YowSter (One Shot)

2.5K 74 34
                                    

 

 "Yow KO.."  bulong ko sa sarili at napangiti.

Pinagmamasdan ko nanaman siya sa malayo. Ang ganda niya pa rin talaga. Araw-araw, walang kupas, lalo pang gumaganda.

Hayun siya oh, nasa may swing. Tawa ng tawa. Kasama niya yung kuya niya. Ang saya-saya nila. Ang saya rin nilang pagmasdan. Makita ko lang siyang masaya, buo na ang araw ko.

Nandito ako ngayon sa isang bench sa park, 'di kalayuan sa kanila. Lagi silang pumupunta dito, lagi siyang dinadala ng kuya niya.

Napatingin sa direksyon ko yung kuya niya, si Kuya King. Napangiti siya ng malungkot sakin, sabay iling at tumingin kay Jaz, ang Yow KO na kapatid niya. Napangiti rin ako nang malungkot at tumango na parang sinasabing 'Okay lang.. Okay lang Kuya'. Binalik na niya yung atensyon niya kay Jaz na walang kamalay-malay, walang kaalam-alam. 

Alam niyo kasi kung anong masaklap?

Yung lalaking mahal niya.. o sabihin nalang nating..

Yung lalaking minahal niya..

Yung lalaking tinatawag niyang Giri KO.

Yung tanging lalaking tumatawag sa kanyang Yow KO.

Ako. 

Ako si Lester.

Hindi niya ako maalala.

Siya si Jaz.

Ang babaeng tinatawag kong Yow KO.

Ang babaeng nagagalit kapag tinatawag akong GIRI ng ibang tao, lalo na yung mga babae.

 

At..

Ang tanging babaeng mahal na mahal ko.

May tumulong luha nanaman sa mga mata ko nang hindi ko namamalayan. Bigla ko nanamang naalala yung araw na yun..

***

"L-LES! LES! Si J-Jaz. *sobs* Yung k-kapatid k-ko. N-Na.. *sobs *N-Nasagasaa--"

 

*beep beep beep..*

*End of Call*

 

***

 

"YOW! YOW KO! Y-YOW! *sobs*" sigaw ko habang hawak hawak yung kamay niyang duguan. Buong katawan niya, duguan, lalo na sa may parteng ulo.

YowSter (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon