Nagbabayad ako ng pagkain ko sa canteen tapos may narinig akong tumatawa sa paligid ko.
Hindi ko nalang pinansin.
Nakarinig pa ako ng mga sigaw na "loser", "nerd", "freak", madaming pang iba.
Di ko na uulitin, masyado pang maaga para masuka ako.
Lumingon ako sa paligid ko. nawala yung tawanan pati yung sigawan.
Tumingin ako ulit sa cashier kasi binabalik na yung sukli ko.
Nagtuloy tuloy yung mga pangaasar.
Pero, wala na akong pakielam. Kilala ko naman na kung sino yung pasimuno eh.
Ex-boyfriend ko si Troy. That was two years ago. Nung first year palang ako.
Syempre, na-brokenhearted ako sakanya.
Di ko alam kung masyado lang ba akong inosente o manhid or whatever. Basta ang alam ko, noon hindi ko pa narerealize na ang buhay, hindi perfect.
Walang fairy tale na totoo.
Napakagandang example dito ay ang parents ko.
Nag-divorce sila nung baby palang ako tapos kahit kelan, hindi ko pa nakikita daddy ko.
Wala rin akong kapatid, puro mga kaibigan lang na tinuturing kong kapatid.
May on and off girlfriend si Troy ngayon. Minsan sila, minsan hindi. Magulo.
Si Aimee, reyna ng kalandian, kaharuutan. kakatihan at kahaliparotan.
Anyways, yung totoo. hindi ko naman talaga alam kung bakit bigla bigla nalang ako binreak ni Troy nung first year, pero may hula ako.
Feeling ko, ang buong akala niya, masyado siyang mataas para sa akin. Masyado akong mababa sa paningin niya.
Gusto niya maging sikat tapos hindi niya magagawa yun kung ako yung girlfriend niya.
Pero, wala na akong paki. Ang akin lang, masaya na ako. Wala naman siyang totoong mga kaibigan eh. Hahaha.
Aaminin ko, sobra akong nasaktan nun. Siya yung first boyfried ko eh.
Simula nung nangyari kay Troy, nung naghiwalay kami, naging outsider na ako. Wala nang may pakielam sa akin.
Hindi ako bulag, alam ko naman na yung mga sinusuot ko, sobrang lalaki sa akin. Pati sapatos ko, sobrang lalaki rin sa akin. Pero kahit ako, wala na rin pakielam.
Last day of school na ngayon. Goodbye na kami sa third year.
Hanggang ngayon, hindi ko pa din alam kung san ako kukuha ng application forms tapos hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano ba gusto ko mahing paglaki ko.
Pero para sa akin, mahaba pa naman oras, sa susunod ko nalang yun aasikasuhin.
Pero yung totoo? Sobrang excited ko magcollege. iniisip ko kasi, sa college, wala nang pakielam yung mga kaklase ko kahit na ano man maging itsura ko kaya hindi naman siguro nila ako huhusgahan.
Balik tayo kay Troy. Hmp! Nakamove on na ako sakanya. Totoo, peksman, promise!
Hindi ko nga alam kung bakit ko pa ba yun naging boyfriend kahit kelan eh.
Siguro sobrang tatanga tanga lang talaga ako noon. Noon yubn, hindi na ngayon.
Siguro nga hindi na rin ako magboboyfriend sa tanang buhay ko eh. baka nga tumanda nalang ako ng dalaga. Ewan ko, hindi ko pa kasi iniisip yung future. Ayoko pa isipin.
Binuhat ko na yung tray kung nasan yung binili kong pagkain tapos umupo na ako sa lagi kong pwesto.
Andito na lahat ng mga kaibigan ko.