an: Paalala ulit! totoong kwento to. First day na bukas ng ilan sainyo! Godbless!
Dear Pok,
First day of school ko bilang kolehiyala. Nagsuot ako ng chuck taylor, pants at simpleng white tshirt bilang panimula.Mas kumportable kesa sa skinny jeans, fitted shirt at doll shoes nila. Boyish man tignan pero ganito kasi ang aking pormahan.
Kakayanin ko kaya? Yan ang lagi kong tanong. Grade school lang kasi ang may lalaki sa amin noon.Alam mo naman na ALL GIRLS kami pagdating ng highschool diba? kaya hindi ako sanay makipag halubilo sa iba.
Paano ba makitungo sakanila? Ano ba ang pakiramdam na finally may lalaki na? Pag nagkataon first time ko ulit to pagkatapos ng apat na taon. Grade 6 pa kasi ako ng magkaroon ng kaklasing taliwas sa kasarian ko.
Pero dahil kaklase ko naman ang iba sa mga kaibigan ko, ay mas naging madali na ang lahat sa puntong to.
Hindi pa din mawawala na magkaroon ng konting hiya. Paano nga ba dapat kumilos sa harap nila? Magaling akong maghanap ng maganda kaysa gwapong nilalang, kaya nga hindi kita napansin o nahagip man lang.
"Boyfriend ni *****" turo ng kaibigan ko sa'yo. Tinignan naman kita mula paa hanggang ulo.
Pero ang tanong ko na walang kasagutan hanggang ngayon bakit hindi ko pa din makalimutan ang sandaling yun?
Yun na ba ang sinasabi nilang slow motion o sadyang matalas lang ang memorya ko. Basta ang alam ko HINDI ako na love at first sight sayo!
"Ang panget?" yan ang sagot ko sa katabi kong gwapong gwapo sa'yo.Wala kang dating sa paningin ko kahit matangkad at matangos ang ilong mo. Batchmates ko ang gf mo na hindi ko man lang naging kaklase sa 4 na taon . Hindi ko din alam bakit nga kaya ganon?
Alam mo bang nagtawanan kami sa unang pagdarasal na may kasamang lalaki? Nagulat lang kami na may naririnig na kaming ibang tinig bukod sa boses ng mga madre.
Ilang araw na din ang nakalipas bago kita makilala ng personal. Galing ka pala sa Exclusive school tulad ko kaya hindi tayo normal.
ALL BOYS kayo samantalang kami ALL GIRLS naman.At dun ka din pala nag aral ng elementarya sa eskwelahang aking pinanggalingan.Hindi nga siguro tayo pinagtagpo ng tadhana noon pero tignan mo pinaglapit naman niya tayo ngayon.
Nabilang tayo sa iisang barkadahan, hindi tayo close sadyang magkaibigan lang. Ilag ako sa lalaki alam kong alam mo yun, pero ang POKNAT sa ulo ko nagpabago sa ikot ng mundo.
Naalala mo ba ng makita mo ang pinakatago tago kong POKNAT? Ang sabi mo sakin "ano yan?" sabay ngisi na.
Nag explain naman ako dahil nasa likod kita.Naisip kong wala din namang solusyon para maitago ko pa siya.
Sunod sunod na asar ang binigay mo sakin at bandang huli naging tawagan pa natin. Ikaw si Pok at ako naman si Nat at yun ang istorya ng tawagang POKNAT.
Hindi nagtagal naging mas close tayo sa dati. Pero di pa din kita type, tulad ng una kong nasabi.
Tanda mo din ba ng bigla mong sinabing break na kayo ng gf mo? At sa bawat kwento mo ay may luhang kaakibat ito? Dun ko nakita na mahal mo nga siguro talaga siya at meron pa palang lalaking handang magmahal ng wagas.
Sa akin ka lumapit para manghingi ng payo, ano naman ang alam ko dyan e baguhan din ako? Pero kahit ganon pa man tinulungan kita bumalik lang siya sa'yo, at ang bawat payo ko ay ginawa mo.
Walang araw na hindi ka nagtext matanong lang kung tama ba ang the moves mo? Kung sa ganong paraan ba ay babalik siya sayo? Hanga ako noon pero sa kabilang banda para kanalang gago. Nagmamahal ka ng babaeng wala ng paki sayo.
Lumipas ang buwan na naging mas close tayo pero lahat siguro may hangganan at nagsawa din ako, paano ko ba sasabihing tigilan mo na siya?
"Move on na Pok!"Ang lagi kong banggit sayo.
Hindi ko na alam ang mga ginawa mo, O kung tumigil ka na ba sa pagsuyo mo. Hindi na rin ako nagrereply sa bawat text mo , dahil alam kong siya at siya nanaman ang ikekwento mo.
"Wala ka bang load?" yan ang bungad mo sa akin.
"Meron" sagot ko naman sa nakakapagtakang tanong mo sakin.
"Bakit hindi ka nagrereply?" nakasimangot na bigkas mo na sobrang diin. Malay ko ba naman na naghihintay ka ng text mula sa akin?
At doon tayo naging tampulan ng tukso nila.
"Dyan nagsimula ang lola at lolo ko" buyo pa nila
Wala naman daw masama dahil single tayong dal'wa. Sino pang hahadlang kung pwede naman na.
Kibit balikat lang ang sagot ko sakanila, tanging ngiti lang din naman ang sukli mo sa tukso nila. Pero hindi tayo nagpaapekto sakanila, wala naman kasing patutunguhan to diba?
Lumipas ang araw na naka move on ka na nga. Bumalik ang saya at dati mong sigla. Pero araw araw ka pa din nagtetext diba? Kahit kaklasi kita nangungumusta ka?
Kasagsagan ng cheerdance competition na sinalihan ko. Hindi ka naman kasali pero never kang absent sa praktis ko. Nakanganga ka pa nga tuwing ihahagis ako sabay hawak sa puso mo na parang nahulog kasabay ko.
Engineering students ang partners namin. Todo bantay naman kayo ng mga kaibigan natin. Pero kapag umuuwi sila ay naiiwan ka pa din? Bakit Pok sabihin mo nga sa akin?
Tinatanong na ako ng mga kaibigan natin. Ano daw ba ang meron at namamagitan sa atin. "Wala" sagot ko sa mapangahas nilang tanong. Wala naman talaga akong dapat aminin diba tsong??
Pero nagtagal pa ang mga araw at walang nagbago.Assuming ba ako o sadyang totoo? Wala ka namang inaamin sa pagtingin mo.Pero bakit espesyal kung tatruhin mo ako?
Umiwas ako sa ng walang dahilan. Siguro natakot ako na baka ika'y magustuhan.Dahil ang hindi kagwapuhan noon sa aking paningin ay siya na ngayong nagpapangiti sa akin
Naalala mo ba ng may manligaw sa aking iba? Umamin na gusto ako at nag effort siya.Dun mo niyaya ang buong barkada, na magpunta sa tambayan dahil may sasabihin ka.
Siguro ay planado na pagpunta palang dun. Dahil parang ako lang ang walang idea sa ganap noon. Nagpaikot ang barkada at nagsimulang magsalita. Ng mga confession nilang matagal ng hindi dinalita.
"Wala akong aaminin" banggit ng ilan, at turn mo na nga pero bakit mukha kang ewan.Kabadong kabado ka at pinagpapawisan. Kaya tinatawanan ka nila ng walang alinlangan.
Ng kinutuban na ako sa maaari mong sabihin, naubos ko ng 3 minuto ang chips kong kinakain. At doon ko na nga nakumpira at umamin sa akin. Na tinamaan ka na nga sa simpleng babaeng may dating.
Ngumiti lang ako sa'yo pero sa totoo ay kinilig ako. Sa hinaba haba ng panahon ay nanggaling din sa'yo. Gusto mo nga ako at handang sumabay pa, sa kaklase nating nanliligaw at mas nauna.
At dito na nga magsisimula ang effort mong walang kapantay. Na parang sa fictional story lang posibleng maisalaysay. Pero sorry sila dahil totoo ka! At Lord eto na ba ang karma sa kabutihang nagawa?
Hanggang dito muna ang aking pag alala.Itutuloy ko na ang iba sa susunod na kabanata.
Love,
Nat
BINABASA MO ANG
Dear Pok,|| Love, Nat
NonfiksiThis is a Non-Fiction book. Real couple,story and events. Isa lang ang gusto kong ma achieve pagkatapos mong mabasa ito. PATULOY KANG MANIWALA SA FOREVER!