IKALABING LIMANG PAHINA (Parte 1)
"Miss Pendragon, make sure to submit all your records for today. We need to prepare the financial statement as the monthly meeting will take place this Saturday." Striktang paalala ng head accountant sa kumpanya nila Tyler at Tyron.
Tumango tango ako sa kanya. Nang masiguro niyang nakuha ko ang gusto niyang mangyari ay lumipat siya sa ibang cubicle. Ganyan si Ma'am, sa loob ng ilang linggo kong pagta-trabaho sa Monteverde's Empire ay parati niya kaming wina-one-on-one reminder.
I sighed and prepare the receipts needed for this day. Malapit naman na akong matapos sa pagrerecord kaya madali na lang ito. Tho, kailangan kong i-check ng ilang beses para mabawasan ang error.
Hindi ko na mabilang kung ilang linggo na akong nagta-trabaho sa kumpanya ng dalawa. Ever since then ay hindi ko na sila masyadong nakikita. Doon ko na-realize na sobrang dami nilang ginagawa at hindi lang sila pasarap sa buhay.
They would come home to me pagkatapos ng office hours. Madalas nga ay may inuuwi din silang mga trabaho sa bahay at nagdi-diskusyon sila.
I don't know kung anong pumasok sa ulo ng dalawang 'to at sumasama sa akin sa pag-uwi sa bahay. 'Yung dating nilait-lait nila ay parang second home na nila. Feel na feel pa nga nila ang tumira doon.
"Chienne, patapos kana ba sa ginagawa mo? Pwede akong pa-help?" Annika asked. Isa siya sa mga bago kong kaibigan dito.
"Sure, tatapusin ko lang ang akin then I'll help you.."
Masaya siyang umalis sa harap ng cubicle ko at bumalik sa trabaho niya.
Noong una kong pasok dito ay grabe ang chismisan ng mga tao. Mula basement at top floors ay kami ang pinaguusapan. Pero, isinasantabi ko na lang ito kasi wala naman akong paki sa opinyon nila. Nakakastress kung didibdibin mo 'yung mga sasabihin nila at kapag may stress ay papangit ka.
Tanginers! Kaya dapat gayahin niyo ako. Don't bother what other people tells about you. Magiging katulad kitang maganda.
I stretch my hands and finger ng matapos ako sa pagrerecord sa laptop ko. Sinave ko na ito at pinatay ang dektop. I'm so freakin done for today!
"Annika, hindi ka pa ba magla-lunch?"
Pinuntahan ko ito sa cubicle niya. Napansin ko na sobrang stress ng hitsura niya dahil sa dami ng deadline na kailangan ipasa.
'Yan din ang ayoko sa lahat ang mag-cramming. Nakakabawas din ng ganda 'yan.
Kita mo 'tong si Annika. Mukha na siyang naiiyak dahil sa dami pa ng reminders niya. Napapalatak ako. "Huwag ka ng mastress, I'll help you later."
Agad na lumiwanag ang mukha niya. "Hindi na lang muna ako bababa, Chienne. Tatapusin ko muna 'yung sa first week of the month na record."
Napailing iling na lang ako. Ayan kasi ang napapala ng chill chill nila. Puro kasi sila nights out pero hindi naman ako sumasama kahit anong yaya niya. "Ibibili na lang kita. Babalik ako after mga 30 minutes."
Umalis na ako sa harap ng cubicle niya dahil nakakastress ang dami ng gawain niya pa.
Mabilis akong lumabas sa department namin. Napansin agad ako ng mga tao kaya para na namang may bubuyog sa buong floor namin.
"Tanginers ng mga taong 'to. Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda?" I murmered. Syempre pinansarili ko lang 'yun. Baka ma-bash pa ako.
Walang sumabay sa akin sa elevator. Ayos nga 'yun dahil hindi ko kailangan makipagsiksikan.
Napatingin ako sa reflection ko sa elevator. "Magpapaskil nga ako ng picture ko sa kada floor para hindi sila shungang nakatingin sa akin kapag nakikita ako." Napangisi ako sa naiisip ko.
BINABASA MO ANG
PMS 1: Tyron and Tyler Monteverde (Completed)
RomanceProprietorial Men Series: Tyron and Tyler Monteverde (Book 1) - COMPLETED "You know what? Let's just forget what happened last night." Mariin kong saad habang mahigpit ang hawak sa kumot na tanging tumatakip sa katawan ko. He cutely shrugged and gav...