Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa taong iyon! Ewan! Kung maka ganti siya sa akin wagas! Simpleng kinulayan ko lang ang kwarto niya ng pink pagkatapos siya pinahirapan ako, pinahiya sa maraming tao, nilait-lait ginawa pang waitress! Grabeh di ko ma reach ang kasamaan ng ugali niya.
Buti nalang sabado bukas makapagpahinga ako. At ever in my whole life hindi talaga ako magiging waiter! Nakakapagod! Hindi kaya ng powers ko!
Andito ako ngayon sa wash room para magbihis at maghilamos. Si Yuan naman naghihintay sa labas, nakonsensya siguro siya sa ginawa niya. Sabi niya kasi ihahatid niya ako. Salamat naman tinubuan siya ng konteng kabaitan sa katawan.
Pagod na talaga ako, never in my whole life napagod akong ganon, buhay princesa eh! Oh well hindi na ako mag aayos ng sarili, light pink lipstick lang total pangit na rin naman ako sa paningin ni Yuan kaya hindi na ako mag- aayos. Okay na yun.
Paglabas ko sa sweet Sugar Top cake shop agad bumungad sa akin ang maamong mukha ni Yuan.
Nakatingala ito sa langit, ang bait niya tuloy tingnan... kaiba sa totoo niyang ugali. Sana ganyan nalang siya lage may chance pa sigurong mainlove ako sa kanya. Kaso hindi eh. Kaya no chances at all.
And besides may girlfriend na siya plus may dalawang anak na siya. Ayaw ko kayang maging bida kontrabida sa love story nila anoh! Ang bait ko kaya!
"Hoi bossing..." tawag ko sa kanya.
Nabigla ito ng lumingon siya sa akin. Wow naman sakit ha! Ganyan na ba talaga kasama ang mukha ko pag walang make up. >3<
"Sige sabihin mo na ang gusto mong sabihin, laitin mo na ako kung gusto mo... basta ako... pagod na ako at ihatid mo na ako." Letanya ko.
I heard him clear his throat... tapos nag salita.
Ano kaya nangyari sa kanya.
"Get in the car." Sabi lang nito.
Wow! Magaling pala siya kausap sa gabi hindi nanlalait tapos hindi pa masungit... tipid ngalang sa salita as usual pero okay na iyon subra pa sa alright. ^ ^
At ayon nag drive na siya... at nag simula na ding mapanis at mangamoy ang bibig ko dahil ni isang salita walang lumalabas sa bibig ko. Nabibingi ako sa katahimikang ito.
Grabeh talaga ang taong to! Hindi ako makatagal. And tamad magsalita!
"Malapit na bang matapos ang kontrata ko sayo bossing?" Tanong ko para magsimula ng usapan.
.............................
.....................................
...........................................
Ay deadma.
"May kapatid ka ba boss? Mabait ba siya di tulad mo?" try ko ulit baka sasagot na siya.
.................................
.........................................
.................................................
Ay deadma na naman.
"Eeeeh... kasing gwapo mo rin ba siya?" Last try, baka mag salita na talaga.
After 30 seconds...
1 minute...
2 minutes...
3 minutes...
Wala pa rin! Deadma na deadma! Sige hindi na ako magsasalita! Bahala siya. Sarili ko nalang ang kakausapin ko.
Ilang sandali ang lumipas, at nakatingin nalang ako sa bintana ng sasakyan, baka may makita akong pweding kausapin na sigurado akong sasagutin ako.
"You look pretty." Sabi ni Yuan.
O_______o??????
Ano daw????
Pretty ako???? Si Yuan nag sabi??? Seriouso???
OHMAGAS!
Totoo ba ito? Am i dreaming? Guguho na ba ang mundo? Mateterminate na ba ang lahat ng maganda bukas including me????
Am I Really hearing the right words from the Royal Snob???? O guniguni ko lang yun?
"Uhm...ano sabi mo??? Pwede paki ulit?" Paninigurado ko.
"I dont need to repeat it, you heard it clearly. You look good without make-up." Sabi lang nito.
Sooooooooooo????
Ibig sabihin ba non sinabi niya talaga sa akin na MAGANDA AKO???? AS IN?????
Alam ko naman talaga yun noon pa. Pero iba talaga kung kay Yuan galing eh!
^___________^
"Oiii bossing inlove ka na sa akin ano? Aminin mo kasi... pakipot ka pa jan. Eeeeeehhh bossing... nagagandahan siya sa akin." Sabi ko.
"One word... at babawiin ko ang sasabihin ko." Sabi nito.
"Oo na po master. Ayan..." sabi ko sabay action pa na sinisiper yung bibig.
And then next thing I knew...
O___________o
He smiled...
He really smiled at me!
Napangiti ko talaga ang Judas na ito na walang ibang alam gawin kundi magpokerface.
Like I always knew.
His FREAKING GORGEOUS lalo nat nakangiti siya.
Sige na! Oo na ako na ang maganda! Yehey!...
Dito kataga masasabi na there's always sunshine after the rain.
BINABASA MO ANG
HapPy LoVe: 100 days with the Royal Snob
RomantizmBroken hearted, and desperate to look for a boyfriend... Quincy the easy-go-lucky, none-stop-talking-machine girl wishes a revenge sa ex-boyfriend niya na nakita niya na may kahalikang babae sa parking lot. Burst out in anger sinira niya ang napakam...