Ch 02 Aminan

3.1K 60 12
                                    

KLAIVE on THE SIDE>>>>

Game.....

------------------------------

KEIRM'S POV

"EHHH!!! Oh me Gehd." makapunit panty ang kagwapuhan ng Maligno. Kaloka, di ko makeri, pwede na nya ako isama kahit san nya gusto. 

Wait!! Bakit nakangiti siya sakin, like rin ba niya akong gawing dyosa ng kaharian niya. Nakakawala ng takot ang ngiti niya, hindi siya isang maligno kundi anghel. Sino ba kasing haliparot ang nagkalat ng kwentong maligno ang nanakot?

"Ikaw ba ang maligno na nakatira dito?" parang timang kong tanong, bahala na kausapin nalang baka sumagot.

"Ha!! anong maligno ang pinagsasabi mo? Sa mukhang to? Pangit ba ako?" balik tanong niya sakin, Ehhhh!! may maligno ba na nagtatanong? Wala! Oh me gahd!! 

Ang ibig sabihin ang humalik sakin ay hindi maligno kundi isang human with full and exude with sex appeal. Anong gagawin ko nagpaubaya pa naman ako kanina with matching malaks na ungol pa.

"Kung di ka maligno. Bakit mo ko hinalikan at may pananakot eclavuh ka pa?" tanong ko at kahit pinamumuhalahan na ako, kinapalan ko na ang mukha ko no. Malay mo type niya ako. Hayz!! Landot ko, kinuha na nga niya ang first kiss ko ganito pa ang pinagiisip ko. At  aba aba, ngumisi ang malignong ungas.

"Anong ngingisi mo dyan ha? Wag mokong pagtripan bigyan kiat ng mala chunli kong sipa." pero wa epek pa dina ang sinabi ko kahit nag ala stance na kong sisipa. Tinawanan ang beauty ko.

"Pede bang sagutn ko yan, pag naihatid na kita sa room mo. Panigurado kakagalitan ka na dahil ang tagal mo na dito sa faculty room." saad nya.

Bakit niya alam na may pasok pa ako. Stalker ba siya? 

Neng sa ganyang gwapo stalker, baka ikaw pa ang maging stalker niyan ngayong nakilala mo siya. saad ng kabilang isip ko.

Well di na masama na siya ang iistalked ko, yummy na, magaling pa humalik. Bakit ba talga ako hinalikan, yan pa kanina ang gumugulo sa isipan ko. Di ko kasi mawari na manghahalik iya ng beks na tulad ko. Ang dating kasi niya parang kabi kabila ang babaeng naghahabol sa kanya.

"Pero baki-----" di ko natuloy na tanong dahil bigla nalang akong nilapitan at pinigilan ng hintuturo niya ang aking bibig.

"Di ba sabi ko mamaya ko na sasagutin lahat ng katanungan mo, Sumunod ka nalang Ok?" pagpapaliwanag niya. At napatango nalang ako ng wala sa oras.

"Good!! now, ihahatid nalang sa room nyo at hihintayin kita mamaya sa labas ng room mo."  At inakay nako palabas ng faculty room at kinuha pa niya sakin ang susi at siya na mismo ang naglock.

At habang naglalakad kami ay nakatingin lang ako sa kamay nya na nakawak sakin. May pagkamagaspang ay medyo makapal ang palad. Tanda na sanay siya sa mabibigat na trabaho. Ngunit  hindi yun nakabawas na kapintasan sa kabuuan niya, kundi parang mas masarap pa sa pakiramdam dahil lalaking lalaki ang tindig.

Ngayon ko rin lang nahalata na matangkad pala siya. kasi hanggang dibdib nya lang ako. OO pandak ako, Nasa 5'4 lang ang height ko, di pa kasi uso ang cherifer ng panahong pinanganak ako kaya ayun, nagmana ako sa height ng mother ko, kung bakit di ko pa kasi namana ang tangkad sa father side ko. Amphh!!

"Pasok ka na."  Biglang untang sakin ng maligno, at sa pagangat ko ang ulo ko ay nasa tapat na pala kami, tinulak pa ako papasok, kaya napatingin samin lahat at tumalikod na sakin agad. Nagulat pa ako ng magtilian ang mga bruhang kalse kong babae, anong meron.

"Quiet!!!"sigaw ng teacher namin.

"Oh nandyan ka na pa Mr. de Saval, Ano nameet mo na ba ang Maligno sa Chapel?" nakaklokong tanong ng guro nami, sapal supapalpalan ang mukha. 

Dahil sakanya muntiok nakong maihi sa takot kanina, buti nalang di pala maligno ang nanakot kundi anghel na nanghahalik.

"Yes Sir, nakita ko na ang maligno at tama kayo ir di pala nakakatakot ang itsura niya, anghel kamo pede pa sir." poker face kong sagot kanya. 

" Ganun naman pala eh, ibig sabihin wala ng dapat ikatakot. Right?" tanong pa niya

Bwisit siya right rightin ko mukha mo. syempre di ko sinaad yun maya bagsak pa ko no. 

"Huy Girl! Ba't mo kasama si Klaive na bumalik dito sa room?" biglang kalabit ng katabi ko, paglingon ko, punyemas kinikilig ang loka.

"Sino? at sinong Klaive?" tanong ko sa kanya.

"Eh di sino pa nga ba gurl? Ung nanulak sayo papasok at umalis din agad." So Klaive pala name niya. Ba't di ko man lang natanong kanina nung pabalik na kami sa room.

Di ba nga sabi niya wala munang tanong paglabas mo nalang daw after class, Alzhaimers lang teh? saad ng isip ko. Kahit na dapat sinabi niya palang sa una ang pngalan niya.

Buti naman natapos na ang klase ko kabagot na. Kung bakit pa kasi gabi ang sched namin dito? Paglaba ko ng pinto, hanap agad sa Klaive na yun at hindi naman ako nabigo dahil nakaupo siya sa may hagdan na katapat ng aming room.

"Psstt!! Lika na tapos na klase ko at marami ako itatanong sayo." Pagkalabit ko sa kanya, paglingon niya aba ang sarap halikan, ang punagy ba naman kasi ng mata niya na medyo inantok sa paghintay sakin.

"Nandyan ka na pala? Tara!" At tumayo na siya at hinala nalang ako, aba'y sana ako dadalhin ng lalaking to?

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko at sinabayan nalang ang bilis din ng paglalakad niya.

"Kain muna tayo nagutom ako sa paghihintay sayo eh!" ganun naman pala, naawa tuloy ako. 

 "Ba't pa kasi ako hinitay hanggang matapos klase ko, pede ka naman kumain muna para di ka na ginutom." saad ko sa kanya.

"Gusto kita kasalo, May magagawa ka ba?" EHHH. kinilig ang pekpek ko. Lantod ko.

"Ganun?" saad ko, Ba't siya ganito sakin.

"Yup!! Ayaw mo ba?" At linginon  pa niya ako na anumang sabihin ko ay parang dun nakabase kung ano ang magigingb reaksyon ng kanyang mukha. 

"Hindi naman sa ayaw! Kaya lang kakakilala palang natin, ganito na agad." saad ko.

"At matanong ko lang ba't mo nga pala ako hinalikan sa office ha?" bigla ko nalang naibulalas na tanong ko, na nagpatigil sa kanya sa paglalakad. Buti nalang walang katao tao na sa paligid dahil gabi na.

"Gusto mo bang malaman?" biglang harap siya sakin at tinignan ako ng taimtim, Shit naman nakakanginig ang tingin nya para akong matutunaw. Tumango ako bilang sagot.

"Dahil matagal na kitang gusto at Mahal kita!"

Ano daw sabehhh???!!!

Sundan>>>>>

TSup :*

 --------------------------------

Yan po muna sa ngayon enjoy....

Maligno Sa Chapel (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon