PROLOGUE

646 11 3
                                    

Prologue

“Duh, Look at her girls.”

Nakatungo ako’ng nag lalakad papasok sa school. Hindi ko alam kung bakit pa ako nandito. Hindi ako takot sa mga taong nakakasalubong ko ngayon. Hanggat kaya ‘ko titiisin ko. Isang tao lang ang gusto ko’ng makausap ngayon. Sa isang tao lang dapat ako mag paliwanag, at hindi sa mga tao na ‘to.

“She’s a totally a whore. Oopps!”

“See?, Loser. Hahahaha”

“Feeler!”

“Karma bitch!”

“Slut!”

“Hahahhahaahha”

Kung kanina maayos pa ako’ng nag lalakad ngayon ito na ako nasa sahig nakasalampak.Habang nakatungo ako’ng nag lalakad kanina ay bigla nilang binuhasan nang  mantika ‘yung nilalakaran ko.

‘Shit.’

Naluluha na ako ilang araw na nilang ginagawa ‘to sakin. Pinilit ‘kong tumayo kahit alam ko’ng ‘yung utak ko nalang ang nag sasabi ‘nun, pero ‘yung katawan ko pagod na pagod na. Sobrang sakit na nang katawan ko.

‘Tayo yass! Malakas ka diba?’ Bulong ko sa sarili ko.

Pinahid ko ang luhang lumabas sa mga mata ko at unti-unti akong  tumayo. Nang makabawi ako nang lakas ay muli ako’ng nag lakad habang nakatungo. Hindi ko kailangan mag paliwanag sa mga tao na ‘to.

“Aba, may gana kapa talagang pumasok ha! Alam mo hindi ka bagay dito doon ka dapat sa tabi ng basurahan umupo!!.” Bungad nang isang pamilyar na boses pag kapasok ko sa room.

Tinignan ko siya para kumpirmahin kung siya nga. Inirapan ko siya nang makumprima ko. Nakita ko’ng papalapit ang kamay niya papunta sa muka ko, kaya naman kaagad ako’ng nag lakad papunta sa upuan ko.

“Ang kapal nang mukha mo, W H O R E!” Sigaw pa neto at napansin ko’ng pinipigilan siya nang mga classmate ko’ng lalake.

Nang marating ko ang upuan ko sa likuran napabuntong hininga ako sa nakita ko. Puno ito basag na itlog, balat ng saging , mga basurang papel. Kaya naman napalinga ako sa likuran pa ng bahagi ng room at napailing.

‘Wala padin siya? Hayy’

At nag punta ako sa upuan niya, dahil ayun lang ang malinis. Inilapag ko ang gamit ko sa gilid at inilabas ang earphones ko at iniligay sa tenga ko pag tapos ay dahan-dahan akong tumungo sa desk.

‘Sorry, sorry , sorry’

Paulit na ulit na sabi ng utak ko. Hindi ko na kayang mag salita dahil sa sobrang sama ng loob ko pati narin ng pakiramdaman ko. Sunod-sunod pumatak ang mga luhang kanina ko pa itinitago.

‘Ang sakit-sakit, sobra’

Hindi ako nasasaktan sa mga sinasabi ng ibang tao. Nasasaktan ako ngayon dahil ‘yung taong akala ko makakaintindi sakin ay siya pa ‘yung nag taboy sakin ngayon.

“Aww”  Daing ko. May bumato sakin nang itlog.

“Class! ENOUGH!” Mautoridad na sigaw nang isang babae. Pamilyar ang boses niya sakin sapalagay ko isa sa mga teacher ito dito. Nanatili lang ako’ng nakatungo sa desk ko.

“Tigilan niyo na yan! Kung ayaw niyong ma-suspend lahat!”

“Tssss, Bitch!”

“Isa!”

Naramdaman ko’ng palapit ito sakin kaya naman pinikit ko ang mga mata ko.

“Ayos ka lang ba?” Aniya. Kaagad ko namang ginalaw ang ulo ko bilang tugon.

Narinig ko ang mga yapak nito na papalayo na sakin. Kaya naman muli ko’ng idinilat ang mga mata ko, ngunit nanatili parin ako’ng nakatungo.

“Kayo tigilan niyo si Gonzaga!” Dinig ko’ng sigaw nito. Kaya naman inangat ko ang ulo ko at tumingin saknya. Tinitignan ko lang siya habang nag sasalita. Ngunit may napapansin ako unti-unting humihina ang boses nito sa pandinig ko. Ito ang naging dahilan nang pagka-iritable ko. Itinaas ko ang kamay ko, para mag paalam mag cr. Tumago naman ito bilang tugon. Kaya kaagad ako’ng nag madali lumabas, nanatili parin ako’ng  nakayuko.

Nang marating ko ang Restroom kaagad ko itong nilock at humarap sa salamin.

‘Please, wag ngayon’ Bulong ko sa sarili ko habang nakaharap sa salamin.

Inayos ko ang sarili ko. Nang may mapansin ako’ng mga pasa sa braso ko at namumutla narin pala ako. Napailing nalang ako dahil sa nakita ko. At pilit ngumiti sa harap nang salamin. Lumabas ako sa restroom at tinungo ang daan papunta sa lumang gate/garden sa likuran nang school.

Nasa harap ako ngayon ng isang napalaking puno sa tabi nang gate. Dito sa punong ‘to nag simula ang lahat. Unang pag kikita , unang yakap , mga asaran at marami pang iba. Ilang metro lang layo ko sa puno, nakatayo lang ako na parang may tinitignan at inaalala. Ilang sandal pa ay nakaramdam ako nang matinding sakit sa ulo at unti-unting lumalabo ang paningin ko sa punong kaharap ko. At bigla nalang dumilim ang paligid, 

‘There’s something I wanna tell you’

‘Pag katapos mawala ang lahat sa paningin ko’

‘….. you wanna know the very first person that entered my mind…’

‘…before I blacked out?...’

“YOU”

-mselyyy.

Please watch the trailer -> 

Dont forget to Vote and Comment guy's ♥

Thank you ♥

Five Last Words ( ONGOING )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon