TWELVE
Kinabukasan ay naging normal ang araw ko dahil kay Chiv at Arsen na hindi ako nilulubayan at palaging nagpapatawa.
Nasa garden kami ngayon dahil gusto gumawa nina Chiv ng espesyal na araw kaya naman ay naisipan na'ming mamahinga at magusap-usap dito. Bumili sila ng snacks at naupo kami sa ilalim ng malaking puno. Sobra ang hagalpak ko dahil sa kaartehan ni Arsen.
"Alam mo 'yon? Ang hirap maging bakla. 'Yong may papi na sa harap mo pero hindi ka manlang maka-lafang kasi nandyan buong pamilya mo. At saka no'ng birthday ko? Dapat escort 'yon, eh! Hindi muse!" Utas niya na ikina-tawa na'min ni Chiv.
"So, pinagsisisihan mo na kapartner mo si Sel?" Biglang pagseryoso ni Chiv. Ngumuso ako.
"Oo nga!" Pagpatong ko. Napa-kurap si Ars kaya natawa ako at napa-ngisi si Chiv.
"Tss, alam mo, may mga pangyayari talaga na hindi mo man gusto malalaman mo rin sa huli na worth it pala 'yon. Kaya para sa'kin, masaya na ako. Hindi man escort 'yong ka-partner ko pero napalitan naman ng pangalawa sa pinaka-importanteng babae sa buhay ko," Sagot ni Ars at kinindatan ako. Wow, parang sapul ata ako do'n?
"Pangalawa? Pangalawa lang ang kapatid ko para sa'yo?" Ang overprotective talaga ng kapatid ko! Ngumisi si Ars sa'min.
"Oo, may nanay pa kasi ako!" Aniya at tumawa. Natawa rin ako at napa-iling na lang si Chiv habang naka-ngisi. Kumain na lang ako ng cookies dahil favorite ko 'to, eh. "Bakit may cookie monster dito?" Biglang utas ni Arsen. Napa-nguso ako.
"Masarap kaya, gusto mo?" Sagot ko at inalok siya ng cookies. Ngumiwi siya.
"Halos 'yan na ang kinakain mo araw-araw. Ako nagsasawa para sa'yo, eh." Aniya at mas ngumiwi. Natawa naman ako.
"Hindi naman ikaw ang kumakain, ah?" Sambit ko. Kumuha rin ng cookies si Chiv. Syempre, favorite niya rin 'to!
"Haist, grabe kambal talaga kayong dalawa." Ani Ars at tumawa.
"Tss," Tanging komento ni Chiv.
"Triplets kaya, kasama ka, eh." Biro ko at humagalpak.
"Eh? Ayoko nga, hindi ako mahilig sa cookies." Aniya at ngumiwi ulit. Kakatawa talaga 'to.
"Yuck, triplets." Komento ni Chiv na nakapagpa-hagalpak sa'min. Kahit kailan talaga 'tong dalawa. Ayaw ko naman na maging malungkot. Kaya mas masaya kung sila na lang ang kasama ko lagi.
Matapos na'min magbonding ay naglakad na kami pauwi. Naka-kapit ako sa braso nilang dalawa at masaya kaming gume-gewang habang naglalakad... Or not?
"Nahihilo na ako, Sel. Please stop," Reklamo ni Chiv. Tumawa ako.
"Hindi naman nakakahilo, eh." Sagot ko pero tumigil naman. Saktong pagtigil ko ay may tumambad sa harap ko na halos pumigil sa paghinga ko.
"Can we talk?" Sambit niya. Paniguradong ako 'yon marahil ay titig na titig siya sa'kin na para bang punong-puno ng pagsusumamo ang mga mata niya. Bakit? Bago pa ako makasagot ay may nauna na sa'kin.
"No," Utas ng dalawa kong kasama. Napalingon siya sa dalawa.
"Let's go," Seryosong sabi ni Chiv.
"Please lang, Ace." Iritadong sambit ni Ars. Hindi ako makasagot. Hindi ko rin naman alam ang isasagot. Hinila ako ni Ars para makasunod sa kanila. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. I mean, ngayon lang siya lumapit. Umakto kami ng parang walang nangyari, nga lang, hindi na'min siya nakakausap o nakakasalamuha.
BINABASA MO ANG
A Twist in My Story *Completed*
عاطفيةI never thought these things could happen. I am just watching the whole world move while I was standing. Until it struck me. I knew I shouldn't just watch. I knew I just find a way. I knew I should be the one to write my own story and cast my own fa...