Confession ng isang "dating" BEKI
Edrian's POV
Ako si Edrian sa umaga
.."Dianna" naman sa gabi. Isa akong bakla, oo, bading, homo, becky, badab, bayot. (noon)Nagkaroon ako ng bestfriend, si Faith. Highschool kami nung una kaming nagkakilala. Binubully ako noon ng mga kaklase naming lalake. Syempre alam nyo naman pag beki? Laging jinojombag at kinakawawa. Agaw eksena ang bestfriend ko non. "Sige sapak lang ng sapak kay Edrian. Nakalista nanaman ang pangalan nyo eh. Naipasa ko narin sa principal's office. Sige lang."
Tinigilan ang pangbubully sakin noon. "Uy girl thank you ha?" - "Okay lang yun bakla basta ikaw" - "Bestfriend na tayo ha?" - "Osige"
Simula nung naging bestfriend ko siya wala nang umulit na nangbully sakin kasi mama nya teacher. Takot sa kanya ang mga kaklase namin. Masaya kami palagi kapag magkasama. Minimake upan ko siya, iniipitan, tinuturuan ng kung anu-anong ka baklaan. Basta puro tawanan lang kami palagi.
Dumating yung time na may nakilala akong guy sa school na naging crush na crush ko. Pero si bestfriend palagi akong kinokontra. "Ano ka ba? Peperahan ka lang nyan!" - hindi ako nakinig sa kanya hanggang sa dumating na yung point na naging totoo nga yung sinabi nya. Pinerahan lang ako. Iyak ako ng iyak noon. "Sabi ko na sayo eh! Di ka kasi marunong makinig!"
Heartbreaks, happiness, sadness days kasama ko siya. Lahat ng problems ko sinasabi ko sa kanya at ganon din siya saken.
Pero nagbago lahat ng yun ng nag college kami. We decided na dito sa UST mag-aral nakapasa kami pareho at pareho din kami ng course. Naging magka blockmate din kami. Everyday kasama ko siya. Everyday nakikita ko ang pag mumukha nya. Nakakasawa nga minsan pero wala naman akong magagawa. Haha.
Then na inlove na naman ako sa isang blockmate namin na lalake. Una palang sinabihan na agad ako ng bestfriend ko na "Peperahan ka lang nyan! Makinig ka saken" pero di ko na naman siya sinunod. Nagalit pa ako sa kanya "Panong hindi ako mamalasin sa lalake eh panay ang kontra mo?! Siguro nga ikaw ang malas sa buhay ko eh!"
Naging makasarili ako. Nasirang bigla ang pagkakaibigan namin para lang sa lalakeng gusto ko. In the end tama na naman siya. Pinerahan, at di lang yun. Sinaktan din ako ng pisikal.
Nakipag bati ako sa kanya noon. "Oh anong sinabi ko sayo? Eh ikaw naman kasi hanap ka pa ng hanap eh mahal naman kita!"- Umiiyak ako non pero bigla akong natawa. "Shuta ka ba? Di ako pumapatola sa kauri! Kaderder ka girl!".. nag tawanan kami at nagkabati.
Biglang dumating yung araw na pag pasok ko.. Sinalubong nya ako sa pinto pa lang ng classroom.
Nakikita ko siyang papalapit sakin. Parang tumigil ung mundo. Parang may mga nagkakantahan sa paligid ko. Para bang may electric fan na nakatapat sa mukha nya. Shet! Ang GANDA GANDA nya. Parang bumilis yung tibok ng puso ko. Kinilabutan ako. Shit! Naiinlove na ata ako. Natulala ako noon sa ganda niya. Niyakap nya ako, at mas niyakap ko siya ng mahigpit..
Natauhan ako nung nag salita siya. "Uy best! Anong ginagawa mo? Aray best ang higpit ng yakap mo."
(nagulat ako sa mga pangyayaring yon)
Pakiramdam ko nag bago bigla ang identity ko. Pakiramdam ko parang di na ako yung dating paolo.
Madalas ko nang tinitignan si Faith. Na aappreciate ko na ang kagandahan niya. Dumating ung point na, masasabi ko sa sarili ko na may gusto ako sa bestfriend ko. Di ako makatulog gabi gabi kaka isip sa kaniya. Yung pakiramdam ko kapag nagkagusto ako sa lalake, bigla kong naramdaman sa kanya.
Isang linggo akong di pumasok sa klase para mag kulong sa kwarto ko at isipin kung ano bang nangyayare sakin. Gumising ako ng isang umaga na itinapon ko ang lahat ng mga pambabae kong damit, make up, mga ipit, mga bagay na nagpapaalala na bakla ako. Sinunog ko ang lahat ng yun kasama ang bakas ng pagiging bakla ko.
Hindi ko alam kung anong nangyare saken basta ang alam ko, lalake ako.
Sinabi ko kay angel ang lahat ng pagbabagong nangyare sakin at hindi ko na rin sinayang ang pag kakataon. Nag tapat ako kay Faith ng nararamdaman ko para sa kaniya.
"Faith mahal na ata kita."
- "Ha? Seryoso ka ba diyan?"
"Oo, di ko rin alam kung paano eh. Willing akong manligaw sayo."
- "Wag na. Di mo na kailangan. Mahal na kita noon pa lang."
At yan ang mga naging pagbabago sa buhay ko hindi lang sa gender identity ko, pati narin sa nararamdaman ko sa bestfriend ko.
Kami parin hanggang ngayon at papatunayan kong magiging kami hanggang sa huli. 💑👪
************************************
Hello po! This is my first one-shot story kaya I hope you will support this too. Hehehe.
BINABASA MO ANG
Confession ng isang "dating" Beki
Short StoryOne-Shot Story. A/N: Hello Readers! This is my first one-shot story. I hope you will like this. WARNING: PLAGIARISM IS A CRIME