Chapter 5

511 13 4
                                    

Chapter 5

Tamiya Aiezah's POV

"Can I ask a favor?" pagkatapos kong sabihin yun ay di pa rin siya tumitingin sa akin.

"What is it?" tanong niya.

"Pwedeng humingi ng one week vacation?" nag-aalangang tanong ko sa kanya.

Pagkasabing pagkasabi ko nun ay tumingin na siya sa akin na nakakunot ang mga noo.

"Give me a valid reason to do your favor." sabi niya sa akin na tila hinahamon ako kung may maibibigay ba ako sa kanya na magandang rason para mapagbigyan niya ko sa hinihiling ko. Hindi naman ako masipag na empleyado para pagbigyan niya kahit nga yung mga magagaling niyang empleyado hindi niya basta basta pinapayagang mag leave ako pa kaya.

"Now what? Mukhang wala kang maibigay sa akin na magandang rason para pagbigyan ko." pang-aasar niya sa akin. Bwiset talaga 'to.

Nag-isip ako ng idadahilan ko pero wala talagang sumagi sa isipan ko kahit isa. Fudge! I need to think of something para sa bakasyong kong 'to.

"Saglit lang diba, atat atat?" naiinis na sabi ko sakanya habang nag-iisip na ako kung ano nga bang sasabihin kong rason.

Tumawa lang siya habang inaantay ang sagot ko.

"Argh! Can't you just do my favor? Kahit ngayon lang." dahil sa wala talaga akong maisagot at naiinis na ako sa kanya ay yan na lang ang nasabi ko.

"Easy sister." tumatawang sabi niya habang nakataas ang dalawang kamay na parang sinasabing I surrender.

"Ano na? Bilis at mag-aayos pa ako ng mga dadalhing gamit ko." naasar na sabi ko sa kanya.

"Grabe parang ako pa may kailangan sayo ah kung makapag-utos wagas. Oo na po." naiiling at natatawang sabi niya.

Tignan mo papayag naman pala kung ano ano pa pinagsasabi may pa give me give me a reason pa siyang nalalaman. Tss.

"So san mo pala balak magbakasyon?" tanong niya at ibinalik na ulit ang atensyon niya sa ginagawa niya kanina.

"None of your business, baka mamaya sumulpot ka pa dun at masira ang bakasyon ko." sabi ko sakanya bago lumabas ng kwarto niya. Bago ako lumabas ay narinig ko ang malakas na tawa niya dahil sa sinabi ko.

I decided to eat first bago ko ayusin yung mga dadalhin ko para bukas.

Pagkadating ko ng dining room ay hindi ko na naabutan sila mom and dad, siguro ay tapos na sila kumain.

Kumain na lang ako at pagkatapos ay umakyat na sa kwarto ko.

Kinuha ko ang mga kakailangan ko at nilagay ito sa isang medyo malaking maleta na gagamitin ko sa bakasyon ko for one week. Naglagay ako ng toiletries, dresses, pants, shirts, undies pati na rin ilang two-piece kung sakaling maisipan ko man magswimming sa pupuntahan ko.

Pagkatapos nun ay natulog na ako para maaga ako magising kinabukasan.

***

"Magandang umaga iha, san naman ang punta mo?" bati sa akin ni Nanny Lucing pagkababa ko.

"Magbabakasyon lang po nanny. Nandiyan na po ba si Jax?" tanong ko kay Nanny Lucing. Si Jax yung sinasabi kong personal driver ko at sa kanya ako magpapahatid sa airport.

"Andiyan na iha sige at sasabihan ko na puntahan ka." sabi niya at pinuntahan na si Jax sa kwarto nito.

"Morning mom." bati ko kay mom nang makita ko siya sa garden na nagbe-breakfast. Si dad naman ay maagang umalis para sa trabaho.

My Possessive Ex Is Back ( On-going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon