Chapter 39: The Kid (2)

431 16 3
                                    

“Ipaalala niyo nga sa akin kung bakit natin siya kasama?” Naiiritang tanong ni Gelou habang nakatingin kay Jairus na nakaupo sa harapan namin.

Naglapag ng cookies si Gabby sa coffee table sa gitna namin at tiningnan si Gelou na hindi na maipinta ang mukha.

“Gel. Wala tayong magagawa dahil sa group natin pinasali si Jai. Tiisin mo nalang, okay?" Seryosong sabi ni Gabby at naupo siya sa tabi ni Jairus. Napabusangot naman si Gelou at kinunot pa ang noo niya. Kami naman ni Teo ay tahimik lang na nakatingin kay Jairus. Mukhang wala siya sa mood at bored na bored pa. Siya pa rin yung Jairus na kilala ko, so impatient.

“Uhm... simulan na natin?” Tanong ni Wenrie na halatang uncomfortable sa amin. Sino bang hindi magiging uncomfortable kung wala sa mood ang lahat? Awkward pa kami dahil sa presence ni Jairus.

“Okay.” Sang-ayon ni Gabby. Kinuha niya ang questionnaire na bigay ni ma’am sa amin kanina at inilatag ito sa table.

“May nine problems dito.Paghatian nalang natin.” Kumuha ng ballpen si Gabby at sinulatan ang questionnaire. “Rhaeca and Teo, kayo na ang sumagot sa mga Kruskal-Wallis Test. Wenrie and Gelou, kayo naman sa Wilcoxon Test. Kami naman ni Jai sa Sign Test.” Tumango kami at nagsimula nang sagutin ang mga problems.

Naupo kami ni Teo sa sahig para malapit kami sa table. Kinuha ko ang questionnaire at binasa ang problem number one.

“In an experiment to determine which of the three different missile systems is preferable; the propellant burning rate was measured. The data, after coding, are given in the table below.”

“O sige na. Sagutin na natin.” Kumuha ng papel at ballpen si Teo at nagsimulang magsulat.

“Ano ang null hypothesis?” Tanong ko habang pinagmamasdan ang data set.

Propellant Burning Rates
_______________________________
Missile System
_______________________________
1 | 24.0 16.7 22.8 19.8 18.9
_______________________________
2 | 23.2 19.8 18.1 17.6 20.2
| 17.8                                   
_______________________________
3 | 18.4 19.1 17.3 17.3 19.7
| 18.9 18.8 19.3               
_______________________________

Tiningnan din ito ni Teo pero agad ding ibinalik ang tingin sa papel na sinusulatan niya.

“Mu sub i is equal to zero, or the three means are equal.” Sabi niya habang sinusulat ito sa papel. Tumango ako.

There are three missiles so tatlo din ang mean. Sabi ni ma'am, ang null hypothesis ay always equal to zero, or means has no significant differences. Ibig sabihin, all means are equal.

Napangiti ako dahil sa naiisip ko. Nakakatuwa na may natutunan pala talaga ako sa klase namin.

Tiningnan ko si Teo na nagsusulat pa rin.

Kung no significant difference ang null, then ang alternative hypothesis ay...

"The alternative is that the three means are not all equal." Sabi ko.

Nag-angat ng tingin sa akin si Teo at nginitian niya ako.

"Right!" Masayang sabi niya kaya napangiti din ako.

Nagpatuloy na kami sa pagsagot ng mga problems na nakaassign sa amin. Problem set namin ito sa major subject namin at ipinapapasa Ito samin ni ma'am agad bukas. Kaya heto kami ngayon. Hindi nga natuloy ang plano naming pagpunta sa Newman dahil dito. Susubukan na lang namin bukas.

The Swap (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon