Paano nga ba?
Minsan ang hirap i-estimate ang pakikitungo sayo ng isang tao, hindi mo alam kung average o special ka para sa kanya, hindi mo alam kung nasa level pa ba kayo ng Friendship o Mas mataas pa, hindi mo alam kung may tinga ka pa sa ngipin o wala na! Chos ..
Pero what if, meron na palang nagkakagusto sayo na isa sa mga kasama mo, kaibigan mo, kapitbahay mo o sa mga hayop na alaga niyo? What if matagal ka na palang sinusubaybayan ng isang taong may gusto sayo sa paraang hindi mo alam? What if yung crush mo ay crush ka din pala? What if wala naman pala siyang gusto sayo at ambisyosa ka lang talaga?
Wew! Ang hirap noh?
Ang sarap pumatay ng egyptian kapag ganito. Hindi mo alam kung sino-sino ang nagkakagusto sayo.
Kung maganda o gwapo ka, mag-ingat ka! Malamang, madaming palihim na nagmamahal sayo, pero kung panget ka at mukang paa, mag-ingat ka din! Malamang, madaming palihim na nabubuwisit sayo! Chos.
Panget ka man o maganda, gwapo man o amoy kubeta, for sure! Meron at meron ka pa ring Secret Admirer na matatawag. Oo! *SECRET ADMIRER, sila o siya yung taong Palihim kang Hinahangaan ! Nakamputs. Kinilig naman yang singit mo! Pero Oo, may humahanga sayo, di ko nga lang alam kung tao ba 'to o maligno.
Minsan gusto kong i-pressure yung neurons ng utak ko at iuntog sa pader yung ulo ko nang gumana ang left hemisphere nito! Pero di ko alam kung nasan ba yung utak ko, pero yung puso ko, alam kong nasayo! Charot! Neseye ne eng lehet ganon?
Balik tayo sa topic:
PAANO KO MALALAMAN KUNG CRUSH MO AKO?
Paano nga ba ulit?
Teka lang, brain storm ..
Subukan natin himayin yung mga style o attitude ng isang person na patagong nagkakagusto sayo:
10 SIGNS; PAANO KO MALALAMAN KUNG CRUSH MO AKO?
*1) SUPPORTER
- siya yung sobrang supportive sayo, talon ng talon, hiyaw ng hiyaw at dinaig pa ang buong Cheering Squad ng P.U.P. sa kakahiyaw para imotivate ka lang tuwing ikaw ay nasa competition, for example, laban ng Basketball, Pageant, Singing/Dancing/Acting Competition, Baseball,Softball, Football,Volleyball, Eyeball, Dragonball, Fishball o kahit anong ball pa yan, handa siyang malatin mai-Cheer ka lang. Supporter din siyang matatawag kung tinatawanan niya yung simple o sabihin na nating Corny mong Jokes, minsan nga, magpaka-budoy ka lang ng konti, hahagakhak na siya sa tawa, o minsan tawa nalang siya ng tawa, pero ingat ka na sa kanya, baka di lang siya baliw sayo, kundi baliw lang talaga siya at pinagtitripan ka nalang pala niya.
*2) BANKER
- siya yung galante, dinaig pa niya si willie sa pagbibigay ng jacket at cellphone sayo, yung kahit maubusan na siya ng pera mailibre ka lang ng pisong boy bawang sa Canteen masaya na siya. Sa school naman, siya yung stock holder mo, tipong maya't-maya pwede kang humingi sa kanya ng papel at polbo. Madalas Volunteer siya, volunteer na tulungan ka sa assignment mo, pautangin ka ng baon mo, ihatid ka sa bahay niyo, at bunutin ang buhok sa kili-kili mo, Chos! Pero pag ganito siya kabait sayo, hoy! Mahiya ka naman pag may time. Wag mo naman samantalahin ang kabaitan niya, i-share mo naman sa akin yung ibang bigay niya. Wag selfish.
BINABASA MO ANG
10 SIGNS; PAANO KO MALALAMAN KUNG CRUSH MO AKO?
Teen Fictionang kwentong to ay walang kwenta .. pero kung gusto mong sumaya, sige IPAGPATULOY MO LANG ANG PAGBABASA