Chapter Thirteen

68 8 10
                                    

Elle's POV

Tatlong araw na ang lumipas pagkatapos ng seryosong usapan namin ni Chanyeol dun sa burol nung gabi. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nabibigay ang sagot ko sa kanya.

Flashback.

"Gusto kong tulungan mo akong magkabalikan kami ni Jen."

Ano daw? Pakiulit nga? Parang mali yata ang pagkakadinig ko eh. Nag c-cotton buds naman ako araw-araw. Pero bakit ang dinig ko sa sinabi ni Chanyeol ay gusto niyang tulungan ko silang magkabalikan ni Jen?

"H-ha? P-pakiulit nga. M-mali yata ako ng dinig eh." Nanginginig kong saad.

"Elle. Tulungan mo ako. Gusto kong magkabalikan kami ni Jen. Alam kong ikaw lang ang taong makakatulong sa akin. Jebal~ (Please~)" So ganun pala ang purpose ko? Ginawa niya lang akong girlfriend niya para makuha niya lang pabalik si Jen? Para lang magkabalikan sila ni Jen? Kahit hindi ko ganun kakilala si Jen alam kong hindi siya ang tipo ng babaeng mahuhulog sa mga patibong ni Chanyeol.

"Sabihin mo nga sa akin Chanyeol. Kaya mo lang ba ako ginawang girl friend mo para makuha pabalik si Jen? Ginamit mo lang ba ako para pagselosin siya?" Inis kong tanong sa kanya. Nangangatog ang boses ko. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Pinahiran ko ang mga luha at tinignan siya nakayuko lang siya.

"Ano! Sagot!" Napasigaw na ako sa galit. At tuloy-tuloy ang ang paglabas ng mga luha mula sa mga mata ko. Ngayon lang ako ulit umiyak ng ganito. At ngayon lang ako nasaktan nang dahil sa bwiset na 'Love' na 'yan. Fuck. Bakit ba kasi ako naniwala na mabait ang gagong 'to?

"N-ne." Mahina niyang sagot pero sakto na para marinig ko.

Napakagat ako sa labi ko. Damn!

"So I was like a fucking doll the whole time being used just to get your fucking ex back!" I laughed sarcastically then wiped my tears.

"Elle--" Chanyeol tried to hold me but I took a step back and signaled my hand in front of him so that he would stop.

"Fuck you, asshole! Don't touch me. Better yet, dont come anywhere near me. 'Cause I swear I'll punch you hard on the face." Pagbabanta ko sa kanya. Tinalikuran ko siya at sumakay na sa sasakyan. Ayokong maglakad pauwi dahil hindi ko naman alam ang daan pauwi eh. At baka may makasalubong akong rapist at mamatay pa ako ng maaga. Ayoko nun.

End of flashback.

Hinatid lang ako nun ni Chanyeol at simula nun ay hindi ko na siya pinansin. Sinubukan niya akong suyuin pero palagi ko lang siyang iniiwasan at dinededma. Nakakahalata na nga ang mga Girl Friends (GF) ko pero dahil ayoko ng gulo ay hindi ako umamin sa kanila. Naghihinala kasi sila na nag-away kami ni Chanyeol. Nako, kung alam niyo lang. Sobra pa dun. Muntik ko nang masuntok si Chanyeol sa mukha nung gabing 'yun.

"Eonnie. Ayaw mo talagang sumama sa amin?" Tanong ni Llanah. Napasinghap ako. Online pa rin pala sila hanggang ngayon?

Sabado kasi ngayon at wala kaming pasok. Naka-skype kami ngayon ng GFs ko at inaaya nila ako na mag-mall.

"Tara na Elle. Manood tayo ng sine." Pag-aaya ni Casey.

Umiling ako, "Aniya. Mian. Tinatamad ako eh." Pagrarason ko. Pero ang totoo ay ayaw ko lang talaga lumabas ng bahay. 'Cause as much as possible ay ayokong makita ang pagmumukha ni anino ni Park Chanyeol.

"Sigurado ka ba talagang okay ka lang, Elle? Nung isang araw ka pa matamlay ah. Simula lang nung--" Hindi ko na pinatapos si Sugar. Sumingit na ako, "Hindi nga 'yun. Wala ngang nangyari. Tinatamad lang talaga ako. Kayo na lang. Ingat na lang kayo." 'Yan ang huli kong sinabi saka nagpaalam na mag l-log out. Pinatay ko ang laptop at humiga.

I'm HERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon