Chapter 3: The Black Dove Ascending To Heaven VIII

1.1K 82 0
                                    


REMINDER LANG! LAST CHAPTER NA ANG 3 SA BOOK 1 NG BEAST MODE: ON!!!

CONGRATULATIONS TO ME HAHAHAHA. BASTA THIS MONTH MATATAPOS ANG BOOK 1.



XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX


<You can assign Jenny Crowe to learn either the sub skill "Weapon Forging" or "Armor Forging".>


Ibinigay ko kay Jenny Crowe ang sub skill na Weapon Forging at sa isang lalaki naman na ang pangalan ay Darwin ko ibinigay ang Armor Forging.

Nagprisinta ito na maging blacksmith at tulungan si Jenny sa pagmamanage nito.

Kagaya ng blacksmith shop ay may notification din na sub skill na ibinbigay sa mga magmamanage ng mga lugar dito such as Farming Skill, Potioneering, Merchant Skill, Weaving Skill at kung ano-ano pang mga sub skill.

Hanggang sa ma-occupy na lahat ng mga kailangang i-occupy bukod sa barracks. Ang mga tower naman such as defense, offese and magic tower ay mga automated buildings. Hindi na kailangan ng magmamanage.

Binilang ko lahat-lahat ng natira. Eksaktong sixty-eight lahat ng natira.

Pumunta kami sa barracks at kinausap ko sila sa Military Base kung saan ay mayroong malaking meeting room na kayang maglaman ng mahigit five hundred na katao.

Sa gitna nito ay mayroong malaking lamesa na kulay ginto na inukitan ng sigil ng Crowe Clan.

"Hahatiin ko kayo sa tatlong grupo." Sinabi ko ito habang mabilis na tinititigan ang kanilang mga mata.

Makikita mo dito ang determinasyon at kaba.

"Una, The Specters na pamumunuan ni Lily!"

"Ang grupong ito ang magbabantay at magpapanatili ng katahimikan sa loob ng floating island."

"Lily, pumunta ka sa kanan ko. Lahat ng gustong sumama kay Lily sumunod lang sa kanya! Ang grupong ito ay magkakaroon lamang ng twenty-two na members!"

Tinitigan ko si Lily, halatang halata sa kanya ang pagkalito. Hindi niya alam kung anong gagawin kaya sinabi ko na ang instruction sa lahat. Tumayo ito sa kaliwa ko ngunit walang sumunod sa kanya.

Mukhang gusto muna nilang malaman ang dalawa pang grupo.

Tumango ako kay Lily na nakatungo't akala ay walang may gustong sumama sa kanya!

"Pangalawa, The Wicked Squad. Hindi katulad ng The Specters na nasa loob ng floating island ang operations, ang The Wicked Squad ang nakatalaga sa paghanap at pagpasok sa mga dungeons."

"Mas delikado ang trabaho ng grupong ito. Maari kayong mamatay agad kapag nagpabaya kayo! Mavis! Ikaw ang mamumuno dito! Pumunta ka sa kanan ko. Twenty-three lamang ang maari mong isama sa grupong ito."

"Pangatlo."

"Ang pinakamahalaga at pinakadelikado sa lahat!"

"Ito'y naiiba sa dalawang nauna. Tatawagin ko itong..."

"Necrosis Infectation!"

"Ako ang mamumuno dito. Ang twenty- three na makakasali lamang dito ay ang mga may skill na barang!"

"Sa lahat ng may skill na barang na hindi takot mamatay kahit ngayon ay sumunod sa akin."

"Mavis!" tumingin ito sa akin na may seryosong mukha.

"Maghanap ka pa ng iba pang portal! Ngayon ninyo sisimulan ang operations ng mga grupo ninyo! Dalhin mo itong tatlo na Territorial Mark! Ilagay mo yan sa baba na pumapalibot sa floating island!"

"Lahat ng nasa baba na makikita ko ay dapat maging teritoryo natin!"

"Maaring maging maawain ako sa pamilya ko pero magiging dimonyo ako sa mata ng mga ibang tao."

Naglakad ako palayo papasok sa madilim na gubat. Palayo sa lahat.


Xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx


Sa pinakamadilim na bahagi ng gubat kung saan dikit-dikit na ang mga puno, may makikita kang isang grupo ng mga tao na nakaupo ng lotus position sa harap ng isang lalaki na may puting buhok.

"Hindi squad o ordinaryong grupo ang sinalihan ninyo. Simula ngayon ay magiging mga mamamatay tao na kayo. Literal."

"Magbubuo ako ng magiging pinakakinakatakutan na organisasyon sa buong planeta."

"Ang Necrosis Infectation."

Tahimik ang mga itong nakikinig sa akin. Sersyosong seryoso ang mga mukha ng mga ito. Kita mo ang kaba sa kanilang pawisang noo at pisngi.

"Alam niyo naman kung gaano effective ang skill na barang sa tao. Hindi ba?"

"Simula ngayon ay itatatag ko na ang organisasyon ng mga assassins na tatawagin kong Lunatic Sinners pero ang pagkakaalam ng lahat ng mga kasama natin ay Necrosis Infectation ang grupo natin."

"Wala kayong pagsasabihan na kahit sino kahit ka-clan natin kung anong operations ang ginagawa natin."

"Buburahin natin lahat ng bagay o tao na makakaalam na konektado tayo sa clan natin."

"Magiging misteryoso tayo sa labas."

"Simula ngayon hanggang sa isang buwan ay magtetraining tayo!"

.

.

.

.

"Sa Madagascar! Papatayin natin lahat ng tao, zombie o kung ano mang mga demonyo ang naroroon!"

"Either we kill or be killed!"


[Ding! World Announcement

The Royal Clan Of the West, The One Who Forced Its Way To Heaven, The Exterminator of Evils.

The House of the Taylor!

The Taylor Clan will receive:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

The Taylor Clan will receive:

+ 1 Floating Island (10 Hectares)
+ 1 Town Hall |Level 1|
+ 1 Clan Vault
+ 2 Portal Gates ]


O_O!!!!!!!!!


"FUCK!"

Beast Mode: OnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon