Do you know this girl?

83 3 0
                                    

Chapter 3

<Belle’s POV>

So embarrassing! Nakakahiya talaga! Naiiyak na ako habang paalis ng school canteen. Hindi ko naman sinasadyang matapon kay Mishi ung pagkain eh. Tinisod ako. Those son of b!tches! Pinagtripan na naman ako..huhuhu

“Uy Belle. Tapos ka nang kumain?” boses un ni Lei, ang aking nag-iisang friend sa school. Hindi ko na siya pinansin because tears are in my eyes. At napansin naman ni Lei un kaya’t napasunod siya sa akin.

“What happened?” Lei asked. Nakaupo na kami sa bench malapit sa room of our next subject.

“Wala,” deny ko. “Haist! Denial queen ka na ngayon? Ganun?” sagot niya sa akin.

Hindi na ako nakakibo dahil tuluyan nang tumulo ang luhang kanina ko pa pinipigil. Lei tapped my shoulder. After a moment, I stopped crying. Kailangan kong tumahan dahil malapit na ang klase namin. I don’t want those bastards ruin my studies.

Kriiiing! Bell na. Time for Physics. Tumayo na kami at nagtungo sa Science room. As we walk to the room, I can feel the stares of other students like daggers in my back. I really don’t understand why they hate me so much! Wala naman akong ginagawang masama! Wala!

Lumipas ang oras at natapos din ang tatlong subjects namin. As usual, nangibabaw ako sa klase.hehe. Hindi ako nagmamayabang. Humble ako eh.hehe. Nakakatuwa lang kasi the fact na my classmates and other students hate me, on the contrary naman ang mga teacher namin. Kaya ako ang nangunguna sa klase. Tama ung sabi ni Mishi, matalino ako pero tatanga-tanga. Aray! Sakit ng katotohanan. Haist!

Last subject na namin. My favorite, Trigonometry.Yay!  Mataman akong nakinig sa explanations ni Mrs. Santos. Ako ang tanging nagtaas ng kamay when she ask someone to do the computation in the board.

And perfect! I got the correct answer. Mrs. Santos praised me. Natutuwa ako sa mga ganoong pagkakataon kahit na tinataasan ako ng kilay ng mga kaklase ko.

Buti na lang andun si Lei na natutuwa rin sa akin.

Bago ang dismissal, in-announce ni Mrs. Santos na next week na ang exam for third grading. Napuno ng ungol ng pagkadisgusto ang room namin. Ganun naman talaga ang normal reaction ng mga mag-aaral kapag exams na di ba?

“Belle, di ako makakasabay sa’yo pauwi ah!”

Napalingon ako kay Lei. Oo nga pala, may pupuntahan ang buong pamilya niya kaya susunduin siya ngayon.

“Okay lang, best. Ingat kayo ha? Saka enjoy yourself.” Naglakad na ako patungo sa photo copy center sa gilid ng canteen at ipina-photo copy ang librong hiniram ko sa library. Bawal kasing iuwi ang libro.

Tiningnan ko ang relo ko, 5:10 na. Naibalik ko na ang libro at uuwi na ako. Napadaan ako sa room namin sa trigonometry at nakita kong nagwawalis ng kuwarto si Mrs. Santos.

“Ay, Ma’am! Bakit po kayo ang naglilinis ng kuwarto? Ako na lang po.”

“Naku, Maria Isabelle! Salamat at dumating ka. Hay! Ang tatamad talaga ng mga kaklase mo. Walang man lang naiwan para magwalis sa room natin.”

“Di ba po group 3 ang cleaners for the week?” Nagsimula na akong magwalis.

Hindi na ako nasagot ni Maam dahil tumunog ang cellphone niya. Maya-maya…

 “Ahm. Maria Isabelle, okay lang ba sa’yo  kung mauna na ako? May lagnat daw kasi si bunso kaya kailangan ko nang umuwi.”

“No problem po, Maam. Okay na okay lang po sa akin.”

Kakabilib din si Maam. Pagkatapos ng pagtuturo sa school, pagiging nanay at asawa naman ang gagampanan sa bahay. Paano kaya nagagawa ng mga teacher un? HMMM?

Do you know this girl?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon