TRUE FEELINGS chapter 4

14 0 0
                                    

Chapter 4

>>Renzcel’s POV<<

“Mom! Ayoko nga! dun parin ako maga-aral! Ayoko lumipat!”

“Magtigil kang bata ka! Walang ka naming napalang maganda sa dati mong pinapasukan!”

“Andun lahat ng kaibigan ko ma!”

“Anong mga kaibigan?! Kaibigan sa kalokohan!”

“Ma, pls naman wag mo na ako ilipat.”

“Nak na-enroll na kita saka, maawa ka naman sakin, wala na ang dad mo tayong dalawa nalang ang magkasama.”

“TSK! Kaylangan ko ba talagang lumipat? Saka 2 weeks na ang lumipas nung 1st day ng school.”

“Wag ka magalala anak marami kang pwedeng maging kaibigan dun sa school na yun.”

“Opo…”, pabulong kong sabi

“Thank you very much Renzcel”

Niyakap ako ni ma ng mahigpit, wala naman akong magagawa hindi ko siya matiis.

Siya nalang at ako ang magkasama, tama nga kayo wala na ang papa ko last year lang siya na wala sa piling naming.

Haaay… pumasok na ako ng kwarto ko at tiningnan yung pamphlet nung school na papasukan ko.

“Ecclesiastes Christian School…”

Nagbibiro ba si mama guto niya ako papasukin sa isang Christian school , wow para namang titino ako.

“Anu kaya ang itsura ng school na yun? May magiging kaibigan kaya ako dun?”

I’m Renzcel De Guzman, 16 yrs old H.S. Graduating. I really hate the firstday of school, lalo na kapag bago ka lang sa school na papasukan mo.

“Ano kaya pwedeng magawa?” Sabado at wala akong magawa nakakabato, kaya naman lumabas nalang ako.

Habang naglalakad natanaw ko si JB (John Bennidict), tas binate ako.

“Bro! bakit hindi ka pa pumapasok 2 weeks na lumipas aa?”

“Brad, lilipat na ako ng school.”

-_- à o_o  = itsura ng mukha ni JB.

“Ha!? Bakit!? San!? Kelan pa!?”

“Saglit, isa-isa lang”

“Ok, Kelan pa?”

“Nung bakasyon, hindi niya pinaalam sakin”

“Kaya naman pala, di na ako nagtataka kung san ka nagmana”

“Ano!?”

“Wala, Tara gala tayo”

“San?”

“May bagong bukas na mall dun sa Carissa, saka marami ding chiks na tumatambay dun ^__^”

“Wala akong hilig sa ganyan, pero sige sama ako.”

>>Ezra’s POV<<

“Ano bang porma yan?!”

Kalalabas ko lang ng bahay bumungad agad sakin yung matinis na boses ni Jennylyn.

“Bakit”

“Pwede kahit isang beses pumorma ka naman ng pambabae”

“Ee sa dito ako sanay ee.”

“Black n’ white long sleeved polo shirt na loose, snickers na black at nakapusod na buhok.” Diretsong sabi ni Leilyn.

“Muk--, mukh--, mukha ka lalake!!!”

“So?”

“so?! Tingnan mo nga kami kahit na nakapantalon yung iba mukha parin kaming babae.”

“Di naman big deal yun”

“Ay ewan ko sayo.”

Natapos din ang sermon ni aling maliit. Dumiretso na kami sa mall, iba simula palang ng klase gala agad matinong mga bata.

Bale anim kaming magkakasama; Ako, Jennylyn, Airanna, Leilyn, Esther at Melanie.

“Uy ano na gagawin natin?”, tanong ni Melanie.

“Hihiwalay muna ako sa inyo maybibilhin lang”

>>Airanna’s POV<<

“Hihiwalay muna ako sa inyo may bibilhin lang.”

“Boy! Sama ako!”, sigaw k okay Ezra.

“Wag na magtuturo ka lang.”

“Uy teka lang sama mo na ka--!”,bago ko pa matapos yung sasabihin ko nakalayo na ang loko.

Mautak talaga tong taong to himiwalay para di madamay sa mga kalokohan ng dalawa dito. Ayaw ko maiwan kasama tong mga to magpag3pan ako ng di oras.

“Okie, ano na gagawin natin nga-nga?”

“Tara bili muna tayo ng malalamon.”, anyaya ni Esther.

Gumala na kaming lima habang iniinum naming yung binili naming float.

“Hmm… anon a kaya ginagawa ni Ezra?” bulong ko ng mahina sa sarili ko.

>>Renzcel’s POV<<

“Brad, CR lang ako”

“Ge, balik ka agad haa…”

“Wag ka magtatagal di Masaya pagwala ka…”

“Oh!”

Peste ayoko sa lahat sinasama ako nito ni JB sa mga kalokohan niya.

Andito kami ngayon sa may foodcourt, kasama tong mga nakakairitang mga babaeng to.

“Zcel, balik ka agad medaling makamis tong mga chiks natin”

“Ikaw lang wag mo ako idamay!”

Hindi ko na nilingon sila JB, sa totoo lang hindi naman ako dumiretso ng CR palusot.com ko lang yun para makaalis dun.

Kung makakapit naman kasi yung mga babae dun kala mo pagmamay-ari nila ako. Sheesh.

Andito parin ako sa may foodcourt, malayo na rin distansya ko mula sa table nila JB, kaya naman nagsimula na akong lumabas ng foodcourt nang….

BOOGSH!!!

“Kuya naman tingin-tingin din sa dinadaanan pag may time!”

>>END OF CHAPTER<<

TRUE FEELINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon