Totoo ba ang tadhana? Marahil yan din ang tanong nyo, kung totoo ba ang tadhana o tayo lang mismo gumagawa ng choices naten na tadhana? Matagal ko na itinatanong sa sarili ko kung may tao rin bang takot na mawala ako?
Eto po ang istorya ng buhay pagibig ko.May nakilala akong babae sa social media tsinita sya chubby at cute, nagsimula kame sa simpleng hi. Totoo nga na nag sisimula ang pagibig sa simpleng pag hi lang. Simula nun araw araw na kame magkachat sa fb at hangang sa nakuha ko na mobile number nya at shempre kasama narin ang viber nun, nasabi ko sa sarili ko na eto na siguro para saken gaya ng pumapasok sa isip ng ibang tao pag bago ang pagibig, at sa wakas nagkita rin kame sa personal doon sa Mega mall sa may Coffe Bean. Ng una hindi ko sya nakilala akala ko wala na sya dun, then nag text sya saken na nakaupo raw sya sa may bungad malapit sa pasukan ng Coffee Bean, grabe hindi ko sya nakilala ibang iba itsura nya sa pictures nya at personal, ang cute nya at mukhang galante malayong malayo sa profile picture nya sa fb. Pangalan nya ay Yza nagkita kame at nilibre ko sya ng una ayaw nya pa at gagamit pa sya ng credit card. Gaya nga ng sabi ng iba ang taong broken napapalapit sa taong mag tatahan sakanya, broken kase sya nun simula palang sa fb sinabi nya na saken yun. Sa fb message ang ingay namen pero sa personal medyo tahimik pero may mga napag usapan din kame, pag tapos namen uminom ng kape tumingin kame ng mga pet sa pet store, nagpunta sa book store at nagpunta sa arcade. Bago umuwi nakapag pakuha kame ng picture together. Matapos namen magkita patuloy parin kameng nag papalitan ng mensahe sa fb, viber at text hangang sa umamin na ako sakanya ng totoo kong nararamdaman sakanya. Simula nun nagbago na sya di na sya mashadong sumasagot sa mga message ko at hangang sa di na talaga sya sumasagot pati sa tawag ko gaya nga ng kinakatakutan din ng iba.
Simula nun nagbarkada na ako inom dito inom doon pero hindi ko naman sinisira buhay ko, nung isang gabi magapos ko makipag inuman sa mga kaibigan ko pumasok ako sa kwarto ko nag lock ng pinto at nag mukmok.
Nag dasal na sana makakilala ako ng babaeng magiging aken, yung babae na anjaan talaga para saken, yung babae na best friend ko na at gf ko pa, yung babae na takot mawala ako.
Lumipas ang mga araw nauso na ang voice message sa fb, at guest what? Yah tama ka kinantahan ko iilang babae sa fb and then this one girl reacted *ang ganda ng boses mo pang the voice* yes may nakapansin din....
Sa kinanta kong Goodnight Moon by Go Radio. She is just amazing makulit at kalog nasakanya na ata gusto ko sa isang babae, matangkad, maputi, chinita and guest what? Video gamer din sya kagaya ko. Simula ng kinantahan ko sya sa voice message binigay ko number ko sakanya.
Makalipas ang ilang araw may tumawag saken....
My cp rangs...
Me: *hello*
Stranger: *tigilan mo na gf ko pabigay bigay kapa ng number sa fb*
Me: *a naaalala ko na pasensya na hindi ko alam na may bf na pala sya*
Stranger: *dahil sayo nag hiwalay kame p*t#ng *n@ mo*
Me: *sorry pre hindi ko alam ganito nalang tawagan mo sya at ayusin nyo yan dahil ayokong ako dahilan sa paghihiwalayan ng mag gf/bf*
Staranger: *wala na tapos na ang lahat samen dahil sayo*
Me: *hindi ko naman alam kaya humihingi ako ng sorry at kung talagang may tiwala ka sakanya mapapatawad mo sya at di ko din alam sa isang relasyon hindi lang kayo mag gf/bf nasa iisang team din kayo*
Stranger. *e p*t#ng *na mo pala e palusot kapa*
Me: *totoo sinasabi ko pre tsaka hindi naman kame bakit mo hiniwalayan*
Then binaba nya na yung phone.
Makalipas ang ilang oras tumawag ulit sya. Nagtatawanan sila at kaya pala parang boses tomboy ang kausap ko dahil nagpangap syang lalake sa boses nya, na wow mali daw nya ako, dalawa silang babae nag tatawanan at ang isa ay katulong nila. Simula nun parang natakot ako sakanya kaya na block ko fb account nya. Naging kame ng katulong nila pero trip ko lang yun di ako seryoso sa katulong nila. Then nag usap kame sa cp ng maid nila ng mga ilang araw din.
Isang araw tumatawag ulit tong babaeng amo nya na ng trip saken.
(By the way ako nga pala si Jeffrey ang gumawa ng istoryang to yung katulong nila Debora pangalang at si Rheanne naman ang amo nya yung nagandahan sa boses ko sa fb voice message at nag trip saken sa call)
Continue, oo tumawag ulit si girl tripper saken. Nangungulit na i unblock ko raw sya sa fb ko. Makalipas ang ilang araw bago ko pa sya i unblock sa fb, kung hindi nya ako kinulit hindi ko talaga sya i a unblock. Then yun nga na unblock ko na sya sa fb, nag message sya ipapakita nya raw saken gf ko na maid nila na napag tripan ko lang naman. Sama ko rin pala. :/
Pinakita nya na nga gf ko na sa picture yah di maganda pero ok lang naman saken since di naman ako seryoso dun. Sinabi rin ni Rheanne na si Debora daw may bf na pinsan nya.
Simula nun hiniwalayan ko sya madali lang naman saken yun dahil di naman ako seryoso.
Ilang araw pa ang lumipas simula ng lagi kaming magka chat at text ni Rheanne sa fb, nasabi nya na rin sawakas totoong problema nya sa bf nya oo sila pa nun at dumaan ang mga araw na nag hiwalay sila dahil puro nalang daw sila away at walang oras sakaya bf nyang nag ngangalang Bryan. Nagkita pa sila bago sila mag hiwalay, gaya nga ng sabi ko ayoko ako ang dahilan ng paghihiwalayan ng lovers kaya hinayaan ko silang magkita upang magkausap, sino ba naman ako e kaibigan lang naman kame sa social media.
Lumipas ang ilang araw single na sya at lagi na kame magka chat, text, call at naglalaro lagi kame ng online game na Roblox, dun ko nakilala nakababata nyang lalaking kapatid na si Brebie. Sa araw araw namen ginagawa ni Rheanne na chat, text, call and video games. Nahulog na ko sakanya at alam ko ganon din sya kahit best friend lang kame. June 18 nag papahiwatig na sya saken ng nararamdaman nya habang nanonood ako ng anime at magkachat kame. Niligawan ko sya and yes sa wakas sinagot nya na ako June 18. At magkikita din kame sa July 18. Nung isang gabi andito kaibigan kong si Benjie bumisita sa bahay namen, habang naguusap kame ng gf kong si Rheanne sa cp. Then narinig nya na nagsasalita kaibigan kong si Benjie dito sa bahay at nireto ni Rheanne si Benjie sa katulong nilang si Debora.
July 14 ng gabi unang away namen dahil hindi na ako nag re reply sakanya nung gabing yun, hindi nya alam pinuntahan na namen sila ni Benjie sa kanila si Benjie at si Debora ay naging magkasintahan na, kaya napag desisyonan namen dalawa ni Benjie na puntahan sila. Katulong naman nila Rheanne si Dobora kaya pinuntahan na namen. Galit na galit saken si Rheanne dahil sabi sakanya ni Benjie na may ipapakilala daw si Benjie saknya na ibang lalake.
Nag te text saken si Rheanne kaso nahulog pa cp ko nun sa kapiraso ng baha pag labas sa kanto namin dahil malakas ang ulan nun. Wala kahit anong pilit ko ayaw talaga bumikas ng cp ko bubukas man mamamatay din nababasa ko text nya pero hindi ako maka reply dahil namamatay dahil nabasa. Makalipas ang ilang oras ng nasa byahe kame bumukas na cp ko.
Taga Taguig ako si Rheanne taga Malabon kaya napakalayo ng byahe tas umuulan pa, pag inlove ka nga naman maximum effort maibibigay mo. Nakapag text na ako at nasabi ko rin kay Rheanne na ako ang kasama ni Benjie. Nag text saken mama ni Rheanne nag aalala dahil nga Malabon yun at hating gabi narin.
At yes! Nagkita rin kame ni Rheanne, sina Benjie at Debora naman nagkita rin. Yes worth it naman matapos namen mabasa sa ulan at malublob sa baha at byaheng kalayo layo.
Nagkita kame ni Rheanne unang una epic talaga parang nasa movie lang. Habang nag hahanap kame ng bahay nila nag te text sya saken at nasa bahay sya at lalabas na raw sya, di ko akalain na sya pala yun maputi, matangkad, mahaba ang bohok at tsinita. Nahawakan ko rin mga kamay nya nayakap ko sya, at sabay tingin sya sa mga mata ko kung mahal ko daw ba talaga sya? Sabi ko oo shempre naman. Nangako kame sa isat isa na magkikita kame sa July 16 sa Sm North, nag pinky square kame. Matagal din kame nag usap sa labas ng bahay nila at nung nag 10pm na uwi na kame, hinawakan ko kamay nya na parang ayaw ko sya pakawalan, nung hinatid nila kame ni Benjie, kasama din namen si Debora, ako si Rheanne si Benjie at si Debora. Sasakay na kame ng tricycle ni Benjie nung bigla nalang akong hinalikan ni Rheanne sa labi, nagulat ako nawala ako sa sarili ko pati sila Benjie at Debora at pati narin tricycle driver nagulat. Ang sarap ng halik nya napakalambot ng labi nya naiwan ko pa payong ko sakanya at remembrance ko narin sakanya yun.
July 16 na, ayaw sya payagan umalis ng mama nya dahil kelangan daw sya sa bahay nila dahil may gumagawa ng bubong nila sya ang bantay habang ang mama nya nasa water station nilang negosyo. Tawag sya ng tawag umiiyak.
Phone rangs...
Me: *hello mhie anong oras tayo kita*
Rheanne: *dhie hindi ako pinayagan ni mama dahil may gumaga ng bubong namen nasa store kase si mama* (umiiyak sya)
Me: *ay ok lang yun mhie may next time pa naman*
Rheanne: (crying) *nakakainis dhie bakit mahigpit sila saken*
Me: *ok lang yun naiintindihan ko sila dahil parents mo sila may ibang araw pa naman I love you*
Rheanne: *salamat dhie ha buti kapa maunawain sa July 18 nalang tayo magkita i love you too*
Me: *wow sige mhie sa july 18 sakto monthsary naten nun i love you*
Makalipas ang isang araw at kalahati, sa wakas July 18 na magkikita narin kame. Gaya nga ng pangako namen sa isat isa magkikita kame dun sa Sm North, nauna ko sakanya makapunta dun at hinintay ko sya ng iilang minuto lang. Malapit na daw sya at naglalakad na overpass papuntang Sm North, nakita ko sya naka dilaw na t-shirt at skinny jeans, tila hinahanap nya ako nilapitan ko sya at kitang kita ko ang galak sa mga mata nya. Pumunta kame dito sa bahay at naipakilala ko sya sa magulang ko, dumiretso kame sa kwarto at....
Alam nyo na yun. Hindi ko akalain na magahanap mga ganon pangyayare samen. Umuwi sya ng 5:30pm hinatid ko sya hangang Letre. Habang hinahatid ko sya nalulungkot ako dahil matagal nanaman kaming hindi magkikita, parang ayaw kong lumipas ang mga oras na mag kasama kame pero sadyang mabilis ang oras lalo na pag masaya ka. Nakauwi na ako sa bahay at ganon din sya. Umiyak sya habang magkausap kame sa cp dahil may nanyare samen dalwa. Alam kong maling gawain yun kaya nag sisi ako at alam ko balang araw pagbabayaran ko mga nagawa namen. Babae sya may nawala sakanya, hinihika sya habang umiiyak sya na magkausap kame sa cp.
Nakaraan ang napakaraming araw nakailan pagkikita narin kame sa personal at sa bawat pagkikita namen may nagaganap. Alam ko sa sarili ko na mali yun pero sya mismo nag aaya ng bagay na yun saken.
Isang gabi magkausap kame sa cp.
Nalungkot ako sa mga naikwento nya.
Tinanong nya saken na ok lang ba saken na dati syang drug addict?
Ok lang daw ba saken na dati syang napariwara? At habang nag ja-jamming sila ng mga kaibigan nya sa drugs minsan raw may nanyayari, naikwento nya saken lahat yun habang umiiyak sya. Oo tinangap ko sya pero nasaktan ako sa mga pinagdaanan nya noon. Mahal ko lahat sakanya kaya tinagap ko rin yung nakaraan nya. Hindi mahalaga saken kung ano ang nakaraan nya. Ang mahalaga saken yun kung ano kame sa kasalukuyan at sa magandang future namen.
Lumipas ang napakaraming araw at nagkita nanaman kame. At sa pagkikitang yun malungkot dahil aalis na ako ng Pinas at mababakasyon kame sa Japan. Mas pinili ko syang makasama kesa sa mga kaibigan ko. Pumunta ako sa bahay nila para sa huling araw ko dito sa Pinas ay sya ang makikita ko. Mixed emotions pala masaya na malungkot, masaya dahil makakapunta ako sa Japan kasama parents at kapatid ko, malungkot dahil maiiwan ko sya.
Dumating na ang bukas at nasa Airport na kame, tumawag ako sakanya habang naglalakad na ako papuntang eroplano. Umiyak sya at ako talagang pinipigilan ko lang dahil ayoko sya panghinaan ng loob.
Phone rang...
Me: *hello mhie sasakay na kame ng eroplano*
Rheanne: *dhie omg iiwan mo na ako hindi na kita makikita* (while crying)
Me: *di kita iiwan magkalayo man tayo malapit parin mga puso naten at babalik naman ako I love you*
Rheanne: *I love you too dhie mag ingat ka dun at hihintayin kita*
Me: *sasakay na kame bawal na phone dito pangako ko babalik ako I love you*
Hangang sa eroplano mixed emotions parin ako.
Nasa Japan na kame napakaganda dun at napakalamig. Pag punta namen sa bahay ng kapatid ko sa Japan agad akong nag wifi at kinamusta ko sya.
Miss na miss ko agad sya kahit saglit palang ako dun, lumipas ang maraming araw at marami narin kaming napuntahang lugar sa Japan, lahat ng napupuntahan namen pinipicturan ko at pinapakita ko sakanya.
Pupunta kame ng Tokyo Disneyland yes exited ako nun dahil pangarap ko talaga magounta dun.
Habang nasa Disneyland kame. Masayang masaya ako at pumasok sa isip ko na.... Sana kasama ko si Rheanne ngayon sana nakikita nya rin mga nakikita ko. Marami rin kaming pag aaway habang nasa Japan ako dahil hindi ako mashado maka reply sakanya dahil hindi ako lagi nakakasagap ng wifi pag lalabas kame and shempre nagkakaayos naman kame at the end of the day.
Isang bwan din ang nakalipas at uuwi narin kame, sa pagkakataong yun mixed emotion parin masaya dahil makikita ko na ulit si Rheanne at malunkot dahil mamimiss ko mga kapatid ko sa Japan pati mga pamangkin ko.
Umuwi kame noong Feb 14 ng gabi at araw pa mga puso napaka traffic.
Pag uwi namen ng bahay yung dalawang orasan namen nawalan ng battery at naka stop sila sa parehong oras ng 7 at naaalala ko yung santo ni Mama Mary pito nalang yung daliri dahil naputol tatlong darili neto noon pa sa hindi namen alam na dahilan. Nagulat ako 777 na kung baga lucky 7 at bingo yun sa pachinko 777 at nasa bible ang kahulugan nya, alam ko may meaning yun sa pamilya namen.
Nakalipas ang ilang araw habang nagiinom kame magkakamag anak sa resto bar sa labas may lumapit na ale at nagbebenta ng rosas binili ko ng P100 ibibigay ko kay Rheanne kinabukasan.
Dumating na ang araw na magkikita kame kasama nakababata nyang kapatid na lalake na si Brebie na tuwang tuwa saken. Pumunta kame sa McDonald's may nakita kaming manong na pulubi umupo malapit sa harap namen at ibinili namen ng pagkaen, gusto ko kase may mapulot silanf aral saken na magandang kaugalian ng pagtulong. Dumiretso kame dito sa bahay at wala rin tao kame lang tatlo ni Rheanne at Brebie na kapatid nya. Feeling ko isa kaming pamilya natutuwa ako pag naglalakad kame napagkakamalang kaming isang pamilya. Ang sarap pala sa feeling ng parang pamilya kame at napakasaya ko dahil kumpleto ako ng mga araw na yun.
Dumaan ang maraming araw at napakalungkot na araw sa buhay ko. Mag aaral na sya ulit dahil napahinto lang sya masaya ako dahil mag aaral na ulit sya pero.... Malungkot dahil kelangan namen maghiwalay dahil yun ang deal ng dad ni Rheanne sakanya hiwalayan ako at mag aaral sya. Gusto naman saken ng mama nya ganon din si Brebie pero dad nya mukhang alanganin ako.
Nag hiwalay kame noong March 10 napakalungkot ko, ultimong love songs and love stories sa radyo ayaw kong makarinig pero yung lagi pinapakingan ng parents ko sa radyo.
Ang sakit ang hirap ang bigat sa puso, nagigising ako ng madaling araw dahil biglang bumibilis tibok ng puso ko at sya nasa isipan ko.
Lumipas na ang 3 years at 2016 na.
Naka moved on na ako pero....
Mahal ko pa sya.
Dito na po nag tatapos ang kwento ng buhay pagibig ko titled "Blue Love"
Blue Love dahil malungkot ang wakas at dahil yun din favorite color ni Rheanne. Tapos na ang storya ng pagibig ko sakanya pero storya ng buhay ko patuloy parin, bukas parin naman puso ko para magmahal muli, at kung babalik si Rheanne sa buhay ko tatangapin ko pa sya.
Tadhana ba o gawa ko lang ang tadhana na ito? Minsan kung ano ang plano mo hindi nanyayare. Eto na nga yung sinasabi kong pagbabayaran ko at napagbayaran ko na yung sakit at yung nawala na sya sa buhay ko. Hindi ko sya niloko pero yung nanyare samen kasalanan sa mata ng dyos. Paalam at salamat sa magbabasa.Sana mag trending to. HahahahaAsapako!