Published: 11-3-13
Edited: 03-3-16----
Shocks! Bakit ngayon pa? Nakakahiya talaga! Late na ako. Kasi naman, matanggal nalang yata yung isang turnilyo nung jeep na sinakyan ko gigiba na yun. Napakatagal. Buti nalang wala pang Prof, kundi nakakahiya talaga.
Pagdating na pagdating ko ng school ay agad agad kong hinanap ang classroom ko. Pumasok ako at naghanap ng vacant seat. Anobanamanyan!! Sa unahan nalang ang may bakante. At isa nalang yun, umupo na ako at tinignan yung wierdo kong katabi.
Saan ka ba naman nakakita ng lalaki na naka-jacket sa gitna ng matirik na araw? Pero, gwapo siya ha? Ang tangos ng ilong. Ang pula ng labi. Ang ganda pa ng kanyang jawline.
"Tingin-tingin mo jan?" tanong niya.
Grabe naman. Masama na ba sumilip sa mukha niya?
"Wala. Wala kasi akong makausap e." sagot ko. Shockssss! Ang gwapo din ng boses niya. Sana kaklase ko siya sa lahat ng subjects.
"Ah. Sorry for being rude. I'm Kyle Patrick Reyes by the way." iniabot niya sa akin yung kamay niya at nakipagshake hands.
"Uhm, Carmen Lee" sagot ko at kinuha ang kanyang kamay.
"Sge. Sabay tayo maglunch mamaya ha?" sabi niya at humarap na sa blackboard. Nandoon na pala yung Prof, di ko na namalayan kasi nakakasira ng focus yung katabi ko. Good God, thank you for the blessing!
Nag-discuss na yung Prof namin. So far, naiintindihan ko naman yung mga tinuturo niya. Nakapag-focus na ako ulit kasi di na ulit kumibo yung katabi ko. Weird and mysterious, huh?
Natapos na ang first subject at lunch na namin. Tinawag ako ni Kyle at nagyaya na kumain. Nagulat pa ako nung una pero hindi na ako tumanggi kaya dumiretso na kam sa canteen ng school.
Nagkwentuhan kami ng tungkol sa pamilya namin. Hindi ko alam, pero parang feeling ko matagal ko na siyang kakilala. Yung tipong, may parte sa akin na nagsasabing importante na siya sa buhay ko, kahit ngayon lang kami nagkita.
Natapos ang lunch at sunod-sunod na ang subjects na nakasulat sa schedule ko. Nagulat ako ng malaman na parehas talaga kami ng schedule ni Kyle. Masaya ako kasi may kakilala na ako, di na ako loner.
Halos araw-araw si Kyle lang ang kasama ko. Di ko alam na sikat pala talaga siya. Ang daming nakakakilala sa kanya sa loob at labas ng Campus. Nalaman ko ding mayrion siyang banda at siya and drummer. He's so talented.
Sa apat na buwan na pagkakaibigan namin, nakita at nakilala nadin niya ang parents ko, ganun din naman ako sa kanya.
4 months na. 4 months ko nang kasama si Kyle pero hindi padin ako nagsasawa sa kanya. Yung kahit siya lang kausap ko, masaya na ako.
Palagi na nga din kaming tinutukso ng mga kaklase namin. Di daw ba kami nagkakasawaan sa isa't-isa. Minsan nga, iniisip ko, paano kapag nanligaw nga sa akin si Kyle? Matagal ko na din naman siyang crush. Umiling ako dahil bigla akong nahiya sa kalandiang iniisip ko. Carmnen!! Really?
Crush nga lang ba? Sa apat na buwan namin bilang magkaibigan. Crush lang ba talaga tong nararamdaman ko? Oo! Hindi ako pwede mahulog sa kanya ng ganong kabilis kahit na alam ko at nararamdaman ko na parang matagal ko na talaga siyang kakilala.
"Carmen?" tawag sakin ni Anne, kaklase namin.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
Absent kasi si Kyle ngayon. Di ko alam kung bakit, pero di man lang siya nagsabi na di siya papasok ngayon. Itetext ko nalang siguro mamaya.
BINABASA MO ANG
~FATE~ ( One Shot )
FantasyHi! This is my 3rd One Shot. Sana basahin niyo rin po yung dalawang nauna! ^^ ~ CREDITS: @LikeWTH for the cover. Thanks to you Sexy! ^^ :*