Chapter 1 : Foundation Day

20 4 1
                                    

Vote and Comment pls? I need your feedbacks  ^_^

----

Nakaayos na si Bench para sa lakad nya ngayong araw. Maya maya ay  lumapit na sa kanya ang manager nya para sabihing aalis na sila.

Sumakay naman sila sa isang van.  Sa van na iyon ay nandoon ang iba nyang gamit. Nakasakay din doon  ang dalawang camera man,  Ilang staff para magbantay sakanya.

Umabot ng 1 oras ang tinagal ng byahe nila papunta sa CHBL University. Hindi sya pumunta doon para magperform. Doon kasi sya nag-aral dati kaya inimbitahan syang umattend sa Foundation Day nito dahil 50th Anniversary na ng University .

Imbitado kasi ang mga alumni.Hindi sana sya pupunta dito pero dahil nga ngayong araw na ito ang filming ng We are in a Relationship tungkol sa paghahanap nya sa magiging girlfriend nya..ay pumunta nalang sya. Tutal naman ay hindi nya alam kung saan sya  maghahanap kaya nagbabakasakali syang baka sa University na 'yon sya makahanap.

Pagkababa nya sa sasakyan ay naghiyawan ang  mga tao, lalong lalo na ang mga kababaihan na halatang tuwang tuwang makita sya. Well sino nga bang hindi matutuwa?  Si Bench Briones yan eh.

Si Bench Briones na galing talaga sa mayaman at kilalang pamilya. Si Bench Briones na gwapo at  maganda ang pangangatawan. Si Bench Briones na maganda ang boses. Si Bench Briones na kinahuhumalingan ng mga kababaihan. Si Bench Briones na kapag dumaan ay pagtitinginan.

Habang naglalakad sya papunta sa upuang naka-assign para sa mga alumni ay syempre nakasunod ang dalawang camera man sakanya. Nakikita nya din na maraming kumukuha ng litrato sakanya. Well sanay na rin naman sya sa ganyan. Buti na lang talaga hindi sya pinagkaguluhan, dahil gumawa ng paraan ang manager nya para maging maayos ang araw na'to.

Bago kasi nya tanggapin ang alok sakanyang pagpunta sa university na ito ay nakiusap muna ang manager nya na kung pwede sana ay huwag syang pagkaguluhan sa araw na yon. Pumayag naman sila sa request ng manager nya, syempre hanggat maaari ay ayaw rin nilang magkagulo sa eskwelahan.

"Grabeee! Alumni pala sya!"

"Gosh! ang swerte natin!"

"Ang gwapo nya talaga!"

"Kakanta kaya sya?"

Ilan lang yan sa mga naririnig nya mula sa mga estudyante. Hindi nya nalang ito pinansin at tinuon nalang nya ang atensyon nya sa program.

Hindi naman boring ang  program dahil kwela ang emcee. Maya maya pa ay nagkaroon na ng intermission number na galing daw sa HRM Department.

Naglabas sila ng Keyboard at kasabay nun ang paglabas din ng isang maganda at matangkad na babae. Simple lang ang suot nito pero bagay na bagay iyon sakanya. Lalo na ang buhok nyang mahaba na kinulot ang bandang ibaba.

Ngumiti ito tsaka bumati. "Good afternoon everyone. " Yun lang ang sinabi ng babae pero tumatak agad ang boses nya kay Bench.

Nagsimula na syang pumindot ng keys. Nalaman nya agad kung ano ang tutugtugin nito.

Unfaithful by Rihanna.

Maya maya pa ay kumanta na ito. Hindi lang mukha nito ang maganda, pati na rin ang boses nito.

Story of my life, searching for the right
But it keeps avoiding me
Sorrow in my soul cause it seems that wrong
Really loves my company

He's more than a man and this is more than love
The reason that the sky is blue
But clouds are rolling in because I'm gone again
And to him I just can't be true

And I know that he knows I'm unfaithful
And it kills him inside
To know that I am happy with some other guy
I can see him dying

Alam nyo bang ang tipo nyang babae ay mahilig din dapat sa music?. At ang babaeng kumakanta ngayon sa harap ng maraming tao ay pasok sa standards nya.

I don't wanna do this anymore
I don't wanna be the reason why
Every time I walk out the door
I see him die a little more inside

I don't wanna hurt him anymore
I don't wanna take away his life
I don't wanna be a murderer

Pero pano kung hindi pa pala ito 20 years old? edi.... hindi pwede?

Hindi nya alam pero para namang bumigat ang pakiramdam nya .

----

PLS READ: Pasensya kung boring akong mag narrate. Sorry, hindi rin kasi ako sanay mag narrate. Don't worry sa umpisa lang naman narration  kaya wag sana kayong maboring sa pagbasa nito. Tsaka pasensya muna kung walang lines si Bench ngayon. Hihi. babawi naman sa susunod na chapter eh!. Tsaka pasensya kung maiksi muna. Hehe

Love,

chizzy_bLue ♥

We are in a RelationshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon