Irish's Point of View
Napamura ako sa sakit ng mga paa ko at mga sugat sa dalawa kong braso. Nahulog kaming dalawa ni Prince dito sa bangin at mabuti naman ay nakuha na yung posas sa mga kamay namin.
Ang laki pa man ng sugat ni Prince. Basta ang laki at namamaga pa yung mga paa niya at sa tuhod. Pero umakyat parin siya at sabi niya hihingi siya ng tulong.
Malamang nag-alala ako kay Prince. Ako pa man ang may kasalanan. Ako kasi yung tumakbo habang sinusundan ko yung paru-paru. Sumunod naman siya sa akin at nahulog kami sa isang patibong.
Hindi pa rin ako makakatayo. Salamat sa dyos at nakaakyat pa rin si Prince papunta sa itaas. Nag-alala pa rin ako sa kanya. Ang laki ng sugat niya, maraming dugo.
Papilit akong tumayo at sumandal sa lupa sa kiliran ko. Napapikit nalang ako sa mga mata ko dahil nanghihina yung mga paa ko. Parang ilang minuto nalang babagsak nalang ako.
Umupo ako pabalik at hinihilot yung mga paa ko. Hindi 'to makaya ng hilot. Nakakainis. Bakit pa kasi ako tumakbo? Nadamay ko pa si Prince. Iyinuko ko nalang yung ulo ko dahil sa guilty na nararamdaman ko.
What the freaking F? Bakit ba ang napakaclumsy mo ah? Bakit dinamay mo pa si Prince?! Kaylaki pa man ng sugat niya. Paano na 'to? Kasalanan ko pa man iyun.
Nakaramdam ako ng gutom at pananakit ng tyan. Gutom na ako. Hindi ko na kaya. Pero kailangan ko 'tong tiisin. Ginawa mo 'to, paninindigan mo ang ginawa mo.
Sinandal ko yung ulo ko sa lupa na nasa kiliran ko at nagdasal na sana may dadating na ililigtas ako. Iniyuko ko yung ulo ko habang hinihilot-hilot yung mga paa ko para mawala yung manhid ng aking mga paa.
"IIIIIIIIIIIIIRIIIIIIIIIIIIIIIIIIISSHHHHHHHH!",
Halos lumabas yung puso ko sa dibdib ko dahil sa lakas ng sigaw. Tumingin ako sa itaas at nanlaki yung mga mata ko sa nakita ng aking mga mata.
"K-Kurt?"
Once again, I am saved by Kurt. Nakita ko si Kurt grabeng humingal at halatang-halata na galing pa siyang tumakbo. Basang-basa yung ulo niya dahil sa kanyang mga pawis. Nakita ko din yung tumutulo na mga pawis sa kanyang mukha.
Nag-alala yung expresyon ng kanyang mukha na nakatingin sa akin. Mapait akong ngumiti sa kanya. Bakit palagi nalang na siya yung magliligtas sa akin.
"Kaya mo bang tumayo?!", sigaw niya galing sa ibabaw. Tumango naman ako at tinikod yung mga kamay ko sa lupa.
"Probably", sabi ko at nanghihina na tumayo. Ang sakit ng mga paa ko pero kailangan kong tumayo para makalabas na ako sa patibong na 'to.
He extended his hand. Agad ko namang inabot iyun kahit merong manhid yung mga siko ko at kamay ko. He pulled me up at pilit naman akong umakyat gamit yung supporta niya.
BINABASA MO ANG
My Fangirl: My Maid
Novela Juvenil(Kurt Phillip Espiritu Fanfiction) Irish Brillantes ay isang fangirl ni Kurt Phillip Espiritu na nag-apply bilang isang maid. Hindi man alam ni Irish kung sino ang babantayan niya. But who knows? It's her number one bias. Naging magulo yung buhay ni...