Batok

459 14 3
                                    

Pagod na pagod akong naka-upo sa canteen ng school namin. Kakatapos lang kasi naming i-rampa yung casual wear namin para sa pageant. Maya-maya ay lumapit sakin ang partner ko para ayain akong mag-practice ng isasayaw namin sa Talent Portion mamaya. Tumango ako pero hindi agad ako sumunod kasi tinatamad pa ako.

Nag-CR muna siya at pag-labas niya sumunod nako saka ay naghanap na kami ng classroom na pagpa-praticesan. Pumunta kami sa room ng Nursery kasi aircon daw dun XD pero hindi kami pinapasok kasi may nagp-practice din na ibang level. Kaya dun nalang kami sa classroom ng Kinder. Na-dismaya ako pag-pasok ko, "Akala ko ba aircon dito?!" tanong ko. "Akala ko din eh! hahaha!" sagot naman niya. Agad nagsipasok yung mga classmates kong nakabundot sa aming dalawa at tumapat sa isang stand fan dahil mainit. Tinawag ni Macy, bestfriend ko, yung adviser namin dahil wala kaming tugtog nung isasayaw namin...

Maya-maya dumating na si Ms. Marie habang dala dala yung cellphone niya. Ang iingay ng mga classmate namin, nakakabwisit. "Okay! Mag ppractice na sila Jill! Walang maingay dahil mahina lang tong cellphone ko!" sabay patugtog sa isasayaw namin. Tahimik naman lahat ng classmate namin ng mga oras na'yon at sinayaw na ni Jack, partner ko, ang part niya. Siya kasi ang unang sasayaw. Pagkatapos ng part niya ay agad akong sumayaw... hindi ako nakaka-sabay sa beat ng sinasayaw ko dahil hindi ko marinig yung tugtog. Tahimik lahat ng classmate ko, walang nag-sasalita pero parang may kung ano akong naririnig. Hindi ko malaman kung ano yun. Sigaw? Bulong? Tawanan? Hindi ko talaga alam! Tahimik naman silang lahat! Pinagalitan tuloy ako ni Ms Marie dahil ilang araw na daw naming pinapractice yun. "Maam hindi ko po kasi marinig eh" sabi ko. "Oh sya, malakas naman yung sounds sa stage eh, kaya mo na yan dba?" tanong niya. "Opo naman, ako pa xD" sagot ko sa kanya.

Lumabas na si Ms. Marie dahil aasikasuhin pa nila ang pageant, naiwan kami ng mga classmate ko sa classroom na iyon. Lumabas si Jack para magpahangin, ang iba ay nakatapat padin sa stand fan, ang magsiyota ay nag-so-solo sa bandang bintana at si Dem naman ay nagte-teacher-teacheran dun sa table. Tatapat din sana ako sa stand fan kaso hindi na kaya dahil ang dami na nilang nakatapat dun, binuksan ko nalang yung ceiling fan at sinundan ang pag-ikot nito. Nakaramdam ako ng pagkahilo kaya umupo nalang ako habang nakatingala sa ceiling fan. Pawis na pawis ako kaya pinunasan ko ang sarili ko ng panyo at iniwan ko itong nakalapag sa ulo ko. Maya maya ay inantok ako at hinayaang magpahinga ang sarili ko dahil ilang gabi na kaming puyat.

Nagising ako ng may bumatok sa akin. Pagdilat ko lahat sila sakin nakatingin habang tumatawa. Napakunot ang noo ko. "Problema niyo?" Tanong ko. "Nagdadasal kana ba para mamaya? hahahahaha!" tanong ni Dem. Tinignan ko ang mga kamay kong naka-pormang nagdadasal pala sa pagitan ng mga hita ko. "Baliw! Hahahah" sabi ko sabay kuha sa panyo ko sa ulo. "Tara bihis na tayo" Aya naman ni Jack. Kaya nagbihis na ko para sa talent portion namin.

Nanalo ako sa talent portion.

****Kinabukasan****

Nagpunta kami nila Clarisse at Elaine, mga bestfriend ko din, sa mall para i-celebrate ung pagkapanalo ko at para bumili ng gift para sa boyfriend ni Elaine. Habang nasa fx ay napag-usapan namin ang nangyari kahapon.

Clarisse: Nakakatawa ka kahapon! Hahahah!

Me: Bakit?

Elaine: Para ka kayang nagdadasal XD hahah!

Clarisse: Oo nga. Naka close pa yung mga palad mo.

Me: Hayaan mo na panalo naman eh! Hahaha

Clarisse: Lahat nga kami nun nakatingin sayo eh. Hahaha

Me: Eh? Edi sinong bumatok sakin?

Clarisse: Batok?

Me: May bumatok sakin eh. Kaya nagising ako.

Elaine: Pinagsasabi mo? Hahahaha

Clarisse: Baka nalaglag lang yung panyo mo sa ulo?

Me: Hindi! May bumatok talaga sakin!

Elaine: Tanga! Wala!

Me: Eh baka may bumato sakin?

Clarisse: Anong ipang babato namen sayo? Upuan? hahah! ang linis kaya ng classroom.

Hindi ako mapakali pagkatapos kong malaman na wala palang bumatok sakin pero isinawalang bahala ko nalang yun at inenjoy ang araw namin sa mall.

****Lunes****

Kinausap ako ng isang teacher na close ko din, si Ms Chris at binati ako.

Ms. Chris: Jill!! Congrats! Panalo ka pala!

Me: Bakit Maam? D mo napanood?

Ms. Chris: Hindi eh, nagtuturo ako ng sayaw sa grade 8.

Me: Maam, edi panoorin mo nalang sa video.

Ms. Chris: Wala si Geremy eh, nasa kanya yung video. Practice wala ba?

Me: Wala maam eh.

Ms. Chris: Sige antayin nalang natin si Geremy.

Me: Ay maam meron pala kaming video ng practice!

Ms. Chris: Talaga? Panood!

Me: Kaso kuha ng CCTV! Hahahah!

Ms. Chris: Baliw ka talaga, pero sige na nga! Tara!

Pumunta kami sa security room para tignan ung footage nung araw na yon. Umupo si Ms Chris sa computer at hinanap ang video.

Ms Chris: San dito?

Me: Room 123 po (Room ng Kinder)

Ms Chris: Wow! Ang lupet ng lifting niyo ah!

Me: Naman! Hahahah

Maya-maya pumasok si Dem at tinawag si Ms Chris dahil tinatawag daw siya sa office. Naiwan akong mag-isa sa security room kaya kinuha ko na ang pagkakataong yun para tignan kung sinong bumatok sakin.

"Mga lokong yun! Kala nila di ko malalaman kung sino bumatok sakin. Patay sakin yun" Sabi ko sa sarili ko.

Kinilabutan ako sa mga nakita ko....

Habang nakaupo ako ( na medyo nakahiga ) sa upuan ay parang may itim na lumilibot sakin. Paikot-ikot lang ang bagay na yon at maya maya ay parang awtomatikong gumalaw ang mga kamay ko at pumormang nagdadasal. Nakita kong nagtatawanan sila Macy kasama ang iba pa naming mga kaklase. Halos kalahating oras akong nasa ganong posisyon ng bigla nalang parang pumitik ang ulo ko na para bang may bumatok maya maya ay nag-error na ang footage at nag shutdown ang pc.

"Sino yun?!" tanong ko sa sarili.

Naaninag kong may isa pang ulo maliban sa ulo ko ang nasa repleksyon ng monitor...

"D-D-Dem????" mautal-utal kong tanong....

"D-D-D-Dem? I-i-ikaw ba yan?" tanong ko ulit.

Unti unti kong nilingon ang ulo ko sa ulong nakikita ko habang nakapikit at pagdilat ko....

"HINDE"

sumambulat sa akin ang imahe ng babaeng bali ang leeg habang nakanganga at may tumutulong dugo sa bibig neto.

-------THE END------

(A/N)

Shems! First time ko mag-horror! Lol! Totoo yung pageant thingy jan, yung batok batok thingy saka yung sinabi ng bestfriend ko na wala namang bumatok sakin XD hahaha! Yung iba, Echos lang yan. Dag-dag nalang para lang may magawa. Hahaha! Sana napakilabot ko kayo. First time ko mag-horror eh lol!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BatokTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon