chapter 26

439 7 2
                                    

Thank you! For being a fan! ^____^

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Sa tagal mag-update nitong author (na hindi mo alam kung humihinga pa ba), natapos na 'yung 100 days to heaven!

Uuuuuy...isasacrifice niya si Budoy!

Hindi niya papanoorin ngayon si Budoy para lang makapag-update!

Ano bang malay ko sa buhay ng author na 'to?

Imaginary character lang naman ako sa istoryang ito at napagtripang gamitin 'yung mukha ni Enrique Gil.

Anyways

Simula nung binigyan ko ng lollipop si Kate 1 week ago, lagi na kaming inaasar.

Nahihiya tuloy ako sa kanya.

Baka kasi mailang siya tapos dadating na lang 'yung time na iiwasan niya ako ng dahil lang sa lintek na issue na 'to!

Pero hindi pa naman niya nilalagyan ng malisya ngayon at sana 'wag na niyang bigyan pa ng ibang meaning!

Naging mabuti naman na kaming magkaibigan ngayon.

Pero minsan nagkakailangan kami kasi nga magngitian lang kami kung anu ano na ang iniisip ng mga tao.

In an instant naging barkada ko din ang mga barkada niya.

Hindi magawang sumama ni James kasi takot ppa din siya kay Bernard.

Si Camille, THANK YOU LORD! Hindi na gaanong nagdididikit sa akin ngayon.

May maganda din palang naidudulot 'yung pagiging malisyoso ng mga tao minsan.

Ako na nga pala magrereport ngayon sa last subject ko. Buti nga saglit konti lang 'yung topic.

"Okay, who's the next reporter?"

Hindi pa kami nakakaupo ito na kaagad 'yung bungad ni ma'am.

"Ma'am ako po." Nilapag ko lang 'yung bag ko sa upuan and then pumunta na ako sa pinakaharapan.

"Good afternoon class. Kilala niyo naman na siguro ako bla bla bla hindi ko na kailangang magpakilala bla bla bla." Oo kailangan talagang kasama 'yung bla bla bla. Tinatamad kasi ako.

"Kate! Dahil late ka, define Psychology in one hour!" Hindi pa siya nakakaupo nung tinawag ko siya.

Ganti ko lang. Nung siya ang nagreport pinagtripan niya din ako. Now it's payback time! XD

Ako na demonyo.

"One hour?! ano pang saysay ng report mo?"

"Yeah one hour, tinatamad akong magdiscuss e. Makikinig lang kami sa 'yo."

"Anong mapapala ko?"

"Makakausap at matititigan mo ang gwapo kong mukha sa loob ng isang isang oras."

Tinitigan niya nanaman ako emotionless.

Blank expression ba.

Ang cute lang.

"Naranasan mo ng mahampas ng monoblock chair sa mukha?" Seryoso pa din 'yung mukha niya.

"Hinde." Sagot ko naman na nakangiti at umiiling pa. "At ayaw kong maranasan. Sayang naman 'yung gwapo kong mukha."

"Wedge ka ba?"

"Huh bakit?"

"Ang kapal mo kasi e."

(Kung sakalaing hindi niyo gets, wedge is 'yung tawag sa sapatos na may takong. 'Yung diretsong takong. 'Di ba makapal 'yun? Haha.)

Ahh...ayos banat nito a. Magantihan nga.

8 years older, or two years younger?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon