Chapter 11

19 4 2
                                    

Dedicated to @MsSpringAngel
Thank you sa pagsupporta sa story ko, sa pagvovote at pag comment i really apreciate it. love you mwah ..

Enjoy reading!
___________________________________________________________
Sabado ngayon at walang pasok napagdesisyunan ko na sa bahay na lamang ako. Nagyaya si Jelyn gumala sa mall pero wala ako sa mood para sumama sa kanila. Ewan ko ba, parang ang tamlay ko ngayon at ni pagbangon sa kama ay hindi ko magawa.

Naglalaro ako ng games sa phone ko ng may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Anak puwede ba akong pumaok?" Si mama sa labas ng pinto.

"Opo ma, pasok po." Nakita kong binuksan ni mama ang pinto at pumasok.

"Anak may bisita ka sa baba.Puntahan mo muna. Kanina ka pa dito at hindi ka pa bumababa." Sabi ni mama at umupo sa gilid ng kama.

"Sabihin  mo ma busy ako. Ayoko pong bumaba." 

"Hay nako, bumaba ka na nga. Kanina pa siya naghihintay sayo sa baba. Tatawagin na sana kita kasi akala ko natutulog ka pa."

"Ma naman eh."

"Huwag nang matgas ang ulo. Maligo ka na at bumaba na. Bababa na ako ha, dapat nandon ka na." Ipagpilitin ba naman ako? May magagawa pa back ako.

Wala na akong nagawa at pumasok na sa banyo at naligo. Kahit na tamad ay pinilit ko na lang na maligo. Natapos din ako kaagad. Hindi lang talaga excited 'no?  Bumaba na ako pagkatapos kong magbihis.

Nadatnan kong naglalaro ng PlayStation ang mga kapatid ko.  Hind sila makamayaw sa paglalaro. Hindi sila talaga magpaatalo.  Pero ang napansin ng mata ko ay ang kalaro nila si Lander. Ang aga huh? Lumapit ako sa Manila. I compose myself first, I don't know what I'm feeling right now.

"What are you doing here?" salubong ko sa kanila. Napatingin naman agad si Lander sa akin at ngumiti nang makita ako. 

"Bakit masama bang dalawin ang future girlfriend ko? Yayain sana kitang lumabas eh kung okay lang." What a date? Gosh 'di ako prepared! 

"Huh?..."Hindi pa ako nakasagot nang magsalita ulit siya.

"Tita puwede ko po bang hiramin muna si Genafe? Promise po ibabalik ko po siya before 6 pm."

"Ay, walang problema iho para naman malibang ito si Genafe. Palagi kasi iyan dito saa bahay baka mabagot. "

"Thank you po tita. Let's go." At hinila niya ako palabas ng bahay. Mabuti na lang at hindi pangit ang suot ko ngayon. Paano ba naman itong si Lander hila ng hila. Pumasok kami sa kotse niya at agad itong pinaandar.

Habang papunta kami s amaing pupuntahan ay napatingin ako sa kanya. Grabe kahit ano yatang suotin ng mokong ito ay babagy na bagay sa kanya. Para siyang model ng isang clothing brand. 

"Kung nakakatunaw lang ang pagtingin ay kanina pa ako tunaw na tunaw." Napangisi siya.

"Sus yabang." Napairap ako sa kanya. Namula ang mukha ko pero hindi ko pinapahalata.Tumawa na lamang siya.

Makalipas ang ilang minuto ay naramdaman kong hininto niya ang sasakyan.

"Were here." Napatingin ako sa bintana at nakita kong sa amusement park kami. Kumislap ang mata ko sa nakita. First time ko kasi dito at never pa akong nakapunta dito. Noon kasi sa perya lang kami pumupunta. Naalala ko tuloy si papa noong nabubuhay siya. We used to go there para magbonding na pamilya. Ang saya-saya namin noon at hindi namin alintana kung anong oras man kami matapos.

Unconditional LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon