Chapter 44

422 5 0
                                    

Point of View:

-Eyn Krishnel C. Ford-

Linggo ngayon. Aalis na naman si Light. Lagi namang naalis eh. Pero syempre alam ko naman kung para san 'yon. Aasikasuhin kasi niya yung sa work nila ni Papa. Di naman masyadong malungkot kasi andiyan pa naman si Folex at Fierce. Pero si Fierce kasi after nung incident sa park, hindi pa siya nagpaparamdam sakin. Siguro tulog pa? Maaga pa naman eh. Nandito kami ngayon sa airport.

"Oh, magbehave ka ah. Andiyan naman si Fierce at Folex eh. Kaya mo na yan."

"Opo tatay Light. Pasalubong ko ah? Kokotosan kita pag wala."

Tapos nginitian niya ako.  "Opo sa graduation mo, osige na aalis na ko. Baka pigilan mo pa ko eh. Pakiss na dali."

Niyakap na ko ni Light, then kiniss niya ako sa noo. Kumaway na ako sakanya. Pauwi na ko nun may pumarang sasakyan sa harapan ko.

"Babu anong ginagawa mo dito?"

"I'll take you home."   tapos ngumti siya.

Tsk. Si Light, di talaga ako pinapabayaan. Talagang on time niya contact-in si Folex. Siguro di niya macontact si Fierce. Nakangiti pa rin si Folex ng pagkalaki laki. Laki talaga ng iginwapo nito.

"Uhmm. Tatanggihan ko ba naman ang babu ko?"

Nakita kong namula siya. Hahahaha. Ambilis magblush eh.

"Tumigil ka babu! Agawin kita kay Fierce eh. Pumasok ka na!"

Time ko naman para mamula! Weeh. Nginusuan ko nalang siya. Tapos sumakay na ko sa kotse, at yun nga hinatid niya ako sa condo. Tinanong niya pa kung pwede daw siyang magstay dito. Syempre naman nag oo ako.

"Babu. Pwede ba pagluto mo ako? Isang beses palang ako nakatikim nun eh, nung christmas. Sige na mamimiss ko yun eh."

Anong sinasabi nitong mamiss?

"Aalis na kasi ulit ako sa January 15. Gusto ko sana enjoyin yung isang linggo ko pa dito."

Tapos ngumiti siya, pero hindi ngiting ngiti. Nakaramdam ako ng lungkot. Buhat kasi nang dumating siya dito, ngayon lang ulit kami nagsama ng walang galit.

Siguro time ko na para bumawi sakanya. Sinuot ko na yung apron ko. Buti nalang at madaming ingredients dito ngayon. Mas marami akong maihahandang foods.

Medyo napagod ako, pero para din naman 'to kay Babu. Inayos ko na lahat nung pagkain, tinignan ko kung nasan si Folex. At boom! Tulog lang naman po siya. Pwede naman  sa kama? Bakit sa sofa? Eng-eng din.

Nilapitan ko siya. Sobrang ibang iba na talaga 'to, hindi kaya nagparetoke siya? Hahaha. Kidding, well actually kung titignan mo isa  isa, ganon pa rin naman,  gwapo lang  talaga siya ngayon.

Naisip ko tuloy, paano nga kaya kung hindi nangyari lahat noon? Posible kayang walang Fierce at Light? Posible kayang si Folex ang boyfriend ko ngayon?

Ako? Inlove sa gago? [Unexpected Love Revised Version]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon