Chapter 4: All about Rhian

2 0 0
                                    

RAM'S POV

Tulala, malalim ang iniisip, bakas sa mukha niya ang matinding lungkot at paghihirap. Yan si Rhian kanina. Buti nalang at nakatulog na siya. Bilang isang matalik na kaibigan nararamdaman ko rin ang nararamdaman niya. Mula pagkabata magkaibigan na kami ni Rhian kaya alam na namin ang isa't isa. Siya yung taong masayahin, kalog at palabiro. Siya yung taong magaling magpanggap or should i say magaling magtago ng nararamdaman. Sa likod ng mga pagtawa niya di mo aakalaing may problema siya pero dahil matalik kaming magkaibigan kaya kong siyang basahin sa pamamagitan lamang ng pagtingin sa kanyang mga mata. At ngayon nalulungkot ako kasi yung Rhian na masayahin noon unti unti kinakain ng paghihirap. P*t*ng *n*ng pag ibig yan o! No! Mali ako nasabi ko, p*t*ng *n*ng Rio yan! Wala siyang kwenta! Gago siya! Ano bang hinithit non at naisip niyang saktan si Rhian. Sa totoo nga nyan wala na siyang mahihiling e, hindi man perfect pero inaalagaan niya ng maayos ang relationship nila pati si Rio. Ang bait naman ni Rhian ha! Mapagmahal! Sweet! Maalaga! Kita ko yung sobrang pagmamahal ni Rhian kay Rio. First love siya ni Rhian at totoo nga, first love never dies dahil sa nakikita ko kay Rhian. Napatingin ako sa sofa na kung saan ay nandoon si Ranz, tulog. Mula pagkabata hetong dalawa na ang lagi kong nakakasama pero mas higit kong nakakasama si Rhian kasi si Ranz minsan may sariling lakad. Halos di na nga kami mapaghiwalay ni Rhian e. Para ko narin siyang kapatid lalo na only child lang ako. Nagseselos na nga daw si Mama kasi pinagpapalit ko na siya kay Rhian. Haha. Nung mga bata kami lagi kong niyayaya si mama na pumunta kami kina Rhian. Iniiwan niya ko dun tapos susunduin nalang ako. Naging kaklase ko kasi ng kinder si Rhian tapos nung naging magkaibigan na kami, naging magkaibigan narin ang mga magulang ko at mga magulang ni Rhian. Nakakalungkot nga lang kasi iniwan na sila ni Tita Mae dahil sumama dun sa lalaki niya, mas close si Rhian kay Tita kaya nung una labis ang paghihirap ni Rhian pero kalaunan nawala rin yun dahil dinamayan siya ni Rio. Pero paano na ngayon? Paano na si Rhian kung pati si Rio iniwan na siya? Di bale, nandito pa naman ako. Kami, kami nina Ranz at Tito Ricky. Kami nina Mama at Dad. At kami ni God. Hindi siya nagiisa. We're still here at alam ko hindi namin siya iiwan. Lalo na ngayon na lilipat na kami ng bahay at sa tabing bahay nina Rhian. Mas mababantayan ko na siya. Nalaman kasi ni mama yung nangyari kay Rhian e kaya naisip niyan lumipat kami ng bahay para mabantayan namin si Rhian, lalo na busy ang Dad niya sa work. Di ko tuloy iwasang mapangiti. Bukas na bukas din lilipat na kami. Araw araw ko na siyang makakasama. Araw araw ko na siya makasamang kakain ng mga favorites niya. Kakain ng Pizza, Fries, Chocolates, ice cream, lahat naman yata ng pagkain favorite niya e. Sabi pa niya noon "Food is my Forever." Haha. Katakawan. Basta pagkain masaya na siya.  Tapos manonood kami ng mga favorite niyang movies gaya ng mga horror movies at yung movie ni Harry Potter, bilib na bilib siya dun. Then sa Graduation Day sabay kaming pupunta ng School. Di ko maiwasang mapangiti pero may parte na rin na malungkot dahil sa sitwasyon ni Rhian. Wait?! Speaking of graduation. Same course kami ni Rhian pati narin si Rio. Ayst. Makakaya pa kaya ni Rhian na makita siya. Hinawakan ko ang kamay niya pagkatapos ay binulungan ko siya.

"Don't worry, sabi nga nila after a rain it will comes a beautiful rainbow. Tama ba? Haha. Basta pagkatapis ng pagdurusa ay mag naghihintay na saya. Yun na yun." Natatawa kong sabi.

*Riiiiiinnngggg!*

Kaagad kong kinuha ang cellphone ko at nakita kong si Kate ang tumatawag. Nakaramdam ako ng galak dahil sa wakas nagparamdam narin siya.

"Hey babe. Imissyou.. Bat ngayon ka lang tumawag?" Bungad ko agad sa kanya ng sinagot ko.

[Ram? May sasabihin ako.] Napakunot noo ako. Ramdam ko kasi yung panlalamig sa boses niya.

"Spill it." Mahinahon ko paring sagot.

[Let's end this.] Ah. Yun lang pala e. Kala ko an-- WHAT?!

"What?! Is that a joke? Pwes. Di nakakatuwa babe. Ts." Inis kong sagot.

[No. Im serious.] Naluha nako. Mukha nga siyang di nagbibiro.

"But why?" Tanging sagot ko nalang. Putcha. Iniisip ko kung may nagawa ako mali pero alam kong wala. Ang bait kong boyfriend kay Kate.

[Ram. I dont love you anymore. May iba nakong mahal.] Napanganga ako sa sinabi niya. As in! Hindi ko alam kung anong irereact ko. Damn it!

[Ram? Nandyan ka pa ba?] Aba! Kung magsalita parang wala man lang nangyari ha. Parang di man lang niya ko sinaktan. Magsasalita na sana ako ng..

[Goodbye Ram.]

*Toot. Toot..*

At binabaan pa talaga ako. Di man niya ko pinakinggan. Pumikit ako. Huminga ng malalim. Pupuntahan ko siya. Ganon nalang ba? Ano ako bagay na papalitan nalang ng ganon ganon? Bago ako umalis. Ginising ko si Ram at sinabi kong aalis lang ako. Pagkatapos pumunta nako ng Parking lot at tinungo na ang kotse ko, dali daling pinaandar.

Habang nagmamaneho ako di ko maiwasang maiyak. Ang sakit e. Bat ang bilis ng pangyayari? May kapalit na agad ako. Ts.

*Peeeeeeeeep!*

Napatigil ako sa pagiisip ng makita kong may makakasalubong akong truck.

"Sh*t!" Taranta kong sabi at dali daling kong iniliko ang manubela.

*Booogggshhh!*

***

A/N: Hello wattpaders! Ngayong sinusulat ko tong story nato. Walang nagbabasa. Ang mahirap pa di ako makapagpost ng messages. Ts. Kaya tuloy di makita yung story ko. Kakasad naman. Pero syempre itutuloy ko parin. Tiyaga lang hanggang sa ma complete. Diba po makikita napo siya nun pag complete na. Sana sooner or later may mga readers na rin ako. Hehe. Kung sino man mga yon. Maraming maraming salamat! Sorry nadin po sa mga wrong grammar. Hehe. Salamat ho ulit! Iloveyou! Haha.

Walang Forever.. TUNAY meron!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon