Missing Piece (OS)

262 25 10
                                    

Missing Piece

To my best friend I've lost...

Hey best friend! Kamusta na? Kailan nga ulit tayo huling nagkausap? Six months? One year? Two years? Sa sobrang tagal hindi ko na matandaan kung kailan. Nakakalungkot lang. Hindi naman tayo ganito dati 'di ba?

Parang kailan lang sobrang close pa natin sa isa't isa. Parati tayong magkatabi sa klase noon at wala rin tayong oras na pinalampas na hindi tayo nag-uusap.

Naaalala mo pa ba 'yong pinagalitan tayo ni ma'am K dahil hindi tayo nakikinig sa lesson niya? E 'yung mga panahon na de-toka tayo sa mga gawain. Ikaw sa pagsusulat ng mga notes habang ako naman sa mga assignments. Tapos kapag may quiz, nasa akin ang papel nating dalawa kapag alam ko, pero kapag hindi na, napupunta sa 'yo. Ang nakakatuwa doon kahit kailan ay hindi tayo nahuli ng mga teachers natin. Sa project naman, ikaw ang mag-uumpisa at ako naman ang tatapos.

Partners in crime tayo no'ng elementary hanggang high school.

Best buddy kita, alam mo 'yan.

Walang galaan na hindi tayo magkasama dalawa. At halos lahat ng gala natin, magkaparehas tayo ng damit.

Madalas ka ring pumunta rito sa bahay namin. Tumatambay, nakikikain, nakikipagkulitan at ganun din naman ako sa inyo. Sobrang welcome ka rito sa bahay namin. Mas close nga ata kayo ng mama ko kaysa sa 'min. Minsan pa nga kapag ginabi tayong matapos sa kakagawa ng assignments (na dapat ay pang-isa o dalawang oras lang pero dahil sa pagkwekwentuhan natin ay inaabot na tayo ng siyam-siyam) ay nakikitulog ka na sa amin.

We're like siblings back then. So much that we're too comfortable to share our secrets to each one. We used to know each other so well, right?

Pero bakit ganun? Anong nangyari? Bakit tila hindi na tayo magkakilala? Na para bang biglang naglaho ang walong taon nating pagkakaibigan.

Sinubukan kong alalahin kung bakit tayo nagkaganito. Sa totoo lang araw araw iyong bumabalik sa 'kin na para bang kamakailan lang nangyari. Araw araw akong humihinto't bumabalik sa lugar kung saan naglaho bigla ang pagkakaibigan natin.

Ang nakakalungkot lang, sa bawat paglinggon ko't pagbalik ay siya namang hakbang mo ng dalawa pasulong. Ni luminggon ay hindi mo ginawa. Bakit ba? Ano bang nagawa kong mali?

Ah, oo nga pala. Napaka-clingy ko kasi sa' yo kaya madalas kang naiirita sa 'kin. Idagdag mo pa ang pagiging selosa ko sa lahat ng nagiging kaibigan mo.

Lagi mong sinasabi na ako ang best among best friend mo. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano. Hindi ba dapat kapag mong bestfriend ang isang tao nag-iisa lang siya. Kaya nga "best" e, kasi siya ang pinaka-dabest sa lahat.

Ano nga ba ulit katwiran mo noon? Ah, tama. Ang sabi mo best true friend mo ako. Maniniwala na sana ako kung hindi ko lang narinig na sinabihan mo rin ang isa mong kaibigan na best true friend mo siya.

Hindi ba pwedeng ako lang? Sinusubukan ko namang maging mabuting best true friend mo, pero kulang pa rin ba 'yon?

Madalas tayong nagkakatampuhan sa isa't isa. Nagsawa ako't pinili kong lumayo pansamantala, umaasang susuyuin mo't agad tayong magkakasundo ngunit hindi iyon nangyari.

Sinubukan kitang lapitan pero sa tuwing nilalapitan kita, lumalayo ka.

Ang isang araw nating hindi pagpapansinan at pag-uusap ay naging isang linggo, ang linggo naging buwan, ang buwan naging taon.

Kaya nga ganun na lamang ang tuwa ko nang minsan tayong nagka-chat. Alam mo bang bago ako matulog ay paulit-ulit ko iyong binabasa? Halos makabisado ko na nga sa totoo lang. Palagi ko rin binibisita ang fb account mo. Nakita kong may mga bago ka ng kaibigan. Masaya ako para sa 'yo. Hindi na ako nagtataka kung paano ka agad nagkaroon ng mga kaibigan at bagong bestfriend. Friendly ka simula pa lang noon. Samantalang ako dati nakaupo mag-isa sa dulo, nakasalpak ang earphone at kontento na sa pagbabasa ng libro.

Naalala mo pa ba 'yong mga panahon na sinungitan kita nang unang lumapit ka sa 'kin? Sana naaalala mo pa. Isa iyon sa araw na hindi ko makakalimutan dahil 'yon ang sanhi kung paano tayo naging magkaibigan.

Up until now I am always thinking about what ifs. Paano kung hindi ako lumayo noon, magkaibigan pa rin kaya tayo hanggang ngayon? Paano kung patuloy kitang kinulit noon, magkakaayos kaya tayo?

Kung kakamustahin mo ako, ayos lang ako. Naging masaya naman ako kahit paano... 'Yon nga lang, palaging may kulang. Katulad mo, mayroon na rin akong bagong mga kaibigan. Ang kaibahan nga lang hindi na ako nagkaroon ng bagong bestfriend. Ewan ko. Siguro kasi nag-iisa ka lang sa puso ko.

And now I realize that no matter how many friends and happy memories I have there's still missing. What was that? It's you. You, the major missing piece in a puzzle named I.

'Wag mo sanang isipin na sinisisi kita sa mga nangyari. 'Wag mo rin sanang isipin na pinagsisisihan ko na naging kaibigan kita. Sa katunayan nga, natutuwa ako na naging bahagi ka ng nakaraan ko. Marami akong natutuhan sa 'yo, sana ganun ka rin sa 'kin.

Thank you for spending your precious time to read this. I wish you'll always be happy together with your new friends and new best true friends. And I hope someday we will meet again, my missing piece. Love lots.

-From the best friend you've lost

Missing Piece (OS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon