"Lyka!" Isang matabang babae ang palapit sa akin upang ako ay yakapin. Nakakarindi ang napakatining na boses niya. Isa siyang matabang babae pero ang boses, napakatinis!
"Ano bang problema, Nicole?" Siya si Nicole. Ang matalik kong kaibigan. Hindi naman siya ganoon kataba pero para sa katawan kong payat na may timbang na 40 kilogram, masasabi kong mataba na siya.
"Ihhhh... Nakita ko kasi ang crush mo!" Bigla naman akong namula sa nalaman ko. C-crush? Medyo madami naman akong crush pero may isa lang akong super duper crush. Si Lukas. Isa siyang gitarista sa isang napakasikat na banda dito sa aming unibersidad. Alam ko na madaming nagkakagusto sa kanya pero anong magagawa ko? Siya ang gusto ko e.
Aaminin kong nung una.. nagbibiro lang ako na crush ko siya pero halos araw-araw sinusundan ko siya kaya siguro naging super duper crush ko s'ya.
"Tapos? Anong gagawin ko kung nakita mo si Lukas? Nicole naman. Sinusubukan ko na ngang magmove-on e!"
"Magmove-on te? Pero hindi mo matapon tapon 'yung kwintas n'ya?" Kwintas ni Lukas 'yun na binigay ng first love n'ya. Di ko alam kung sino ang letseng 'yun pero sobrang pinahahalagahan ni Lukas ang kwintas na 'yun.
"Ibabalik ko sa kanya 'yun hindi ko itatapon. Alam mo naman kung gaano kahalaga sa kanya 'yun di'ba?" Nalulungkot ako sa t'wing hindi niya makalimutan ang first love niya. May girlfriend siya ngayon pero ang balita ko s'ya daw ang first love nito.
Nagulat naman ako nang bigla akong hilahin ni Nicole upang magtago sa likod ng puno.
"Ano na namang problema mong baboy ka?!"
"Sshh. 'Wag kang maingay. Papunta dito sila Lukas at ang jowa n'ya." Bulong sa akin ni Nicole. Naghintay kami ng ilang minuto at huminto sila.. dito mismo sa puno kung saan kami nagtatago.
"Pst. Huy!" May biglang sumitsit sa amin. Si June Alcantara a.k.a Junior.
"Ay putsa!" Sigaw ko kaya napalingon sa gawi namin sila Lukas. Lumakad naman si Junior papunta kanila Lukas. Lumabas na din naman kami. Anong sense ng pagtatago namin? Pesteng junior kasi na 'to e.
"Bro." Si June at Lukas ay magpinsan. Magkapatid ang kanilang ama. Bakit ko alam? Si June kasi ang nagkekwento sa akin lahat tungkol kay Lukas. "Hi, Selene." Bati namin ni Nicole pero alam ko na hindi gusto ni Nicole si Selene dahil daw 'Bitch'. Inirapan lang naman kami ni Selene at pinagpatuloy ang pag-uusap nilang dalawa ni Lukas.
"Lukas, babe. Alam mo naman na pangarap ko 'yon di'ba? Sana naman suportahan mo ako." Nagmamaktol na sabi ni Selene.
Kami naman ay nagtataka. Selene Guiraldo ay ang band vocalist ng banda nila Lukas. Oo, maganda s'ya. May mahabang buhok na hanggang tuhod. Chinita at may matatangos na ilong. Samantalang ako.. mukhang yagit.
"What do you mean, Selene?" Nagtatakang tanong ni June. "Natanggap kasi ako sa America and I have to fly there this weekend." Nakangiting sabi ni Selene. "Pero mawawalan ng band vocalist ang banda ni Lukas? Hahayaan mo na lang ba 'yun?" Hindi ko na mapigilang sumingit. Nakakainis naman kasi siya. 'Di man lang n'ya naisip ang mangyayari sa banda kung sakali mang umalis s'ya.
"Bakit ka ba sumasabat ha? Kung naaawa ka sa banda ni Lukas e bakit hindi na lang ikaw ang pumalit sa akin?" Nakataas na kilay na sabi ni Selene. Nanahimik na lang ako. Ayoko ng gulo at tyaka anong palag ko sa boses n'ya sa boses ko? Boses ipis lang naman ako.
"Selene, Enough." Aalis na lang ako para magkaroon sila oras pagusapan yan. Pero sana hindi umalis si Selene. Malulungkot si Lukas. At ayokong makita siyang malungkot.
●●●●Lumipas ang dalawang linggo at hanggang ngayon ay hindi pa 'din sila nakakahanap ng bagong bokalista. Oo, natuloy ang pag-alis ni Selene at kitang-kita ko ang mga lungkot ni Lukas sa kaniyang mga mata. Mamaya balak kong isauli ang kwintas at humingi ng sorry sa pagkuha. Balisang-balisa kasi siya 'nung oras na nawawala 'yun at ako naman na tuwang-tuwa, hindi ko ininda 'yun. Isang taon na 'yun simula nang nakawin ko.
BINABASA MO ANG
Let Go
Short StoryHanggang saan mo nga ba kayang ipaglaban ang pag-ibig? Hanggang sa ikaw na ang sumuko? Para sa ikakasaya nila.