ikatlo

174 7 5
                                    

"Uy kuya! Ang aga mo ngayon ah. Anong meron?"

"Wala lang. Masama ba umuwi ng maaga?"

"Hindi naman. Natanong ko lang. Himala kasi e, hahaha"

"Huwag mo nga akong tawanan dyan. Parang ngayon lang talaga ako umuwi ng maaga sa paningin mo ah."

"E kasi nga kuya ngayon ka lang naman talaga umuwi ng ganto kaaga. Ano ba kasing meron?"

"Wala yung boss namin kaya maaga ako nag-out. O yan nasagot ko na yung tanong mo, masaya ka na nyan?"

"Grabe talaga to si kuya. Sige magbibihis muna ako."

"O sige bilisan mo. Para hihintayin na lang natin sila nanay saka yung anim nating kapatid."

"Ahhh o sig----- Teka anim? Kulang ng isa."

"Ha? Nandyan na si Jonathan. Tsss aga nga din umuwi nung gagong yun. Kahit ano talaga sabihin ko ayaw talaga tumigil sa kaadikan niya."

"Kinaka-usap ko din naman yun kuya e. Kung alam mo lang, sarado na ata talaga yung utak niya dahil sa kakahithit nya."

"Pabayaan mo na muna sya. Basta kapag hindi pa din nya tinigil yun, ako na magpaparanas sa kanya kung ano yung pakiramdam na hindi na nya gugustuhing maranasan ulit."

"Wow, kuyang-kuya ah. Hahaha, huwag ka masyadong ma-stress dun. Titigil din naman siguro sya."

"Sus! Kelan pa? Baka pag tumigil na sya e habang buhay na talaga syang tumigil."

"Kuya naman! Wag ka namang ganyan."

"Oo na. Magbihis ka na nga dun."

"Sige."

Si Tin nga pala yun, pangatlo saming magkakapatid. Nagbubukod tanging matino sa lahat ng babae. Sakin siguro nagmana? disinwebe anyos na yon at graduating na ngayong taon. May mapapatapos na rin ako sa wakas. Kung hindi lang kasi talaga nagloko si Jonathan panigurado may kasama na ako sa pagpapa-aral sa mga kapatid namin. Kaso wala e. 

At habang hinihintay ko pa dumating ang anim kong kapatid pati na sila nanay at tatay e nanood muna ako ng balita. Kaya nga lang pinatay ko rin agad matapos makapanood ng di kaaya-aya. Medyo nakakahighblood talaga mga palabas ngayon, lalo na sa mga balita. Wala ka ng mapanood na good news. Kaya nakakabanas e. 

Kaya ang ginawa ko na lang e nagbasa. Kauna-unahang libro nga pala na binili ko yung binabasa ko ngayon. Macarthur nga pala yung title. Medyo may kamahalan kasi manipis lang tapos lampas isang daan yung presyo. Kaso nga lang nagandahan ako dun sa libro kaya binili ko na. Tutal naman sweldo ko kanina at umaasa ako na maganda yung kwentong to dahil ayokong mapunta sa wala yung pera na ginastos ko. 

Nangangalahati na ako sa kwento, nang hindi namamalayang naka-uwi na pala lahat ng hinihintay ko kanina. Tinawag nalang nila ako para makakain na ng sabay-sabay. Inilapag ko muna yung libro at itinago sa damitan ko. Baka kasi mapagkainteresan ng nakababata ko pang kapatid at masira pa. Mabuti na'ng nag-iingat.

Habang kumakain tahimik lang kaming lahat. Hindi ko alam kung bakit. Dahil siguro ngayon na lang kami ulit nakakain ng matinong pagkain at nilalasap pa namin yung lasa para hindi namin agad makalimutan o di kaya naman may kasama kaming anghel sa lamesa kaya wala man lang nag-iingay.

Natapos na lahat ang dapat gawin, patulog na kami pero ako, magbabasa muna. Tatapusin ko na yung librong binabasa ko. 

At natapos ko na nga. Hindi ako natuwa, pero hindi ko rin naman masasabing hindi ako nagandahan. Ang bigat sa loob ko lalo na't alam kong nangyayari talaga sa totoong buhay yung nabasa ko. Maliban lang siguro sa pagkain ng shabu na hindi malubog-lubog sa kubeta. 

Naisip ko na lang, sana hindi humantong sa ganung sitwasyon si jonathan at yung iba ko pang kapatid. Sana maging malakas yung kapit nila sa mga pag-iisip nila. Sana maging bukas sila sa lahat ng nangyayari at pwedeng mangyari at sana kayanin nila, kasama na din ako, lahat ng mapagdadaanan namin.

Habang iniisip ko ang mga bagay-bagay mas natatakot ako para sa kapatid at sa magulang ko. At habang nakalagay sa bandang mata ko ang bahagi ng aking braso hindi ko napigilang tumulo yung mga luha ko. HIndi ko kaya na hindi nila makaya yung mga pwede pang mangyari samin. Lalo na't wala kaming lugar sa lipunang to. 

Mahirap, sobra. Sana lang talaga maka-ahon din kami. Dadating naman siguro kami sa panahong yon, sa tamang oras. Mabibigyan din kami ng atensyon galing sa gobyerno. Magbabago rin ang sistema, mawawalan din ng mahihirap tulad ng pamilya namin, uunlad din ang pilipinas. Kailangan lang talaga maghintay at magkandakuba sa pagtatrabaho.

Ang kwento sa loob ng kwento (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon