an: NON FICTION TO! Totoong tao si POK at si NAT. Totoong kwento, tao at pangyayari.Malalaman niyo din kung sino sila, pero sa ngayon i enjoy niyo muna ang kwento nila.
Dear Pok,
Tandang tanda ko pa kung paano nagsimula ang pag iibigan nating dalawa. Pero hanggang ngayon hindi ko pa din malaman kung paano nahulog ang tulad mo sa boyish kong galawan
Hindi man pang beauty queen ang ganda ko daig ko pa ang reyna kung tatruhin mo .
Chuck taylor man ang madalas kong suot nangibabaw naman ang karismang hatid ko sa'yo.
Paano nga ba dinaig ng plain shirt ko ang off shoulder nila? at para bang ako lang ang nakikita ng iyong mga mata?
Okay lang naman siguro kung isashare ko sakanila ang mga ginawa mo para sakin, hindi para mainggit kung hindi para mainspire sila sa atin.
Ipapaalala ko lang sana na sa mundong to ay may nag eexist pa din na tulad mo. Isang lalaking tapat at handang magmahal ng totoo.
Tulad nga ng lagi kong sinasabi sa'yo "You are giving me the BEST love story that no wattpad writer can ever think of"
The best nga siguro ang istorya natin dahil si Lord ang author nito.
Ang tanong ko lang naman na sana ay sagutin mo, anak ka ba ng fictional character na nagkatawang tao?
Kung oo man yan o hindi aba ewan ko, basta hayaan mo lang na ako ang maging leading lady ng buhay mo.
Minahal, mahal at mamahalin kita promise yan.Ngayon, bukas at magpakailanman. Siksik, liglig, umaapaw pa.Ikaw lang sinta at wala ng iba.
Sa kabila ng mood swings, poker face at tantrums ko na lagi mong pinagtyatyagaan, gusto kong malaman mo na tanda ko lahat ng effort mo na hindi matatawaran.
Kaya hayaang mong isalaysay ko ang kwento nating dalawa. At sa pagkakataon to ako naman ang taya.
Ikaw ang bida sa libro kong to. At Patuloy akong maniniwala sa forever ng dahil sa'yo.
Mahal kita sagad hanggang buto.Ikaw ang nag iisang C.C.G.L ng buhay ko!
Love,
Nat
BINABASA MO ANG
Dear Pok,|| Love, Nat
Non-FictionThis is a Non-Fiction book. Real couple,story and events. Isa lang ang gusto kong ma achieve pagkatapos mong mabasa ito. PATULOY KANG MANIWALA SA FOREVER!