Chapter 42 : The End

186 5 0
                                    

Gab's POV:



"oh great!" aniya habang hindi makapaniwalang napasandal sa sandalan ng inuupuan nya dito sa 'sweets and sweets shop' na pinagkitaan naming dalawa.. Inaasahan ko na ang magiging reaksyon nya pagnalaman nya ang nangyari ng gabing iyon. "So ano ng plano mo? i mean nyo?"



"Hindi pa kami nakakapag-usap ni Tyron" kiming sagot ko. Lalong lumalim ang pagkakakunot ng kanyang noo.



"eh ikaw? anong nasa isip mo ngayon? alam mong hindi magugustuhan ng daddy mo pagnalaman nya ang tungkol sa pagpapakasal nyo ni Tyron. What about Gaven? anong sinabi nya sayo?"



Bigla ko na naman naalala ang pag-uusap namin ni Gaven ng bumalik na ang malay ko.




*Flashback*



Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko, parang napakabigat ng pakiramdam ko...hinang hina ako.


Nanghihina man ay pinilit kong bumangon, agad na dumapo ang paningin ko sa taong nakaupo sa gilid ng kama ko. Nanatili lang syang nakatitig sakin.


"babe..." tanging nasambit ko.



"kamusta pakiramdam mo?" tanong nya,



i just smiled, pero nawala rin iyon.


"I'm sorry babe, i'm so sorry" hindi ko na naman maiwasan ang mapaluha.



Mula sa pagkakayuko ko ay dahan dahan nya akong niyakap dahilan kaya lalo akong napahagulgol ng iyak.



"Naiintindihan ko bakit mo nagawa iyon Rielle, pero si daddy? ano nang mangyayari pagnalaman nya ang tungkol sa inyo ni Tyron? Alam mong hindi iyon magugustuhan ni dad." tanging paghikbi lamang ang naging sagot ko kay kuya.



"Anong gagawin ko Kuya?" lumuluhang tanong ko sakanya. "Mahal na mahal ko si Tyron at si daddy, hindi ko kayang mamili sakanila."



"i know babe, but you don't have to choose." napabitaw ako ng yakap sakanya, marahan ko syang tinitigan.


"what do you mean babe?"




"File an annulment case babe, bago malaman ni dad." diretsong sagot ni kuya, hindi iyon pagsagot sa tanong ko sakanya kundi isang utos na hindi ko pwedeng hindian.

Kapag ang panget, GUMANDA? [Spell(ASA)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon