Pucha nanliligaw lang ako eh ahhaha!"
"WHAT SILA NA?! PUTANGINA NUNG LALAKING YUN AH?! ANG KAPAL NG MUKHA! KADIRI YUNG ISANG YUN!" Sigaw ni Khin. Nagulat ako dahil bakit parang sobrang apektado niya naman.
Nag-inuman lang kami. Pagkatapos ng ilang oras ay nag-paalam na si Ico dahil may family dinner daw sila.
"Jayzen, pwedi mo ba akong samahan?"
"Anong trip nanaman yan dude?"tanong ko habang natatawa.
"Basta tara na!"
Tumayo siya kaya napasunod na rin ako. Ang sasakyan ko ang ginamit dahil hindi raw siya makapag-maneho. Tinuro niya ang daan at sa isang mamahaling restaurant kami nahinto.
"Dito.. Dito tayo." Sabi niya.
"Hoy anong trip mo?"
"Shh..." Kaya naman hindi na ako nagsalita.
Sa kabilang daan ay ang restaurant at nandito kami sa kabila. Nagtatago sa madilim na mga puno hindi ko nga alam kung bakit pero dahil ewan! Napapasunod lang ako kay Khin.
"Hoy orizal inumin mo to!" Sabay abot niya sa isang maliit na bote.
"A-No shhhk to?" Nalasing na ako damn it.
"Basta inumin mo lahat para mawala yung lasing mo!"
"Ah talaga? Shhk thanks dre...."
Wala sa sarili kong ininum ang likido sa bote.
May nilabas na matigas na bagay si Khin at binigay sakin.
"Now, patayin mo ang darating na lalaki"
Gun.
Napatingin ako sa lalaking bumaba mula sa kotse at isang babae. Parang pamilyar pero nanlalabo na talaga akong mata ko.
Napapayuko na ako.
"Patayin mona!"
Nakahawak ako sa baril at tinutok ko sa lalaki. Wala sa sarili kong pinutok ito. Nakarinig pa ako ng ilang putok pero sa sobrang pagod ko ay nagdilim ang paningin ko.
LIZZY
"Gising na po ba siya?" Tanong ko sa doctor.
"Oo at kinakausap na siya ng mga pulis. Bawal pong pumasok sa loob sorry. Mauna na ako Ms. Alizuma."
Tumango lang ako.
"Lizzy, gunshot on his head..." Sabi ni kuya. Nanggaling siya sa loob ng kwarto ni Axzine kaya naman tinanong ko siya.
"A-Ano?!!! Buhay... B-ba si... Siya?"
Niyakap lang ako ni kuya.
"Nakita mo na lahat. Tanggapin mo nalang."
No... No!! W-wala naba talaga yung best friend ko? At... At si Jayzen yung naka-patay?
No. Hindi pwede. Hindi totoo.
Umiiyak akong umuwi sa bahay at dumiretso sa kwarto. Nagkulong ako. Isang araw na rin akong nasa loob ng kwarto. Iyak parin ako ng iyak dahil patay na si Axzine. Yung kaibigan ko... Natigil lang ako ng umilaw-ilaw ang laptop ko. Anong meron?
Kinuha ko iyon at binuksan.
"LARGE AMOUNT OF HERTZ DETECTED. OVER 5000 Hz // Click for more info"
Ang.. Ang audio keeper.
To be continued...
Thanks <3

BINABASA MO ANG
Musically In Love (COMPLETED)
Teen FictionLIZZY ALIZUMA. Pangit. Super Hirap. Tahimik. Maitim. Mangmang. Walang talent. MATAPANG "DAW"! Yan ang mga katangiang wala sa kanya, kaya huwag na ninyong hanapin dahil mapapagod lang kayo. Mahina man siya sa pag-ibig sa inyong paningin, sa mga des...