Pag-uwi ni Claudine ay agad siyang nag-pm kay Dwayne.
Claudine: Ano bang sasabihin mo?
Dwayne: Ano kasi...
Dwayne: Pwede bang tumawag?
Claudine: Pwede naman.
Dwayne: I mean hindi dito sa facebook...
Claudine: Ha? E saan naman?
Dwayne: Pwedeng makuha 'yung number mo?
Claudine: No. 10. Hahaha.
Dwayne: 'Yan ba ang date kung kelan mo ko sasagutin? Wag mo naman ipaalam agad. Kinikilig ako dito.
Claudine: Tse! Corny mo!
Dwayne: Haha. Cellphone number kasi...
Claudine: Ayoko! Dito na lang... Nag-uusap na naman tayo dito. Ano ba kasi 'yun?
Dwayne: Uyyyy! Excited siyang malaman...
Dwayne: E mas gusto ko ngang marinig boses mo saka para may number ka na sa'kin. Bigay mo na kasi.
"E mas gusto ko ngang marinig boses mo--"
Nag-sink in sa utak niya ang sinabing iyon ni Dwayne. Parang gusto niyang magtatatalon o magsisipa ng paa ng mga oras na iyon. O di kaya naman ay gumulong-gulong sa sahig para lang mailabas ang nararamdaman niya ngayon. Pinipigilan niyang matawa at kiligin habang binabasa ang mga message ni Dwayne sa kanya.
Dwayne: Uyyy! Kinikilig na 'yan...
Dwayne: Pero may sasabihin talaga ako sa'yo... Bigay mo na please?
"Hoy Clang! Baka gusto mong magpalit ng damit. Naka-uniform ka pa rin samantalang kanina ka pa diyan!" bulahaw sa kanya ni Aling Mirasol na may hawak na balde. "Hubarin mo na 'yan ng masama sa lalabhan."
Nagpaalam naman siya kay Dwayne na may gagawin lang saglit pero babalik din kaagad. Pumayag naman ito at sinabing hihintayin siya. Nag-charge muna siya sandali at inilagay iyon sa sala.
Habang nagpapalit siya ng damit sa kanyang kwarto ay tinatanong niya ang kanyang sarili kung ibibigay niya ba ang kanyang cellphone number kay Dwayne. Siya lang ang kauna-unahang stranger na makakatanggap ng number niya sa oras na ibigay niya iyon. Aminado naman siya na gusto niya rin marinig ang boses ng lalaki. Yung hindi na kailangan pang gumamit ng voice message o kaya voice call sa facebook na madalas ay nagla-log.
Tila magmula nang dumating si Dwayne sa buhay niya ay malaki ang naging epekto nito. Mas ginaganahan siya pumasok. Mas nagiging masayahin na siya at mas makuwento sa kanyang mga kaibigan kahit pa si Dwayne lang naman ang tinutukoy niya palagi. Kung dati ay palagi lang siyang nakatambay sa kanyang social account at naghihintay ng mga notifications mula sa kanyang followers, ngayon ay notifications na lang mula kay Dwayne ang hinihintay niya. Kung dati ay hindi siya nakaka-relate sa usaping lovelife, ngayon siya na ang unang nagre-react at nagbibigay ng mga hugot. 'Yung hugot na hindi lang basta-basta niya nabasa kundi nararamdaman niya na din.
Nang magbalik siya sa sala ay muli siyang nakipag-chat kay Dwayne habang naka-charge ang kanyang iphone.
Claudine: Game!
Dwayne: Ayy maglalaro ba tayo? Hindi ko kaya :(
Claudine: Ha? Ang alin?
Dwayne: Hindi ko kayang paglaruan ang feelings mo.
Awtomatiko naman niyang nahampas ang pader ng mga sandaling iyon pero siya rin naman ang nasaktan. Pinagpag-pagpag niya ang kanyang kanang kamay na kanyang ginamit panghampas. Hindi niya alam kung binobola lang ba siya ng lalaking kausap pero sinasakyan naman niya na parang buong-buo siyang nagtitiwala sa bawat sasabihin nito. Kaya naman sa loob ng ilang araw nilang pag-uusap ay nagagawa na niyang magkwento na rin ng kung ano-anong bagay tungkol sa buhay niya.
BINABASA MO ANG
Closer When We're Young
Mystery / ThrillerPosible kayang magmahal ng isang tao na kahit kailan ay hindi mo pa nakita? Si Claudine, na "Queen of Musical.ly" sa kanilang campus, ay nagmahal ng isang lalaking sa social media lamang niya nakilala. Sa dami ng nanliligaw at umaaligid sa kanya ay...