Chapter 43 : Venice

237 6 2
                                    

3 years later...

Gab's POV:

"Hey Gab...wake-up." nagising ako sa marahan na pagtapik nya sa pisngi ko. "fasten your seatbelt love, we will arrive in NAIA shortly." dahil sa sinabi nya ay tila nabuhay na naman ang dugo ko, hindi sa sobrang saya kundi sa sobrang kaba na nararamdaman ko.

Umayos na ako ng upo,

"How's your sleep?" he asked.

"Maayos naman kahit papano." then i smiled a little.

Hindi ko lubos maisip na babalik pa ako dito, maayos na ang buhay namin sa ibang bansa. We left the Philippines and live to Ireland, at natitiyak ko na wala silang ideya na doon kami tumira. Even my family at lalong lalo na si Gaven, tanging sa skype lang kami nag-uusap magkapatid.

Nakiusap sakin si Gaven na bumalik na dahil sa kundisyon ng kalusugan ngayon ni daddy. Mahina na raw ito, lalo pa raw itong humihina sa pagdaan ng mga araw at sa isiping wala ako sa tabi nila. At dahil na rin sa dati pang mga issue sa family businesses namin. Gaven needs me to run the Swane Corp.

"Mommy..." napalingon ako sa munting anghel at nakita ko ang maaamo nyang mata na nakatingin sakin. Agad ko naman syang kinuha mula sa pagkaka-kalong sakanya.

"Hi baby... i'm sorry mommy fell asleep." then i kissed her on her chubby and pinkish cheek, she giggled.

"Milk" she simply ordered. This time ako naman ang natawa, manang-mana talaga sa pinagmanahan nya. "I want milk mommy"

"Later baby, pagkababa natin sa plane ok?" ngumiti naman ito,

After a few minutes ay nakalapag na ang eroplanong sinasakyan namin. Mababakas sa mukha ng lahat ng pasahero na masaya at excited sila sa muli nilang pagbabalik sa Pilipinas, tanging ako lang ata ang iba ang nararamdaman.

"Are you ready?" he asked. I just noded.

Magkatabi kaming naglalakad habang sya ang may karga kay Venice. Siniguro nya na walang ibang makakaalam sa pagbalik namin dito, ayokong malathala sa iba't ibang babasahin ang pagbabalik namin lalong lalo na at kasama na namin ang anak ko.

Nakahinga lang ako ng maluwag nang lulan na kami ng kanyang sasakyan.

"Mommy, milk" untag sakin ni Venice.

"Yes baby, mommy will get your milk." agad kong inabot ang bag na naglalaman ng mga gamit ni Venice at kinuha mula roon ang gatas nya. Kinalong ko sya pahiga para maayos syang makapagdede. Dahil sa sobrang traffic ay nakatulog na ulit ang anak ko.

"Hindi kaba nabibigatan kay Venice?" he asked habang hindi inaalis ang mga mata sa pagmamaneho.

"Ok lang, sanay na ako sa bigat nya" sagot ko habang titig na titig sa natutulog kong anak. Hindi ko maipagkakailang kamukhang-kamukha nya ang kanyang ama. Tanging ang mga kulay asul na mga mata, labi at kulay ng aking balat ang nakuha nito mula sakin. Shape ng mukha, ilong, kilay at kung paano tumitig,sumimangot at ngumiti ang ama nya ay kuhang kuha nito.

"You really have a beautiful daughter Gab." turan nya.

"Yeah" tila naluluhang sagot ko, hindi pa rin ako makapaniwala na may anghel na darating sa buhay ko. "and thanks for taking care of us Vince"

***

Agad na bumaba mula sa sasakyan nya si Vince at mabilis na umikot papunta sa side ng passanger seat, dahan-dahan nyang kinuha mula sa pagkakakarga ko ang natutulog na anghel.

"Careful.." i gently whispered. Bumaba na rin ako nang tuluyan nya nang nabuhat si Venice. Huminga ulit ako ng malalim habang nakatingala sa malaking pinto ng mansyon.

Kapag ang panget, GUMANDA? [Spell(ASA)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon