Sa sobrang kahihiyan ko nakatulog ako. Isa't kalahating oras lang naman, narinig ko kasing may nalaglag mula sa kusina eh.Alas kuwatro na pala ng hapon malapit na mag gabi. Bumangon ako at bumaba, pinuntahan ko kung san yung nalaglag, baka sakaling makatulong..
" Oh Zoe? nagugutom ka ba? Halika may niluto akong maja!" Bati ni Nay Ising habang nagkakandialigaga sa dami ng hawak niya.
"Nay Ising, relax! hehe, tulungan ko na po kayo."
"Naku Zoe, hindi! ako na ,kaya ko naman .Umupo kana doon." Pero dahil matigas ang ulo ko, kinuha ko sa kamay ni Nay Ising yung isang kaldero.
"Tutulungan ko na po kayo. Hindi po ako nagugutom. Wala din po akong magawa kaya tutulong nalang po ako"
Ngumiti naman si Nay Ising "Marunong kaba magluto ng adobong talong?"
"Specialty ko po yan!" Nagtawanan kami at nagumpisa na magluto.
"Pasensya ka na 'nak antagal kasi dumating ni Oscar eh! Nasakanya pa naman yung baka. Magluluto sana ako ng nilaga, para sa mainit na sabaw. Pero darating na yun at pede ka na magpahinga." Sabi niya sakin habang hinihiwa ang mga talong.
"Okay lang po yun nay Ising. Gusto ko din po kasi makabonding kayo eh. Friendly ako kung di niyo natatanong haha"
"Ganun ba? haha mabuti pa , magtanong ka tapos ako din magtatanong sayo. Ano game?" Ang cute ni nay Ising magsabi ng game! Matanda na kasi siya pero yung salita niya japorms na japorms pa din!
"ummm... Gaano na po kayo katagal yaya ni Brian.."
"Simula sanggol e, 9 years din."
"Kaya po pala ganun kayo kaclose."
"Ikaw , gaano mo na kakilala si Brian?"
Napaisip ako, kelan ba nagstart gumulo yung buhay ko??
AHHH.. Simula yung sa bus. Yung pagkamasungit niya..
"Nung unang klase po. Magkatabi po kami eh." Alangan naman ikwento ko yung nasa bus kami at paano ko pa siya ipahiya, baka palayasin ako dito !!
"Ngayong taon lang pala, pero close na close na kayo ah. Sa totoo lang Zoe ah, nung dumating ka, hindi lang ako kundi lahat ng tao dito nagulat eh.."
eh?
"Bakit naman po?" Kasi maganda ko? I know right? hahaha! assuming lang po pagbigyan!
"Kasi yan si Brian , simula bata ayaw niyan sa mga babae. Maliban kung bata talaga katulad no Vivi. Kahit nga mama niya hindi niya close eh. Ni hindi din niya gaano kinakausap..Sa akin lang yan malambing dahil malambing din ako sakanya at mahal na mahal ko yan. Alam kong alam niya yun kaya siguro hindi niya ko maiwan iwan.. " Binigay ko yung toyo kay Nay Ising, Inumpisahan na niya ito ihalo sa kaldero,
"Kaya nga laking gulat namin at sympre pagtataka kung bakit ka niya dinala dito . Wala pa kasing dinadalang babae si Brian dito kahit ate niya.. Naisip ko tuloy kung gf ka niya.. Tapos yung mga galaw niya pa sayo, laging nagseselos , aba! Inlove na ata ang Brian ko kaya Tinanong ko naman siya pero hindi naman daw... Zoe pakiabot nga ng sandok.." Inabot ko. " Salamat. Asan na ba tayo , ah imposible daw yung sinasabi ko, katulong ka lang daw niya, pero nung tinitingnan ko siya s mata alam ko nagsisinungaling siya. Hindi niya pa ata tanggap na magkakagusto siya sa isang babaeng mortal enemy niya hahaha. Yung pagkainis niya sayo, may kasamang concern eh .Ang hirap niyo na talagang hulaan mga bata talaga ngayon oo~ hahahahah!"
Speechless lang ako sa sinabi ni Nay Ising..
Dapat ba ko matuwa?
DUGDUG--DUGDUG---
BINABASA MO ANG
MY BIPOLAR BOYFRIEND 0_0 :)
Novela Juvenil"There will always be a reason why you meet people. Either you need them to change your life or you’re the one that will change theirs." Learn to fall in love again! ^_^