Dear Daddy,I hate You.Nakakainis na ang buhay na ganito .Dalawa na lang kami ni daddy ko lagi pa siyang wala sa bahay! lagi nalng sa trabaho inaatupag niya pero di naman nya binibinigay lahat ng mga gusto ko ! tapos yung fact na diko pa siya maintindihan because he's so damn mute!!! lagi nalng siyang ngsi-sign language sa akin na hindi ko naman maintindihan kung ano ang meaning ! i hate him ! i really really hate him
12 midnight na . i heard knock on the door pero di ko pinansin . alm ko naman si daddy lang yan, Kauuwi from work . Dahil siguro napagod na siya kakakatok , Pumasok na siya sa room ko at ginising akom
"Ano yun?!"sigaw ko sa kanya
Nginitian lang niya ako and nagsigh language siya sa akin na alam naman niya sa sarili niya hindi ko naman maintindihan . nagtaklob na lang ako ng kumot at antok na antok ako. wala akong balak na intindihin ang mga sinasabi nya .Naramdaman ko naman na hinalikan nya ako sa noo ko at lumabas na ng kwarto ko.
Gabi gabi ganun yun. Gisisingin ako ng madaling araw para lang sa mag sign languageng kung ano na hindi ko maintindihan ang meaning , hahalikan ako sa noo at lalabas na. Ang ewan
ang eh. tsaka di ba nya alam na maaga ang pasok ko kinabukasan!? Gigisingin lang niya ako para sa isang walang ka-kwenta kwentang bagay!? WALANG PAKUNDANGAN NA AMA .Kada umaga , Lagi ko siyangn nadatnan sa hapag-Kainanna umiinom ng kape habang may sinusulat sa notebook nya na kung ano. Nagsign siya sa akin na umupo ako sa tapat niya at ready na kumain. Tiningnan ko yung almusal , instant noodles na naman. Mapupurga na ako dito sa lintek na noodles na to e!.
"wala na ba ibang pagkain?tanong ko sa kanya
nag sign language siya at hindi ko maintindihan.Iniripan ko nalang "Nevermind . Sa school nalang ako kakain"tumayo ako at iniwan si daddy . Nakakaasar , wala na nga ako mAtinong ama,wala pa akong matinong pagkain.
Pagpasok ko sa school,nakita ko mga kaklase ko na kanya kanyang may hawak na mga gadgets nila. Yung iba mamahalin na cellphone , yung iba naman mga PSP,IPAD at kung ano ano pa. samantalang ako isang pipitsuging cp lang ang meron ako. Wala pa tong camera.Nasa magandang school ako.Pero hindi ko naman sila kalevel.Mayayaman sila,ako mahirap lang.Kung pwede nga lang mag pa-ampon nalng sa ibang magulang eh .Ayoko na ng ganitong buhay.
Kinabukasan nun sinubikan kong humiling ky daddy . Siguro naman pagbibigyan nya ako.Inaabot siya hanggang alas dose ng madaling araw bg trabaho kaya panigurado may pers sya.
"daddy,pwede mo ba ako ibili ng laptop?kailangan ko na kasi ng computer ey para sa mga projects ko sa school.Ang hirap ng nagrerecent pa ko sa labas"tanong ko sa kanya habang busy sa pagsusulat doon sa notebook nya .
pumunit sya ng papel doon at tsaka sinulatan attsaka ito pinabasa saakin
"sorry anak , wala pang pera si daddy eh"
"eh inaabot kayo ng gabi sa trabaho tapos walang pera!? sino niloloko nyo!? hmpf siguro nambabae ka lang eh! madalas ka ng wala sa dto sa bahay tapos di mo ako pagbibigyan!? WALANG KWENTANG AMA"tumayo ako at tumakbo palabas ng bahay habang umiiyak.
Nakakainis !! bat ba ako nagkaroon ng magulang na hindi kayang ibigay ang gusto ko!? bat sa dinami dami ng tatay ko yun pang wlang silbi at pipe!? galit ba sa akin ang dyos!? bat di nalang ako pinanganak ng mayaman katulad ng mga kaklase ko!?