Do you know this girl?
bypinkviolet28
Prologue
This is an ordinary story about a nerd gal and a hot guy. Will their story be a story or will it remain a simple creation of imagination? Paano nga ba magugustuhan ng isang sikat na lalaki ang isang babaing itinuturing na walking book? F this nerd girl turns into a beautiful one, will there be a happy story for them?
Chapter 1
<Her point of view>
"Ano ba?!" malakas na dumagundong sa loob ng library ang tinig ng nakabunggo ko.
Mahinang "sori" ang nasambit ko at nakatungong nagtungo na sa book shelves kung saan naroroon ang librong kailangan ko.
"Stupid" narinig ko pang sabi ng babae. Hindi ko na lang inintindi maging ang mga bulong-bulungan ng iba pang mga naroroon noong oras na un. Alam ko kung ano-anong di magagandang salita ang sinasabi nila patungkol sa akin.
As if I care. Wala ng bisa sa akin ang mga ganoong salita. Mag-aapat na taon na ako sa hayskul na 'to. Sa tagal nun, di pa ba ako sanay?
"Haist!"
Bigla akong napabaling sa kanan ko. Nakita kong nakasalampak sa sahig ang isang lalaki. Halatang inis na inis siya sa librong hawak niya. Of course, kilala ko siya. Lahat naman ng high students sa school namin kilala siya.
Napatingin siya sa akin. Siguro naramdaman niyang may nakatingin sa kanya. Alanganin ko siyang nginitian. And as usual, he just ignored me. The hell!
Well, I can't blame him. Sino nga bang matinong lalaki ang makikipagpalitan ng smile sa kagaya ko? Duuh?! Asa!
Okay.. First things first… Sino nga ba ako?
I’m Maria Isabelle Theresa Dimaunahan. Yes, Dimaunahan ang last name ko. Kung sa tingin ninyo ay lousy ang family name ko, ganun din ang tingin ko.hehe. Peace sign kay Papa. Nag-iisa akong anak. Wala na si Mama, bata pa lang ako. Medyo na-sad ako pagkaalala sa kanya.=( Hmm.
Going back. My friends call me Belle. Ahm.. Friend lang pala kasi nag-iisa lang ang friend ko sa iskul. Napaka-friendly ko ano?hehe. Kidding aside. Kahit siguro gusto kong makipag-friends sa ibang students, they wouldn’t let me. Who would want to be friend with someone like me?
Freak. Outcast. Dork. Nerd. These are my descriptions. I’m just simply different from other teenagers. I have a lousy appearance too. Long hair na laging halos nakatakip sa face ko, books na laging kipkip ko, out of this world clothes and thick eye glasses. Oh don’t forget my braces with color violet rubber. And yes, I understand if you don’t like me either.
Naramdaman ko ang pagdaan ng lalaki sa likuran ko. Kent Lawrence Garcia. Kent para sa mga kaibigan at kabarkada niya including those girls who swoon for him but for me he’s Renz. You’re right! He’s my ultimate crush since elementary. We’re classmates since prep but I don’t know if he knows that. Malapit lang din ang house nila sa house namin.
Lumapit ako sa pinanggalingan ni Renz. Napangiti ako nang tingnan ko ang librong hawak niya kanina. Trigo. At naintindihan ko kung ganun na lang ang inis niya kanina. Kahit kelan, Math is Renz’ weakness.
Guwapo si Renz. Malaki ang katawan kumpara sa mga ka-age namin pero di siya mataba. Maybe he’s working out. Uso na rin naman ang ganun sa mga high schooler. Charming siya kaya di ko masisisi ang mga babae who go gaga over him. Kitang-kita naman ang charm niya sa babae kahit saan siya pumunta.
He’s an athlete too. But he’s not into basketball, nor volleyball, not even football. He’s into taekwondo. Na mas nagdagdag g appeal niya sa mga babae. Un bang mga babaing feeling damsel in distress sila and Renz will rescue them by kicking down those bad goons. Uh huh!
Anyways, ganun si Renz. Okay naman siya sa lahat maliban sa Math.hehe. And did I tell you that he’s friendly, too friendly for that matter. Pero sa mga magaganda lang at exemption ang mga katulad ko.
With those Renz’ descriptions, changing girlfriends every now and then is a normal thing. Normal na ring may mga abaing nag-aaway dahi lsa kanya. Haist!
Chapter 2
<Kent Lawrence POV>
Sh_t! Wala akong maintindihan sa mga formulas at numbers na nasa libro.
“Haist!” Inis kong ibinaliks a book shelf ang librong hawak ko. Naramdaman kong napatingin ang estudyanteng malapit sa akin. Tumingin din ako sa kanya. Sumalubong sa paningin ko ang alanganing ngiti mula sa pinaka-nerd na kaklase ko. Halos di na makita ang mukha niya dahil sa buhok na tumatabing dito. Blangko ang ekspresyon na binawi ko ang aking paningin. Parang wala lang.
Lumabas ako ng library na inis na inis pa rin. Nasa hallway na ako nang makasalubong ko si Mishi, my latest girlfriend. Bigla itong yumakap sa akin as if ang tagal naming di nagkita. Hinawakan ko siya sa pisngi at hinalikan sa labi. Smack lang pero hinila niya ang ulo ko at hinalikan nang matagal. Ito ang gusto ko sa babaing ito. Nag-eenjoy ako.hehe.Buti na lang walang teacher na nakakita sa amin kundi siguradong guidance center ang bagsak naming dalawa.
Sabay na kaming naglakad patungo a school canteen para mag-lunch. Malapit na kaming matapos nang mapansin kong paparating si nerd at dadaans a table namin. Dala-dala niya ang lunch niya. Tiningnan ko siya habang aglalakad. Nakikita pa ba nito ang dinadaanan niya? Natatakpan na halos ang buong mukha niya ng buhok. Haist! Nakakairitang tingnan! Ibinaling ko na kay Mishi ang mga mata ko nang…
What the hell! Si Mishi un matapos matapunan ng dala-dala ni nerd. Nagtawanan ang mga estudyanteng nakaupo sa dinaanang table ni nerd. Nag-apiran pa ang iba.Haist! Mga walang magawa.Pinagtripan na namang tinisod si Nerd. Ayun, nag flying saucer ang dala nitong lunch kay Mishi na katabi ko. And knowing Mishi, tsk, tsk, tsk.
“You’re so stupid! Look what you’ve done. Eeew!” Nilapitan ni Mishi si Nerd at dinuro-duro. “Kahit kailan tatanga-tanga ka! Naturingan kang matalino pero ang tanga-tanga mo!” sigaw ni Mishi sabay tulak kay Nerd. Nerd fell on the floor and I saw her winced. Lalapitan pa sana siya ni Mishi pero inawat ko na.
“Nadz, pakisamahan naman si Mishi sa washroom oh,” sabi ko sa barkada ni Mishi na kasama namin sa table.
Nang makaalis na ang dalawa, nakita kong pilit tumatayo si Nerd. I hold her in the arm and help her get up. Yukong-yuko siya sa pagkakapahiya. Mahinang sori at salamat ang sinabi niya at umalis na. Poor nerd! Wala man lang gustong tumulong sa kanya.