RHWM (ONE SHOT)

26 3 4
                                    

Characters preview:

Ying Autumn Shin
Lead character. Masiyahin, maliit ang height, hanggang balikat ang buhok, mahilig magluto.

Jina Meline Chan
Bestfriend ni Ying. Matangkad, mahilig mang-asar, caring, hanggang bewang ang buhok, loka.

Maximo Zircon Hwang
Wears eyeglasses. Pero kapag tinanggal eyeglass sobrang gwapo.

Whison Acosta
Boy with thick bangs.

Xavier Conte
Swimmer.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Ying's pov

Kasabay ko umuwi si Jina galing sa school. Lagi naman eh, same way ang daan namin. Mas malapit nga lang bahay ko.

Nasa may tulay na kami nang biglang ngumiti ng nakakaloka si Jina sabay hawak ng kamay ko.

"Hoy, may secret akong sasabihin sayo." Aniya.

"Ano nanaman bruha?" Hindi matino sasabihin neto. Sure ako.

"Uhmm.."

Laking gulat ko nang biglang namula mukha ni Jina at napaiwas pa siya ng tingin sa akin.

"Ano.. Diba kilala mo si Whison?"

Napaisip naman ako sa tanong niya. Whison? Teka sino un?

Umiling ako, "nag-aalien talk ka ba?"

"Amp! Si Whison Acosta! Yung kaklase mo," naiinis niyang sagot.

Ahh yun! Yung lumipat sa section ko two months ago. May dalawang new student eh, parehong lalaki, parehong matangkad, at parehong galing Singapore. Hindi ko nga maidentify yung dalawa. Magkamukha sila, yung isa may eyeglasses, yung isa wala. Well, siguro lagi silang magkasama kaya naman magkamukha sila?

"Alin dun?"

Sumimangot si Jina bago sumigaw ng, "yung gwapo na walang eyeglasses!"

Yung walang eyeglasses.. Gwapo? Eww! "YUN? KADIRI ANG PANGET!"

Bwisit na bwisit ako dun sa lalaking yun. Tuwing lalabas siya ng classroom, madadaanan niya ako dahil nasa harap ako nakaupo. Hindi kaya siya marunong mag 'excuse me'! Kalalaking tao, binabangga ako. Tss pwede bang magmura?

At dahil dun, nakatanggap ako ng napakalakas na batok mula sa higante kong best friend.

"Hmp!" inikot niya ang kanyang mata.

"Seryoso ang pangit niya! Mas okay pa ata yung may eyeglasses." Siguro ang asim na ng mukha ko ngayon. Grabe kala ko ba naman mataas standard ni Jina pagdating sa mga ganun. People change talaga.

"Wala! Hindi ako approve! Bahala ka dyan," sabi ko.

"Ehhh sige na.. Mabait kaya siya," nagpout si best friend.

"Sige nga? Eh lagi nga un nagcucutting class," Taas kilay kong wika.

"Gentleman siya."

"Paano mo ba un nakilala?"

"Ganito kasi un. Diba last week may program sa auditorium natin? Nagvolunteer ako. Bali ako taga register ng mga guest."

"Uhuh"

"Nagkataon na sabay sabay dumating ang mga bisita. Ako lang mag-isang nagreregister."

"Tapos?" Uninterested kong tanong. Gusto ko na matapos ang kwento neto. Nakakabwisit.

"Hindi ko alam ang gagawin ko. Nataranta ako, eh magsisimula na yung program. Buti nalang napadaan si Sir Go at buti may nakatayong gwapo sa malapitan."

Recalling How We Met (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon