HELLO & GOODBYE

83 0 0
  • Dedicated kay Novie Lyn Torres Rodriguez
                                    

   Ang simula ng pagkakaibigan ay yung bagay na alam mo na pareho kayo ng mga gusto sa buhay. Yung tipong nagkakaintindihan kayo kahit sa mata lang, mga senyasan na kayo lang ang nagkakaintindihan at higit sa lahat yung mga sikreto na kayo lang ang nakakaalam. May mga pagkakataong sa sobrang saya nyo ndi nyo na namamalayang kayo na lang ang tao sa mundo. Higit pa sa kaibigan ang turing mo kundi isang " kapatid "  na hindi na iba sayo. Gaano man kabigat ang mga problema lahat yon gumagaan kapag alam mong andyan lang siya karamay mo. Laging masaya kahit na maraming problema. Magkasama kayo sa lahat ng laban, walang iwanan kahit saang man bakbakan. Pero minsan dumadating ang pagkakataon na kahit kilala nyo na ang isa't isa hindi pa rin kayo nagkakaintindihan. Sa isang banda maiisip mo na gusto mo ng bumitaw at kalimutan ang magandang pinagsamahan. May magaganda at pangit na bagay sa buhay nyo sabay nyong napagdaanan, masaya at malulungkot na pagkakataon.. pareho nyo iyong iniiyakan at tinawanan. Mahirap mawalan ng kaibigan lalo na kung hindi mo sya tinuring na iba sa buhay mo, nakasama mo sya sa bawat hamon sa buhay. Nakiiyak sa mga madrama mong kwento at tumawa sa masasayang karanasan sa buhay mo. Ang salamin ay parang isang pagkakaibigan na may magandang pinagsamahan. Ang salamin kapag nabasag mahirap ng buoin at hindi na maaring gamitin. Sa buhay ng tao ang isang kabiguan ay isang pundasyon ng magandang buhay,at ang bawat kabiguan na iyon ay maaring mong magamit sa hinaharap. 

   KAIBIGAN KITA.. salitang masarap pakinggan. Kung wala kang kaibigan ano ka? Kung wala kang karamay.. paano na? Sinong magiging sandigan mo sa lahat ng problema? Kung minsan sa mga simpleng bagay nagsisimula ang tampuhan, away, selos at GALIT. It's easy to forgive an ENEMY than to forgive a FRIEND? Palagay mo? Anong pipillin mo? Itatapon mo na lang ba lahat ng magaganda nyong alaala? 

Sa isang banda maiisip mo sya na ang sumusuko. Nararamdaman mo yon at nakikita, kaya masakit na isipin na sa bawat segundo, minuto, oras at araw unti unti na kayong nagkakalayo. Sa lahat ng naitulong at naibahagi mo sa buhay ko, SALAMAT. Hindi kita makakalimutan.. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 25, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HELLO & GOODBYETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon