"Juliet Please!"
Tawag niya sakin nang tinalikuran ko siya at nagsimulang maglakad palayo.Nanghihina ang mga binti ko at nakakaramdam na naman ako ng pamilyar na mga paru-paro sa tiyan ko. Ayoko nang nakakaramdam ng ganito dahil alam ko sa sarili ko na baka anumang oras ay masabi ko sa kaniya ang mga salitang matagal ko nang kinikimkim.
"Juliet, Baby please stop walkin' away from me"
Fvck.There is it. Nagsimula na namang maghurumintado ang sistema ko.Gulong-gulo na ko. Kahit anong isip ko kung bakit niya sinasabi at pinaparamdam sakin ang mga ganitong bagay ay hindi ko pa rin maintindihan dahil ayaw kong paniwalain ang sarili ko sa mga nararamdaman kong to. Dahil alam na alam ko na bawal. Hindi pwede.
Naramdaman kong lumalapit siya sa akin at ilang hakbang lang ay nagawa niya akong abutan. Napahinto ako ng maramdaman ko ang mga palad niya sa braso ko.Lalo na namang nanghina ang mga tuhod ko.Pakiramdam ko ay maririnig na niya ang mga tibok ng puso ko sa sobrang lakas nito.
Hinawakan niya ang magkabilang braso ko at iniharap niya ako sa kaniya.Agad akong nag-iwas ng tingin.Ayokong tumingin sa mga mata niya dahil alam kong isang tingin ko lang sa mga mata niya ay bubuhos na naman ang mga luha ko at mawawala ako sa wisyo.
"Juliet......."
Tawag niya ulit sa akin, pero nanatili akong ganon ang posisyon at hindi siya iniimik.
"Juliet.........Look at me baby, Please"
Sabi niya at hinawakan ang baba ko at iniangat ang mukha ko.Ngunit nanatili akong nakapikit, ayokong buksan ang mga mata ko.
"Open your eyes please......."
Malumanay niyang pagkakasabi.His voice was husky.Parang dinudurog ang puso ko sa lungkot ng tono ng mga pananalita niya.Nang binuksan ko ang mga mata ko ay nakita ko ang mga luhang lumalandas sa mga mata niya. Parang unti-unti akong nadurog nang makita ko siyang lumuluha.
"Juliet......I ..... Fuck it!!!! .... Juliet I am so damn inlove with you"
Hinawakan niya ang mga pisngi kong kanina pa pala basang basa sa mga luha.Hindi parin ako makapaniwala sa mga narinig ko galing sa kaniya.Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, o kung ano ang sasabihin ko.
Alam kong mali ito.Ang saglit na sayang naramdaman ko nang marinig ko ang mga salitang iyon sa kaniya ay agad na napalitan ng lungkot sa realisasyon na hindi pwede.Hindi kami pwede, at kailanman ay hindi magiging pwede.Hindi ko alam kung sasabihin ko din ba sa kaniya ang nararamdaman ko o itatago ko nalang ito sa sarili ko nang hindi na ito lalong lumalim pa. Dahil kahit saan mo tignan ay hindi ito pwede.This is Incest.
The only thing that comes on my mind right now is what my mom would feel if she will ever find out about this.About us.Masasaktan ko si Mommy.At alam kong pareho lang din kaming masasaktan dahil hindi papayag sa amin ang mga taong nakapaligid.Pandidirihan nila kami and worst is paglalayuin.
Ayokong umabot sa point na makakasakit ako ng mga taong nakapaligid sakin dahil sa nararamdaman ko.Pipiliin ko nalang na saktan siya ngayon kesa paulit ulit siyang masaktan sa mga posibilidad na kamumuhian kami ng buong pamilya.Mabuti ng itigil na niya ito hanggang maaga.Makakalimutan niya rin ang nararamdaman niya sa akin. Nandiyan naman si Lorrie na kaya siyang mahalin ng walang alinlangan.In time, makakalimutan niya din lahat ng to. Titiisin ko nalang ang sakit at itatago ko nalang sa sarili ko ang nararamdaman kong ito.
Maya maya pa ay ang lakas ng pagkakasampal ko sa kaniya ang bumalot sa lugar.Sinampal ko siya nang sinubukan niya kong halikan.Eto lang ang alam kong paraan. Ang itaboy siya.Kahit masakit, kahit parang ako ang nadudurog, gagawin ko.
"KUYA ANO BA?! NARIRINIG MO BA YUNG SINASABI MO?HINDI KA BA NANDIDIRI SA MGA LUMALABAS DIYAN SA BIBIG MO?PANO MO NASISIKMURANG SABIHIN SAKIN ANG MGA GANYANG BAGAY?! HINDI MO BA NAISIP NA MAGKAPATID TAYO? FOR GOD'S SAKE KILABUTAN KA KUYA! MAHAL KA NI LORRIE, AT MAHAL KO SI IVAN, ANO BANG PROBLEMA MO?!"
Nakita ko kung pano nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya sa mga sinabi ko.Parang unti-unting gumuho ang mundo niya. Unti-unti kong ginuho ang mundo niya. Pilit kong pinigil ang mga hikbi ko.Pilit akong nagpakatatag sa harap niya.This is it.Kailangan ko tong gawin.
"Juliet please, stop saying those things, sinasabi mo lang yan dahil ayaw mong paniwalaan dahil sa alam mong magkapatid tayo. Please sabihin mong hi-"
"STOP IT KUYA PLEASE.PAG SINABI MO PA ULIT SAKIN ANG MGA GANYANG SALITA PINAPANGAKO KO SAYONG HINDI NA KITA KAKAUSAPIN O LALAPITAN MANLANG KAHIT KAILAN.MY GOD I CAN'T BELIEVE YOU KUYA.YOU'RE MY BROTHER HOW COULD YOU FEEL SOMETHING LIKE THAT TOWARDS ME.I AM YOUR SISTER KEEP THAT IN MIND.STOP SAYING THOSE THINGS. BULLSHIT!!"
"Juliet..... You hate me now.Don't you?"
Sobrang lungkot ng pagkakasabi niya ng mga salitang yon.
"Im sorry.Magulo lang ang isip ko ngayon.Kalimutan mo nalang ang lahat ng sinabi ko .Im really sorry"
Agad na nagunahan ang mga luha ko nang marinig ko ang mga salitang iyon sa kaniya.Tumingin lang siya ng diretso sa mga mata ko na puno ng lungkot at naglakad na palayo.
Guess this is it. Kakalimutan na niya ang nararamdaman niya para sa akin.At patuloy kong itatago sa sarili ko ang nararamdaman ko dahil alam kong kahit kailan hindi ko iyon makakalimutan.
BINABASA MO ANG
Take Me
FanfictionSabi nila masakit daw magmahal, lalo na kapag ang taong mahal mo ay mahal ng iba.Pero hindi ba mas masakit kung hindi mo man lang nasabi ang nararamdaman mo at patuloy kang binabagabag ng mga tanong na "Mapapansin din kaya niya ko?", "Ganun din ba a...