Chapter one

10 0 0
                                    

"Ano? Iwan na kita?" Tanong ni tatay habang nandito kami sa tapat ng classroom ko.

"Hintayin nyo na kong makapasok" sagot ko. Kumatok sya sa pinto at binuksan, nakita ko ang mga bago kong kaklase ako nalang pala ang wala kaya masyadong agaw atensyon ang pagpasok ko.

"Ah sir! Pasensya na po mauna na po ako" at umalis na nga si tatay.

Nagpunta ako sa bakanteng upuan sa may likod, hiwalay ang girls sa boys. Kinakabahan ako kasi transferee ako sa school na to bilang first year high school. Tingin lang ako ng tingin sa paligid, may mga babaeng nagkukwentuhan at mga lalaking nagkukulitan, halata na ang iba sa kanila ay dati na sa school na to at may iba naman na kagaya ko na tingin lang ng tingin kung saan saan kagaya ng katabi ko.

"Okay class! Good morning! Im Sir Gerrie Navarro, bagong teacher dito sa school nyo at bagong adviser nyo rin. I'm also your TLE and computer teacher." Pagpapakilala ni Sir Navarro.

"Good Morning Sir Gerrie! Nice to see you" sabay sabay naming bati sa kanya.

"Nice to see you too, by the way ilan dito ang mga transferee kagaya ko?" Nagtaas ako ng kamay kabasay ang ilan sa mga kaklase ko. Marami rin pala ang tranferee. "Marami rami rin pala. okay let's start. Introduce yourselves in the class. Let's start with you Mr?"

"My name is Luke Nelmar Santiago. I'm 12 years old from Sta. Isabel Elementary School." Pagpapakilala nung lalaking nasa harapan.

Tumayo ang kasunod nya at nagpakilala na rin. Hindi ko naintindihan ang mga sinabi nya kasi masyadong mahina.

Nagpapakilala na halos lahat pero konti palang ang natatandaan ko.

"Hi! I'm Angelica Fajardo 12 years old from Regina Carmella, you can call me Angel" pagpapakilala ng katabi ko. Kinakabahan na ko ako na pala ang kasunod.

"I'm Jeanne Angela Torres 12 years old from Mary Montessori School, you can call me Angela." sa wakas nakaraos na.

"Hi! ano ulit name mo?" Tanong sakin ng katabi ko si Angel, jusko katabi pa naman ako hindi manlang natandaan pangalan ko.

"Angela"

"Ahh. Akala ko kasi parehas tayo ng name eh." Assumera naman to! "Transferee ka rin diba?"

Tumango nalang ako. Hindi kasi talaga ako marunong makipag usap sa mga hindi ko pa kaclose.

"Tayo nalang muna magkasama ah. Wala rin kasi akong kakilala pa sa kanila eh."

"Ah sige." Haayy. Pano bang pakikipag usap gagawin ko?

...

Natapos na ang unang araw at wala pa rin akong kilala sa kanila. Maliban kay Angel at dun sa unang nagpakilala, si Luke? oo tama. Luke nga.

Hay. Parang wala akong magiging kaibigan sa kanila, parang ang tatalino nila at ang yayaman. Hindi ko alam kung paano gagawin ko. Paano ba kasi maging friendly?

Bahala na nga. Kung mabait naman sila tatanggapin nila ang katulad ko na simple lang, hindi kayamanan at hindi katalinuhan. Kakayanin ko naman siguro. Nakakainis naman kasi bat kasi dito pa ko sa Holy Trinity nag aral pwede naman sa dati ko nalang school.

...

Haayyy. Papasok nanaman. Magpapakilala nanaman sa mga teachers at sa mga kaklase. Hayyy. Sana kahit dalawa manlang na kaibigan magkaroon ako.

"Class! Iaarrange ko na ang seating arrangement nyo para mas maging magkakilala kayo. Boy Girl ang arrangement." Panimula ni sir pagpasok nya ng room.

Ano ba yan. Boy Girl pa. Jusko. Pano ba gagawin ko? Sa babae nga hindi ako magkapagsalita sa lalaki pa kaya. Huhuhuhu. Lord why are you doing this to me?

Nagsimula na ngang iarrange ni sir ang seating arrangement namin, at sa kabutihang palad ay mas madami ang babae sa lalaki kaya ang katabi ko ay babae. Medyo nakahinga na ko.

"Hi! Transferee ka diba? Alpha nga pala" at inoffer nya ang kamay nya.

"Angela" sabay shake hands sa kanya.

Dumating na ang next teacher namin, at syempre same routine magpapakilala sya at pati kami magpapakilala rin. Ano pa ba ang naiba? Pero ngayon medyo madami na ang kilala ko sa kanila, at pakiramdam ko naman mga friendly tong mga to.

.....

(A/n. Wag po sana kayong mabore. Umpisa palang po kasi hindi ko po kasi talaga alam kung paano magsisimula sa story na to. Salamat po.)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secretly Inlove with my First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon