Chapter 3: Spell Annoying? J-U-S-T-I-N

181 9 8
                                    

A/N:

Hi there guys … here’s my update… hope you like it guys.. hehe. sinipag lang ako mag update baka matagalan yung next ii... 

BTW. I dedicated this chapter to Kristinechance

Enjoy reading ;))))))))))))))))))

Vote ^^' comment ^^'

Naman po kayo ..

Chalamat ;)))))))))))

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 3: Spell Annoying J-U-S-T-I-N

Alex Pov:

Tss. Badtrip!

Yan ang nararamdaman ko ngayon. Kung bakit ba naman kasi nandito na naman ang isang ito. Hindi pa talaga sya sumusuko?

May isang linggo na din kasi mula nung kausapin nya ko sa harap ng school. Sa totoo nga lang nagulat pa ko nung nilapitan nya ko.

Flashback:

Habang naglalakad ako papunta sana sa tuturuan ko nung biglang tumawag sa akin yung nanay nung bata. Huminto naman ako sa labas ng gate.

“Hello ate Ynes, napatawag po kayo?” Ako

“Alex, pasensya na hija pero sa tingin ko hindi na kailangan ng anak ko ng tutor eh” Sya

“Ganoon po ba? Okay lang po yun, opo ayos lang, maghahanap na lang ulit ako ng bagong tuturuan” Ako

Hay. Pero sa totoo lang hindi naman talag okay yun. Dalawa na kasi sa mga tinuturuan ko ang huminto na sa pagpapatutor. Kaya hayun, nabawasan tuloy yung income ko.  Sa hirap pa naman ng buhay ngayon ang hirap na din maghanap ng magpapatutor. Tipid tipid daw kasi pag may time? hay. Whatever.

Kaya malungkot akong naglakad pupunta na lang ako sa bar. Kahit obviously sobrang aga pa at I’m sure sarado pa iyon.Naglakad ako habang nakayuko pero may bigla namang humarang sa unahan ko. Pag angat ko ng ulo

O_O

“Kailangan mo?” Ako

“Ikaw” Sya habang nakasmile pa sya na sobrang Kinaiinisan ko talaga.

Tss. At ang lakas talaga ng sayad ng isang ito. patawa tawa pa kasi sya habang sinasabi yan.

“Wala ako sa mood para makipagbiruan, tabi” Ako

Lumakad naman ako palayo sa kanya. Feeling ko kasi everytime na malapit ako sa kanya may mangyayaring di maganda.

“Alexandra Cruz!” sigaw nya.

Pero hindi pa din ako lumilingon. Patuloy padin akong lumakad ng maBilis. Uso din kasi minsan ang deadma effect.Pero ang kulit lang talaga nya. Hinabol pa kasi nya ko at hinawakan sa braso.

“Ano ba kasi yun?” Ako

“Help me, I’m in the big trouble” Sya. At marunong naman pala sya mag English. Akala ko puro kalokohan at hangin lang ang laman ng utak nito.

“Tss. Hindi ako police, dun ka sa police station magpatulong” Ako .sabay lakad ulit. Pero humabol ulit sya. Kainis! Pinagtitinginan tuloy kami ng ibang estudyante.

“Pwede ba wag kang makulit?” Ako

“Pumayag ka na lang kasi” Sya. At wagas lang sya makademand? Ni hindi ko nga alam yung tulong na hinihingi nya. -_-

If We Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon