Chapter 4: The Who?

23 1 1
                                    


Chapter 4: The Who?

Maaga akong pumasok sa school, syempre dahil yun kagabi. Ikaw ba naman itext ng crush mo, kaya lang bakit mukhang galit siya?

Ano ka ba naman Jamia malamang pinaglihi iyon sa sama ng loob kaya laging mainit ang ulo.

Atleast nag effort siyang i-text ako.

"Hi best!" Sabi ni Jham, napairap na lang ako alam ko kasi kung bakit siya ngayon nakangiti na halos abot na hanggang mata niya.

"Oo mamayang hapon punta tayong mall" iyon ang sinabi ko halata naman kasi sa mukha at sigla niya ngayong araw kung ano ang pakay niya.

Nasa hallway kami ngayon papunta sa classroom namin kaya naman maraming napapatingin sa amin. Ay mali sa AKIN. Ikaw ba naman umamin kay Minth, ayan tuloy nasa listahan na ako ng dapat nilang ibully dahil siguradong marami ng galit sa akin ngayon. Kasi sila hindi maamin kay Minth eh hindi naman na nila kailangang umamin dahil halata naman!

Hindi kagaya ko na pasimple lang,(ehem,pa shy type daw) hindi ako yung tipong pagbaba niya sa sasakyan ay may karatula ng kung ano-ano at kapal ng pintura este make up nila.

Pagpasok namin sa classroom nandoon na siya. As usual, nasa likod siya ng upuan ko.

Pag upo ko (plak) may pumuyok, parang may naramdaman akong hindi maganda, parang may liquid ako naramdaman. Kaya tumayo agad ako.

Pinagtawanan ako ng mga kaklase ko. Agad lumapit si Jham at sinabi sa akin kung ano ang mayroon.

Yun pala may red paint sa upuan at nagkaron din yung palda ko. Kaya naman pala nung umupo ako kanina parang may malagkit akong na-upan. Kasi naman hindi ko tinignan yung inuupan ko.

Tinignan ko si Minth, poker face lang siya. Kainis. Nakakahiya sa kaniya.

Kasalanan mo ito eh! Dapat tinitignan mo muna yung uupuan mo bago ka maupo.

"Buti nga sa kaniya"

"Malandi kasi"

"Papansin pa"

"Hahahahaha kadiri na siya girl"

Hindi ko na sila pinakinggan at agad akong tinulungan ni Jham na pumunta sa washroom. Pinakuha ko sa kaniya yung pang P.E kong uniform.

"Nako pag nalaman ko kung sino may gawa niyan sayo. I swear hindi na siya makakatapak sa school na ito." Galit na galit si Jham dinaig pa ako.

"Tsk hayaan mo na sila, kakarmahin din naman ang mga yon." Dahil alam kong hindi iisa ang may kagagawan sa akin nayun.

"Teka diba Thursday ngayon? Edi sakto mamayang hapon kasi P.E natin diba?" Ay teka? Oonga noh? Hay medyo ligtas na ako ngayon. Bawal kasing umuwi ang students dito ng walang dahilan.Gusto ko sanang umuwi para palitan yung palda pero ayokong umuwi dahil hindi ko makikita si crush ko hihi.


May dahilan pala ako,pero ayoko.

"Buti na lang sinabi mo yan! May dahilan na ako para hindi umuwi."

"Tsk gusto mo lang silayan eh. Pero pag nalaman ko kung sino ang may gawa niyan sayo. Knock out lahat sila." Syempre joke niya lang yun, isang suntok lang kay Jham tumba na yan.

"Tara na?!" Sabi ko para makapasok nasa room baka mamaya nandoon na yung teacher namin.

Pagdating namin kagaya ng sinabi ko nandoon na si Sir. Patay tayo diyan.

"Ms. Hayward and Ms. Hudsson bakit ngayon lang kayo?" Nakakunot na si sir niyan. Haynaku, daig pa yung abs ko sa noo pag nakakunot ang noo niya.

"E kas-" hindi pa tapos magsalita si Jham nang muling magsalita di Sir.

When the Cold guy discover what is LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon